Chapter Thirty Six

316 15 0
                                    

Chapter Thirty Six

LUSH,

"Anong nangyari?" Tumatakbo akong lumapit kay Clau.

Tumingin sa akin si Clau habang kagat ang gilid ng kan'yang labi, waring nagdadalawang isip na sabihin sa 'kin kung anong nangyari.

"Na-Nakita namin ang Papa mo." Yumuko si Clau at sumandal sa pader.
"Kasama 'yong kabet," dagdag pa n'ya.
Napa-awang naman ang bibig ko ng marinig ang sinabi n'ya. I click my tongue.

"Sinubukan n'yang kausapin ang Papa mo, pero tinaboy n'ya lang si Lyz. After that, umiyak lang si Lyz nang umiyak hanggang sa mawalan s'ya ng malay." Pagkukwento ni Clau na mukhang maiiyak na rin. "Pumasok ka na, she needs you."

Hindi ako nagsalita. Binuksan ko ang pinto na nasa gilid lang ni Clau at pumasok. Sumunod naman s'ya. Naabutan ko doon si Mama na hawak ang kamay ni Lyzee. Nang makita ako ni Mama ay umalis s'ya sa upuan at sumenyas na doon ako maupo na sinunod ko naman. Hinawakan ko ang kamay ni Lyzee. Wala pa rin s'yang malay. May nakakabit na oxygen sa kan'ya.

Habang pinagmamasdan ko ang kalagayan ng kapatid ko, unti-unti ko na namang nararamdaman ang galit dahil sa ginawa sa 'min ng Tatay ko. Nagulo lang naman ang pamilya namin dahil sa kan'ya.

Dapat ini-enjoy namin ang araw na 'to, e, pero dahil sa kan'ya ganito ang nangyari. Na-ospital pa si Lyzee dahil sa ka-walanghiyaan n'ya. Napaka-walang kwentang ama.

Maya-maya pa bumukas ang pinto at pumasok si Calyx na may dalang tatlong bote ng tubig. Ibinigay n'ya kay Clau ang isa at ang isa naman ay kay Mama. Huli s'yang lumapit sa 'kin. Inabot n'ya ang bote ng mineral water na kinuha ko naman agad, pero hindi ako uminom. Parang kahit pag-inom ng tubig ay hindi ko kayang gawin sa tuwing makikita ko ang mukha ni Lyzee. She look so tired. Her eyes were swollen enough to know that she just stopped from crying.

Hindi ako umalis sa tabi ni Lyzee. Hindi ko binitawan ang kamay n'ya hanggang sa magising s'ya. Hindi rin umalis si Calyx at Clau at hinintay nilang magising si Lyzee.

"Anong pakiramdam mo?" Nag-aalalang lumapit si Mama sa hinihigaan ni Lyzee. "Nahihilo ka ba? Masakit ba ang ulo mo? Nahihirapan ka bang huminga?" Sunod-sunod na tanong ni Mama at lahat 'yon inilingan ni Lyzee. Inalis n'ya ang nakakabit na oxygen sa kan'ya at nag-ayang umuwi.

"Gusto mo ng umuwi?" Pag-uulit naman ni Mama. Tumango si Lyzee. Parang wala s'yang kagana-gana sa lahat ng bagay.

"Sandali, tawagin ko lang ang doktor." Lumabas si Mama ng kwarto. Hindi rin naman nagtagal at bumalik na rin s'ya. Nag-paalam lang yata sa doktor. Si Mama ang umalalay kay Lyzee habang naglalakad kami palabas ng hospital. Pinapunta ni Tita ang driver nila para sunduin kami kaya nakatipid kami sa pamasahe pauwi.

Umuwi na rin si Calyx at Clau. Pagdating sa bahay ay agad na nagsabi si Lyzee na matutulog na s'ya kaya hinayaan na muna namin s'ya. Nagpunta ako sa sarili kung kwarto at tumulala sa kisame. Hindi ako mapakali at naiisip ko si Lyzee kaya agad akong bumangon at lumabas ng kwarto.

Idinikit ko ang tenga ko sa pinto ng kan'yang kwarto at pinakinggan kung anong nangyayari sa loob. Tahimik naman, pero hindi pa rin ako mapakali kaya pumasok na ako sa loob. Naabutan ko s'yang nakaupo sa kan'yang kama at umiiyak.

"Lyzee!" Naupo ako sa kan'yang tabi at hinawakan ang kan'yang braso.

"Kuya!" Mas lalong lumakas ang kan'yang pag-iyak ng kabigin ko s'ya palapit sa 'kin para yakapin.

Hinagod ko ang kan'yang likod. "Sshh. Nandito lang si kuya."

Marahan ko s'yang inilayo sa 'kin. Magang-maga na ang kan'yang mata dala ng sobrang pag-iyak. "Anong nangyari?" Pinunasan ko ang kan'yang luha gamit ang aking hinlalaki.

KISS BUDDY (completed)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant