Chapter Fourty Two

323 15 3
                                    

Chapter Fourty Two

LUSH,

Nagising akong wala na si Sean sa tabi ko. Inilibot ko ang mata ko sa buong kwarto, pero hindi ko s'ya nakita.

Baka nasa banyo o kaya nasa kusina.

Nagugutom na ako, pero nanatili pa rin akong nakahiga sa kama ni Sean habang balot ng kumot ang ibabang bahagi ng aking katawan. Mabigat ang aking pakiramdam. Mabigat ang aking dibdib. I feel so lazy that I can't even move my hands na ngayon ay namamanhid na sa ilalim ng unan.

Pakiramdam ko may malaking butas sa gitna ang puso ko making me hard to breathe. I feel so empty and I don't even know why.

Maybe, because this will be the last time na makakasama ko si Sean. What happened to us, I did that on purpose.

Ginawa ko 'yong rason para hindi ko s'ya makalimutan oras na iwan ko s'ya.

I love you . . .

I heard Sean's voice in my head while saying those words. 'Yong mga salitang dapat ay nagpapagaan ng dibdib ko, pero mas lalo lang naging dahilan para mag-suffer kaming dalawa. Wala s'yang idea sa nararamdaman ko at wala rin akong idea kung pa'no ko sasabihin sa kan'ya — na hindi lang s'ya 'yong nagmamahal sa 'ming dalawa.

Andaming what ifs na pumapasok sa utak ko o masyado lang talaga akong duwag para ipaglaban s'ya kahit magkalayo kami sa isa't isa.

"Good morning!"

Nang marinig ko ang boses ni Sean sa may pinto ng kwarto ay agad kung ibinaon ang mukha ko sa unan upang maalis ang bakas ng luha sa mukha ko. Hindi ko nagawang sumagot sa kan'ya dahil baka marinig n'ya ang pag-hikbi ko. Nanatili akong naka-dapa sa kama at yakap ang unan.

Gumalaw ang kama ng sumampa s'ya roon. He sat on my butt-cheeks, I felt his warm breathe on my shoulder. He grasp my shoulder and kissed it.

Nabasa ang balikat ko dahil sa tubig na umaagos sa kan'yang buhok. Amoy na amoy ko ang bango ng shampoo na ginamit n'ya. Mukhang katatapos n'ya lang maligo.

"Round two?" He said in a sensous and insistent tone.

"Gago! Libog mo," Asik ko sa kan'ya. Abuso!

Bigla naman s'yang huminto sa paghalik sa balikat ko. I can feel his gaze.

"Wait —" saad n'ya at umalis sa pagkakaupo sa likod ko. Nahiga s'ya sa tabi ko at tinitigan ako sa mata.

Ayokong makita n'ya na umiyak ako kaya agad kung itinago ang mukha ko sa unan.

"Did you just cried?" Malambing ang kan'yang boses.

"Hindi," Pagsisinungaling ko kahit halatang-halata naman sa basa ko pang mga mata.

"Ma-Masakit ba?" He asked in an apologetic expression, "I'm sorry!"

"For what?" Humarap ako sa kan'ya at tinitigan ang kan'yang mga mata. Bagay na una kung nagustuhan sa kan'ya.

"Because of me —"

Pinutol ko ang ano mang sasabihin n'ya.

"Gago! Masaya lang ako." Hinugot ko ang braso ko sa ilalim ng unan at pinitik s'ya sa noo. Makaganti man lang.

Sinamaan n'ya ako ng tingin, pero kalaunan ay hindi n'ya na itinago ang ngiti.

"Ako rin. Super." He giggled before pulling me close to him and kissed me on my lips.

Pinalo ko naman s'ya sa braso dahil hindi pa ako nag-to-toothbrush man lang.

"Nga pala, may niluto ako para sa'yo." Bumitaw sa 'kin si Sean at medyo lumayo sa 'kin. Do'n ko lang napansin na wala pala s'yang suot na pang-itaas at tanging short shorts lang ang suot n'ya. Halos matalo n'ya pa ang babae sa ikli ng shorts n'ya, pinagmamalaki ang makinis at feminine leg n'ya.

KISS BUDDY (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon