Chapter Fifty

305 18 7
                                    

Chapter Fifty

LUSH,

Hindi ko nakuha ang sagot sa itinanong ko kay Calyx kanina nang bigla na lang sumulpot si Josh mula sa kung saan at inaya si Calyx na bumalik na sa kanilang classroom kaya tumango na lang ako at hinayaan silang iwan ako mag-isa sa bench. I watched them walk away from me.

Hindi ko alam, pero I feel a little bit sad when Calyx turned his back on me. Pakiramdam ko may itinatago s'ya sa 'kin o pakiramdam ko lang 'yon. Ramdam ko kasi sa bawat tingin n'ya kanina na parang may gusto s'yang sabihin, pero nagdadalawang isip s'ya.

"Hoy!" Nawala ang iniisip ko ng bigla na lang sumulpot sa harap ko si Sean. He snapped his finger in front of me.

"Hmm?"

"What are you thinking?" May himig ng pag-aalala sa kan'yang boses. Lumapit s'ya sa 'kin at hinawi ang buhok na tumataklob sa mata ko. Saglit akong pumikit at umiling. I gave him a full smile. Nawala ang isip ko kay Calyx at agad iyong napunta kay Sean. He placed my both arms on his waist, cupped my head with his both hands and kissed it. Saglit na nawala sa isip ko ang mga taong maaaring nakamasid sa amin ngayon at ang p'wede nilang isipin sa amin.

"I missed you too."

Umalis naman ako mula sa pagkakayakap sa kan'ya at nakakunot ang noong nag-angat ng tingin sa kan'ya.

"Too?"

Tumango naman s'ya at sinalubong ang tingin ko. The corner of his lips turned up.

"Yeah, I know you missed me that's why you followed me here."
Natawa ako. Sure na sure s'ya sa sinabi n'ya, ah!

"Oh? I never said I missed you kaya ako pumunta rito, I said I was bored," pangangatwiran ko, "that's different, though."

Naningkit ang kan'yang mga mata at tinitigan ako. Umiling sya, dismissing what I told him.

"Nevermind." He let go of my hand and slid his hands in his pocket. "Let's just go on a date."

"H-Ha?" Bigla namang pumasok sa isip ko na may afternoon class pa s'ya, pero sinabi n'yang mag-s-skip muna s'ya sa klase just to be with me. I giggled when he said that, pero na-konsensya naman ako. If I remember it right, nag-skip na s'ya ng klase dati para lang makasama ako tapos mauulit na naman 'yon. I was worried na baka masira ang record n'ya dahil do'n, pero sinabi n'yang 'wag ko ng intindihin 'yon dahil kaya ng lusutan 'yon nina Xyler. Ang laki pa ng ngisi nang sabihin n'ya 'yon. Napailing na lang ako at nagpadala na lang sa kan'ya nang hilahin n'ya ako palabas sa back gate. Doon ulit kami dumaan dahil hindi iyon naka-lock at para na rin walang makakita sa 'min — sa kan'ya na nag-skip ng klase. Sinabi n'ya rin na huling linggo na ng klase nila dahil practice na nila next week for graduation. Bigla akong nainggit sa kan'ya. Pakiramdam ko napag-iiwanan na ako.

Naglakad lang ulit kami ni Sean dahil nasa main gate naka-park ang kotse n'ya kaya hindi n'ya iyon nakuha.
Saka mas prefer ko na maglakad kami para marami akong time to be with him. Hindi ko alam kung saan kami pupunta o kung anong gagawin namin kaya sumabay na lang ako sa bawat hakbang ni Sean. Hindi n'ya rin naman inalis ang braso n'ya sa balikat ko.

May mga taong napapatingin sa amin. Naka-suot kasi kami ng complete uniform with ID pa, ah! Tapos heto kami —si Sean at imbes na nasa klase ay gumagala kami sa kalagitnaan ng mainit na araw. Nagpatuloy lang kami sa paglalakad habang magkahawak ang aming kamay na kahit namamawis na ay ayaw pa ring bitawan ni Sean.

"Anong ginagawa natin dito?" Nagtatakang tanong ko habang pinagmamasdan ang tahimik na paligid. Wala akong makitang ibang tao kundi kami lang ni Sean. Pumasok kami sa gate at naglakad sa pagitan ng mga nitso. Yep, we are at the cemetery. Hindi ako sinagot ni Sean, hawak n'ya lang ang kamay ko at tahimik na naglakad hanggang sa huminto s'ya kaya napahinto rin ako.

KISS BUDDY (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon