Chapter Twenty Nine

414 20 0
                                    

Chapter Twenty Nine

THIRD PERSON'S POINT OF VIEW

Alas singko nang hapon ng dumating sina Ashley at Claudia sa bahay ni Calyx. May dala silang isang plastic ng mga pagkain na lulutuin para sa party na kanilang gaganapin.

"Hey guys!" Energetic at malakas ang boses na bati ni Claudia sa tatlong lalaki na kanilang nadatnan sa kusina.

"Hey—wait I told you not to bring anything. Sinabi kung ako na ang bahala, 'di ba?" Hindi malaman kung matutuwa o ma-didisappoint na usal ni Calyx ng makita ang dala ni Claudia.

Nagkibit balikat lang naman ang huli bago inilapag ang dala n'yang plastic sa sink. "That won't work on me."

Hindi makapaniwalang lumingon si Calyx kay Ashley, para humingi ng statement dahil ito ang kasama ni Clau, pero tanging kibit balikat at mahinang tawa lang din ang isinagot nito. Malinaw na sinabi ni Calyx ng magkaroon sila ng pagpupulong tungkol sa gaganapin nilang small party sa bahay nito na huwag ng magdadala ng kahit ano dahil s'ya na ang bahala, pero heto at hindi nakinig si Clau dahil nagdala pa rin ito. Kilala ni Ashley ang kaibigan na matigas ang ulo at kung anong gustong gawin ay gagawin, kaya hindi na n'ya ito pinigilan pa. Napa-hilamos na lang sa kan'yang mukha si Calyx habang wala namang pakialam si Ryle at Sean na nilalantakan na ang chocolates sa isang tabi.

"Don't worry, my dear Calyx. Ako naman ang magluluto, e." Saad ni Clau. Tinapik-tapik pa nito ang balikat ni Calyx. Wala ng nagawa si Calyx kundi ang hayaan ang pinsan na makialam sa kusina. Mukhang magandang idea rin na nagdala si Clau ng extra foods dahil hindi pa man nagsisimula ang kanilang ganap ay mukhang mauubos na ni Ryle at Sean ang pagkain. Animo'y hindi pinakain ng tatlong araw. Mukhang hindi mahal ng kanilang mga magulang.

Lumabas ng kusina si Calyx upang ayusin ang sala. Dalawa na lang sa kanilang magkakaibigan ang hindi pa dumarating, mukhang nakikipagsapalaran pa sa magulang para lang payagan.

Nang matapos sa pagluluto si Claudia ay kapwa sila umakyat sa ikalawang palapag ng bahay ni Calyx upang magpalit ng damit. Pagkababa nila ay saktong dumating na rin si Xyler na tanging maluwag at manipis na white t-shirt, maluwang na kulay abong pajama at tsinelas ang suot. Malawak ang ngiti at naka-dipa ang dalawang kamay.

"May alak na ba?" Bungad na tanong nito.

"Wala." Walang ganang sagot ni Ryle.

"Sino ka? Bakit dito ka naghahanap ng alak?" Tanong naman ni Sean.

Umay na napangiwi si Xyler dahil sa dalawa. Lumakad ito papasok at na-upo sa sofa.

"Bakit gan'yan mga mukha n'yo? Para n'yong pinagbagsakan ng inidoro at maitim na kaldero? 'Kala ko ba party 'to? A party should be fun mga pre, ano 'to party ng mga sadboy?" Mahabang litanya ni Xyler na naiiling pa.

"Aray! Tangina, Ry!" Malutong na mura ni Xyler ng dumapo ang palad ni Ryle sa batok n'ya.

"Dami mong satsat. 'Di ka lang nabigyan ng alak." Seryoso pa rin ang boses ni Ryle, as usual. Natawa naman si Ashley dahil sa bardagulan ng tatlo kaya napunta sa dalawang babae ang atensyon ni Xyler.

"Hi, girls!"

Tipid na ngiti at tango lang ang iginanti ni Ashley.

"Nga pala, nasa'n na 'yong iba? Wala pa ba?" Tanong na muli ni Xyler.

Nagkibit balikat si Sean dahil hindi n'ya alam kung nasaan si Josh na kanina lang ay kasama nila. Kalmado itong sumandal sa sofa at pumikit. Bumabakat ang malapad nitong balikat sa suot niyang kulay maroon na printed t-shirt. Iniisip ni Sean kung bakit hindi pa dumadating si Lush. S'ya na lang kasi ang bukod tanging hindi pa dumarating. Gusto man niyang sunduin si Lush ay hindi niya magawa dahil baka hindi na naman siya nito pansinin.

KISS BUDDY (completed)Where stories live. Discover now