Chapter Twenty Three

471 19 0
                                    

Chapter Twenty Three

LUSH,

"So, we are here to celebrate our success and victory over our enemy who always wanted us to fall down, but we, as a team, won't let that happen." Taas noo niyang sabi na may kaunting kayabangan ang tono ng pananalita, itinaas niya ang hawak na baso na may laman na alak. "Let us drink and have fun tonight."

Ginaya nila ang ginawa ni Sean, itinaas nila ang hawak nilang baso na may mga lamang alak. Nakaupo lang naman ako sa isang sulok habang hawak ang transparent glass na juice lang naman ang laman. Hindi pa ako pwedeng uminom kaya sinabi kung hanggang juice lang muna ako. Kapag umuwi akong lasing o kaya naman ay nakakainom lang patay ako panigurado kay Mama. Ang paalam ko kasi sa kan'ya ay pupunta ako sa bahay ng kaklase ko at gagawa ng report. 'Wag n'ya lang sana tanungin si Clau about sa report dahil wala naman talaga kami no'n.

Napaangat naman ako ng tingin ng maramdaman ko ang mga matang nakatitig sa 'kin at nakakunot na noo ni Sean ang una kung nabungaran. Nasa gano'n pa rin silang posisyon habang nakatingin sa 'kin. Awkward akong napatawa saka tumayo at itinaas ko ang baso ko.

"CHEERS!" Napapailing na lang akong bumalik sa upuan ko habang inuunti-unting inumin ang juice.

Tonight, Sean and his team on basketball are celebrating their victory with a consent and permission of the principal and their coach. He invited me to come with him. I really don't want to attend, pero kinokonsensya n'ya ako na what if malasing s'ya ta's magda-drive s'ya ng lasing. What if may mangyaring masama sa kan'ya. Kargo de konsensya ko pa raw dahil alam ko tapos 'di ko s'ya sinamahan. I told him na 'wag uminom, pero ayaw n'ya naman raw na maging kj lalo na at tungkol 'yon sa pagkapanalo nila. That's why, I'm here. Welcome naman ako dahil lahat ng kaibigan n'ya kasama. And they can't complain, if ever, because it was Sean's order.

Nagkukwentuhan lang sila habang ako ay kumakain sa isang tabi. Hindi ako maka-relate sa mga sinasabi nila or let's just make it simple— I don't relate myself to them and I'm not in the mood to talk to any of them. Nandito lang naman ako para bantayan si Sean if ever na malasing s'ya and not to celebrate with them, I guess.

I check the time on the screen of my phone. Bigla akong napatayo mula sa kinauupuan ko ng makitang alas otso na. Pinagmasdan ko si Sean na masayang nakikipagtawanan at kwentuhan sa kan'yang mga ka-team. Mukhang nakalimutan na n'ya ako kaya walang paalam akong bumaba sa VIP place at umalis sa bar. When I reached the entrance, I texted Sean.

Sumalubong sa akin ang malamig na dampi ng hangin. Itinago ko sa bulsa ng suot kung jacket ang palad ko, para kahit papa'no ay mainitan. Maliwanag na kapaligiran ang bumungad sa akin ng makalabas ako. Naglakad ako sa tabi ng kalsada at hindi na inabala na humanap ng masasakyan dahil malapit lang naman dito ang pupuntahan ko. Malalaki ang bawat hakbang na ginagawa ko. Baka kanina pa s'ya naghihintay sa 'kin. Hindi ko kasi napansin ang oras kanina dahil naabala ako sa pagkain.

Habang naglalakad ay nag-re-reflect sa aking mga mata ang makulay na paligid dahil sa ikinabit na Christmas lights at iba't ibang klase ng ilaw, na may iba't ibang kulay, sa mga bahay, puno at buildings. Hindi nakakatakot maglakad kahit mag-isa dahil buhay na buhay ang gabi dahil sa makukulay na ilaw. May naririnig na rin akong nagpapatugtog ng Christmas song. I can't help, but feel the excitement, October pa lang, pero ramdam na ang pasko.

Nakarating ako sa park kung saan napag-usapan namin na magkikita. Kahit gabi na ay marami pa rin ang mga tao na gumagala rito. May mag-pamilya na masayang ipinapasyal ang kanilang mga anak, may magkasintahan na sinusulit ang bawat sandali na magkasama sila dahil baka kinabukasan maghiwalay na sila. Just kidding. At meron din namang nag-sosolo at ini-enjoy ang time at company ng kanilang sarili. Inilibot ko ang aking paningin sa paligid, pero hindi ko s'ya nakita, mukhang hindi pa s'ya dumarating. Nakahinga naman ako ng maluwag at ng makaupo ako saka ko lang naramdaman ang pagod.

KISS BUDDY (completed)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora