Chapter Fifty Seven

217 15 0
                                    

Chapter Fifty Seven

LUSH,

NANATILI lang akong nakatayo sa may hagdan habang nakikipag-staring contest sa lalaking nakaupo sa sofa hindi kalayuan sa 'kin. Malamlam ang kan'yang mga mata na parang may sinasabi, pero hindi ko lang mawari kung anong gusto n'yang iparating. Hindi ako umiwas ng tingin at gano'n din s'ya.

I was about to open my mouth to ask where are the others when the door at the corner of this VIP place opened. Lumabas doon si Clau na inaayos ang suot n'yang blouse.

"Alex!" Lumapit sa akin si Clau. "Bakit ang tagal mo?"

Nalanghap ko ang amoy ng alak sa bibig n'ya. Mukhang kanina pa sila nag-umpisang mag-party.

"Marami bang pasyente?"

Tumango na lang ako. Pa-simple kung sinulyapan si Sean na ngayon ay nakayuko na ulit at tahimik na tumutungga sa hawak n'yang bote.

"Uy gago! Dahan-dahan, pre!"

"Lasing ka na ba?"

"Hagdan 'yan hindi swimming pool ang gago!"

Sabay kaming napalingon ni Clau sa may hagdan ng makarinig kami ng mga boses na akala mo nag-aaway kung mag-usap. Malalakas ang kanilang boses at sumasapaw iyon sa malakas na tugtog na nanggagaling sa ibaba. Nakita ko si Calyx, Josh, at Ryle na magkaka-akbay habang umaakyat sa hagdan. Wala si Xyler. Mukhang kagagaling lang nila sa dance floor dahil sa pawisan nilang mukha.

"Panget ka-bonding ng kaibigan mo, p're. Hindi tayo sinipot. Asinsado na kasi!" Malakas ang boses na saad ni Josh habang may pagkumpas pa ng kamay. Nakaharap ito kay Calyx.

Napangisi ako ng marinig iyon.

"Ako ba 'yang tinutukoy mo?" Nakangising tanong ko sa tatlong lalaki.

"Lush?" Bumitaw si Josh sa pagkakaakbay kay Ryle at Calyx. Ma-drama s'yang naglakad palapit sa 'kin. Hinawakan n'ya ang magkabila kung pisngi at mangiyak-ngiyak na tumingin sa akin.

"Ikaw nga!" Bulalas n'ya na parang biglang nagkaroon ng himala.

"Ikaw nga!" Inalog-alog n'ya ang balikat ko kaya hindi pa man ako nakakainom ay nakaramdam na ako ng hilo. Pagkatapos n'ya akong alugin ay saka s'ya emosyonal na yumakap sa 'kin.

"Tingnan mo 'tong tangang 'to." Naiiling na bulong ni Calyx na dumaan sa likod ko para umupo sa sofa.

Natawa ako at narinig naman yata ni Josh ang sinabi ni Calyx kaya agad s'yang bumitaw sa 'kin at sinamaan ng tingin ang huli. I heard Ryle chuckle as he tapped my shoulder. Tinanguan n'ya ako bago ako lampasan at naupo sa tabi ni Calyx.

"You should understand guys that Alex is now a busy person!" Lumingon ako kay Clau ng marinig ko s'yang magsalita.

"Hindi katulad ni Xyler na may time pang mambabae." Habang sinasabi iyon ni Clau ay nakatingin s'ya sa may hagdan kaya napunta rin doon ang aming tingin at bumungad sa amin ang magulong itsura ni Xyler.

Nakabukas ang butones ng suot n'yang long sleeve na parang marahas na hinila at may bakas pa ng lipstick sa ibabang bahagi ng labi n'ya. Hindi pinansin ni Xyler ang pasaring ni Clau at dumeritso sa kinatatayuan ko.

"Buti nakarating ka, pare. Nagtatampo na kami sa 'yo."

We did the handshake-hug-hybrid.

"Pasensya na. Patients first."

Naglakad ako papunta sa bakanteng sofa at mauupo na sana sa pinakadulo para malayo kay Sean ng itulak ako ni Josh at s'yang naupo sa dapat ay uupuan ko. Muntik na akong mapasubsob kay Sean buti na lang at mabilis akong nakahawak sa backrest ng sofa at napigilan ang sarili ko na huwag bumulusok sa kan'ya. Dahil doon ay napunta ang atensyon sa 'kin ni Sean at mataman akong tiningnan.

KISS BUDDY (completed)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora