Chapter Fifty Nine

246 17 3
                                    

Chapter Fifty Nine

LUSH,

Kitang-kita ko ang mabibilis na hakbang ni Sean palapit sa direksyon namin. Sa bilis ng pangyayari, hindi ko namalayan na tumilapon na si Oliver sa sahig palayo sa 'kin nang tumama ang kamao ni Sean sa mukha nito. Gulat ang rumehistro sa mukha ni Oliver dahil sa biglaang pagsingit ni Sean sa eksena.

"Sean!" Malakas na sigaw ko nang mahimasmasan ako. Kitang-kita ko ang galit sa kan'yang mukha at sa kamao n'yang mahigpit na nakakuyom. Hindi s'ya nagsalita at nanatili lang s'yang nakatitig kay Oliver na nasa sahig pa rin at sapo ang bibig. Mahigpit kung hinawakan ang braso n'ya at hinila palayo sa bar, malayo kay Oliver. Malayo sa mga taong maaaring makarinig sa pag-uusapan namin.

"Tangina! Anong problema mo?!"

"Nagpapahalik ka sa iba?!" Waring hindi makapaniwalang tanong n'ya. Sinabayan n'ya ang taas ng boses ko.

"Bakit ka ba nangingialam? Ha? Wala kang pakialam kahit pa mag-sex kami sa harap mo! Ano ba kita?" Tinulak-tulak ko s'ya sa dibdib.

Nangialam ba ako sa 'yo no'ng may kasama kang babae?

Tangina for the universe's sake may pamilya ka na 'wag mo na akong guluhin!

Gusto kung idugtong 'yon,pero pinigilan ko ang sarili ko. Saka bakit kung umasta at magsalita s'ya parang may kami.

"What?"

"Baka nakakalimutan mong matagal na tayong tapos. You broke up with me, right?" Tinaasan ko s'ya ng dalawang kilay matapos sabihin ang mga katagang 'yon.

"Bakit ka pumayag? Bakit ka bumitaw?"

Natawa ako. So ano, sisihan na kami ngayon?

"Minahal mo ba talaga ako, Bab?" Ano 'to? Is he trying to use reverse psychology? Ang kapal pa ng mukhang gamitin ang endearment namin dati. Pagkatapos ng nakita ko kanina, aakto s'ya na parang walang nangyari.

"Hindi," kahit ako ay nagulat sa salitang lumabas sa bibig ko.

Napaatras si Sean dahil do'n. Hindi s'ya makapaniwalang tumingin sa 'kin.

His eyes. His eyes are like telling me 'no! you're lying'. Yes, I'm lying. I just want to get rid of him. Nakakatanga makitang parang wala s'yang alam sa mga bagay-bagay.

"Hindi ka ba nakakahalata? Simula pa lang, Sean. Naawa lang ako sa 'yo kaya pinatulan kita. You look so stupid and desperate!"

"L-Lush . . ." Marahan s'yang umiling. Sinubukan n'yang lumapit sa 'kin, pero umatras lang ako. Marahas kung kinagat ang labi ko hanggang sa malasahan ko ang dugo no'n. I wanted him to get mad at me. This is the only way I can think of para layuan n'ya ako, para s'ya na mismo ang lumayo sa 'kin kasi hindi ko kayang lumayo sa kan'ya kahit pa siguro sabihin na may pamilya na s'ya. Hindi naman sa guguluhin ko sila it's just that hindi ko s'ya kayang pakawalan - 'yong nararamdaman ko kapag sarili ko lang 'yong aasahan ko.

I need him to cooperate with me.

Hindi na ako nagsalita at agad s'yang tinalikuran. Bumalik ako sa harap ng bar at hinanap si Oliver. Nanatili s'yang nakatayo roon habang sapo ang dumugong labi. Doon talaga s'ya pinatamaan ni Sean. Tss!

"Okay ka lang?" Chineck ko ang labi n'ya. Napangiwi naman s'ya ng hawakan ko iyon. "Sorry!"

"Okay lang."

"No. I-I mean I'm sorry for what Sean did," magkasamang hiya at inis ang nararamdaman ko. Nahihiya ako kay Oliver at naiinis naman ako kay Sean dahil sa ginawa n'ya.

"S'ya ba ang dahilan kung bakit ka nagpapakalunod sa alak?" Natigilan ako ng marinig ang tanong n'ya. Saglit akong napayuko at marahang bumuga ng hangin.

KISS BUDDY (completed)Where stories live. Discover now