Chapter Six

655 33 1
                                    

Chapter Six

"I raped her," seryosong saad ni Xyler habang diretsong nakatingin sa mga mata ni Calyx.

"Fuck . . . S-seriously, dude?!" Parang nahimasmasan si Josh mula sa pagkalasing niya dahil sa narinig. Muntik ng maibuga ni Sean ang iniinom na alak. Naiwang nakabuka ang bibig ni Ryle. Lahat sila nagulat sa inamin nito.

Bigla naman ang pagtawa ni Xyler saka umiling ng marahan. "No, no, I'm just . . . kidding," Mahinang wika nito pero sapat para marinig ng lahat.

"Oh!" Mukha namang nakabawi na sa gulat si Ryle, ",but that's not a good joke, dude. Don't do that again. So, what happened?"

Xyler sighed and starts talking. "On her 24th birthday, that night, something happened between us, not because I want to, but because we love each other." Pagkukwento ni Xyler.

"But I don't know, gumising na lang ako kinabukasan wala na s'ya sa tabi ko, I called her many times, I even texted her a hundred times pero wala s'yang sinagot kahit isa, " huminto si Xyler sa pagsasalita at bahagyang yumuko. Sumasakit ang kan'yang dibdib. Gusto na n'yang maiyak sa mga oras na 'yon, pero pinigilan n'ya, ayaw n'yang magmukhang mahina.

"Nalaman ko na lang nagpalit na s'ya ng number at nakaalis na ng bansa," Xyler stopped. He breath heavily and chuckled. Uminom siya ng alak at sumandal sa sofa, acting all cool.

"Isang taon na rin pala," dagdag pa n'ya. Kaibigan ng kapatid na babae ni Xyler si Yve. Yve was his first love kahit na matanda ito ng 7 years sa kan'ya. Nahulog s'ya rito dahil sobrang bait at maalaga ang dalaga. Isa itong teacher sa kanilang school at nagkataon na isa si Xyler sa mga estudyante ni Yve. She was so beautiful and passionate about teaching and that was one of the reason kaya mas lalong nahulog si Xyler sa kan'ya.

Prom night, inamin n'ya ang nararamdaman n'ya para rito, but he was rejected. Ang rason nito mas matanda s'ya kay Xyler at isa lamang estudyante ang tingin ni Yve sa kan'ya dahil 'yon naman talaga ang totoo pero nag-iba 'yon no'ng gabing aminin din nito na gusto n'ya rin si Xyler at 'yon din ang gabing maiiwan si Xyler mag-isa.

And that is, finally, nasabi na n'ya.

"Bakit hindi mo sinundan?" Tanong ni Josh na seryoso lang na nakikinig kanina. Nakatuon sa baba nito ang kan'yang palad. Namumungay na rin ang mga mata nito.

"Bakit s'ya umalis? Mahal n'yo naman pala ang isa't isa?" Segunda pa ni Ryle.

"Mga gago! Tama na ang tanong, balak n'yo pa akong i-hot seat, ah." Pagtanggi ni Xyler.

"Gusto lang malaman, e. Kj mo, pre," reklamo ni Ryle.

"I never thought that you would fall for her, Xy. Imagine, 7 years age-gap n'yo," pang-aasar ni Calyx.

"Crop that shit, Cal," seryosong saad ni Sean na kanina pa tahimik.

Calyx closed his mouth and just slouched on his seat. Kinuha na ni Xyler ang bote at sinimulang paikutin. Napangisi siya ng tumapat ang bote kay Ryle.

"Dare!" Agad na sabi nito kahit na wala pang itinatanong.

"Mukhang may itinatago ah," panunukso ni Josh sabay tumawa. Hindi lang kasi tahimik si Ryle, masyado rin itong private as a person, sa sobrang private n'ya basic information lang ang alam nila kay Ryle. Of course, it's not true.

"I dare you to go to the dance floor," pa-suspense pang wika ni Xyler. Ngumisi pa ito na akala mo may masamang balak. "Grab a girl and then kiss her," mas lalo pang lumaki ang ngiti or more like ngisi sa labi ni Xyler.

"Tangina! Pa'no kapag sinapak ako no'n?" Nag-aalinlangang saad ni Ryle.

"Problema mo na 'yon, dude. Dare is dare." Tulak ni Xyler.

KISS BUDDY (completed)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin