Chapter Fifteen

690 35 0
                                    

Chapter Fifteen

LUSH,

Hinabol ko naman s'ya at hinila ang laylayan ng suot n'yang shirt.

"May sakit ka?" Pag-uulit ko pa, "bakit hindi mo sinabi?"

"Hindi ka naman nagtanong," walang gana n'yang sagot saka binuksan ang pinto ng kotse n'ya, pero hindi s'ya pumasok kaagad dahil hawak ko pa ang damit n'ya.

"Bitaw," matigas n'yang utos pero hindi ko sinunod, "uuwi na ako, Lush."

Hinawakan n'ya ang kamay ko at pilit na inalis, pero hindi ko iyon binitawan. Naramdaman ko ang init ng palad n'ya sa balat ko. Bigla naman akong nakaramdam ng awa para sa kan'ya. Sa isang pagkakamali ay na istorbo ko ang pamamahinga n'ya. Hindi n'ya naman kasi sinabi na masama pala ang pakiramdam n'ya kaya pala kanina pa s'ya walang kibo at hindi ako pinapatulan kahit alam kung sobrang naiinis na s'ya sa 'kin.

"Lush, bitaw. Uuwi na ako," naiirita n'yang saad, pero hindi ko pa rin binibitawan ang damit n'ya. Gusto ko lang s'yang asarin kahit na may sakit s'ya, makaganti man lang sa ginawa n'ya sa labi ko. Hindi ko pa 'yon nakakalimutan at hinding hindi 'yon maaalis sa isip ko.

Natigil ako ng bigla na lang may lumapat sa kanan kung pisngi. Na-estatwa ako sa kinatatayuan ko at hindi agad nakagalaw. Kinuha ni Sean ang pagkakataon na 'yon para alisin ang pagkakahawak ko sa damit n'ya saka tuluyan ng pumasok sa loob ng sasakyan.

"Good night," saad niya bago pinaandar ang sasakyan paalis. Nakatulala kung hinawakan ang pisngi ko kung saan n'ya ako hinalikan. Nagpipigil ng inis na kinuskos ko ang pisngi ko gamit ang palad ko. Pakiramdam ko may naiwan pang laway n'ya sa pisngi ko. Kadiri!

"Lush!"

"Ay kabayo!" Gulat kung untag ng bigla na lang may tumawag sa pangalan ko. Agad akong lumingon at nakita ko si Mama na nakatayo sa may gate.

"Bakit ngayon ka lang? Sino kausap mo?" Magkasunod na tanong ni Mama.

Naglakad na ako papasok ng gate habang nanatiling nakahawak sa pisngi ko.

"Gumawa ako ng report sa bahay ng kaklase ko."

"Kumain ka na d'yan. Isarado mo ang pinto aakyat na ako, kanina pa ako inaantok," saad ni mama.

Tumango na lang ako saka dumeritso sa kusina. Umakyat na si Mama sa taas para matulog. Hindi ko pala naitanong si Lyzee, paniguradong tulog na rin iyon. Maaga kasi 'yong natutulog, pero ang ipinagtataka ko lang bakit hindi na s'ya lumaki.

Nawalan naman ako ng gana kumain kaya uminom na lang ako ng tubig saka dumeritso sa kwarto ko. Binuksan ko ang bag ko para sana i-charge ang cellphone ko ng makita ko ang bote ng tubig kung saan kami uminom ni Sean kanina. Naalala ko naman ang itinanong n'ya kanina dahilan para wala sa sariling napahawak ako sa labi ko.

"Indirect kiss my ass!"


***


"Ash told me na hinatid mo s'ya sa kanila," saad ni Clau habang naglalakad kami pababa ng hagdan. Katatapos lang ng klase namin at oras na para kumain ng lunch.

"Oo, nakita ko kasi s'ya sa waiting shed ng school kagabi, walang kasama so, nag-offer ako." Kibit balikat kung sagot.

"Basta 'yong usapan natin, Alex ah! " Muling paalala ni Clau.

"I know! I know! Don't flirt with Ashley." Pag-uulit ko sa linyang palagi n'yang sinasabi sa akin.

"Good."

Hindi ko pinansin ang sinabi n'ya at tumuloy na sa canteen dahil kanina pa ako nagugutom. This time, kaming dalawa lang ni Clau sa table. Wala si Ash dahil may tatapusin pa raw itong research sa library. Wala rin ang grupo nina Calyx dahil may puspusang practice ang mga ito dahil ilang araw na lang at championship na. Bigla ko namang naalala si Sean, kumunot ang noo ko ng maalala na maayos na s'yang lumakad. Mukhang magaling na ang injury n'ya. Hindi ko rin s'ya nakita kaya marahil ay bumalik na s'ya sa pag-pa-practice. Kung magaling na ang injury n'ya at nakabalik na s'ya sa basketball does that mean na terminated na rin ang deal namin. I need to talk to him. Mamaya na lang siguro sa practice.

KISS BUDDY (completed)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu