Chapter Fifty Six

216 14 1
                                    

Chapter Fifty Six

LUSH,

"Uuwi ka na ba after nito, Alex?" Tanong ni Oliver na sumasabay sa bawat hakbang ko. Kalalabas lang namin sa kwarto ng huling pasyente ko para ngayong araw. I told him to just call me by my second name kapag kaming dalawa lang. Hindi pa rin kasi ako sanay kapag tinatawag ako ng co-doctors or nurses na 'Doc'. I don't know. Pero siguro masasanay rin ako.

"We're always together for almost 3 weeks now, Oliver. Alam ko na alam mong hanggang 8 pm lang ako rito." Sagot ko naman sa kan'ya.

He chuckled. "Sorry! Nakalimutan ko, e."

"Resetahan na ba kita ng gamot?" Pagbibiro ko.

"Next time na lang, Doc!" Natawa kaming pareho. We stopped talking, but despite of the sound of our shoes clicking on the marmol tile an odd sort of silence enveloped us.

"May kasabay ka bang mag-dinner mamaya?" Pambabasag ni Oliver sa katahimikan. Huminto ako sa paglalakad at hinarap s'ya.

"Hindi ko alam, Nurse Oliver." I answered before holding the doorknob and twist it to open.

"Do you want—"

"Me to join you for dinner?" Pinutol ko ang sinasabi n'ya at ako na ang nagdiretso. He slightly punch his palm while looking down with a shy smile on his face making me confirmed that that was he exactly wanted to say.

"Let me see." 'Yon lang ang sinagot ko at tuluyan ng pumasok sa loob ng office ko.

Oliver is a kind person. Palagi s'yang nakangiti at parang hindi rin nauubusan ng energy, cute rin s'ya at paminsan-minsan ay naririnig kung pinagkukwentuhan s'ya ng ilang medyo bata pang nurses na merong crush sa kan'ya. Kaibigan na ang turing ko sa kan'ya kahit almost 3 weeks pa lang kaming nagkakakilala. Hindi ako nahirapan na pagkatiwalaan s'ya dahil una pa lang naman ay ipinakita na n'yang mapagkakatiwalaan talaga s'ya.

Nagpalit ako ng damit at inayos ang mga gamit ko. Tapos na ang duty ko. Makakapagpahinga na rin. Habang palabas ako sa office, chineck ko ang aking cellphone na halos maghapon ko ring hindi nagalaw sa dami ng ginagawa. I turn on the screen and saw Claudia's message that was sent at 12 pm.

Alex, we have a sudden reunion. Usual bar. At exactly 7:30 pm. Be ready, Sean's there! C yah latur! Muah!

That was her message. Hindi ko alam kung pinaghahanda n'ya ba ako o mas lalo n'ya akong pinapakaba dahil sa huli n'yang sinabi. Reunion? Bakit biglaan naman?

Akala ko makakapagpahinga na ako hindi pa rin pala. Nagdadalawang isip akong pumunta lalo pa at siguradong nando'n si Sean, pero sinasabi ng isip ko na pumunta ako. Nasabi rin kasi sa 'kin ni Claudia na nagtatampo na sa 'kin 'yong tatlo—Josh, Ryle and Xyler dahil hindi ko ipinaalam sa kanila na nakauwi na ako. Kailangan ko yatang bumawi sa kanila sa pamamagitan ng pag-attend sa sudden reunion na 'yon. Saka isa pa nakaka-miss na rin silang makainumam. 6 years na rin simula noong huli kaming makapag-usap at makapag-jamming ng mahaba-haba.

Bigla namang pumasok sa isip ko si Oliver na nag-aayang kumain ng dinner ng sabay.

Hinanap ko ang number n'ya at mabilis na nag-type ng mensahe. Sinabi kung hindi ako makakasama dahil may biglaang lakad. Hindi ko na rin hinintay pa ang reply n'ya at agad ng lumabas sa hospital building. It's already 8:28 pm at late na ako ng isang oras. Nang makarating sa tapat ng bar ay agad akong bumaba ng sasakyan at papasok na sana sa loob ng may ma-realize ako. Bakit ako nagmamadali? Dahil ba late na ako o nabanggit ni Clau na nando'n si Sean at gusto ko na s'yang makita ulit?

I shook my head and massage my temple. Ano naman kung late na ako. Isang oras pa lang naman. Hindi naman sila aalis do'n kung hindi ako makararating ng maaga.

Pinili ko na lang maglakad ng walang halong pagmamadali sa kabila ng kaba at excitement na nararamdaman sa dibdib ko. Alam kung nasa VIP ang mga 'yon kaya doon na ako dumeritso.

"Hi, pasensya na ngayon lang nakarating. Andami kasing inaasikaso sa hos—" hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko ng makitang iisang tao lang ang nasa VIP. Mag-isa s'yang nakaupo sa sofa at tahimik na umiinom ng beer.

Napansin n'ya yata na may ibang tao roon maliban sa kan'ya kaya ng mag-angat s'ya ng ulo ay agad na nagtagpo ang paningin namin.

Mukhang nagulat pa s'ya na makita ako sa harap n'ya dahil bahagyang bumuka ang kan'yang bibig at namilog ang mata. Una kung napansin ang namumula na n'yang tenga.

It was Sean and he look a little tipsy already.

KISS BUDDY (completed)Место, где живут истории. Откройте их для себя