Chapter Seventeen

494 23 2
                                    

LUSH,

Championship na ngayon. Dumating na rin ang kalaban na school nina Sean. May mga section at year na walang klase ngayong buong maghapon para manood at suportahan ang team ng school namin pero kj 'tong teacher namin dahil pumasok s'ya at sinabing may long quiz daw kami. Ngayon tuloy ay halos mabingi na ako sa paulit-ulit na reklamo ni Clau tungkol sa teacher namin. Hindi lang naman si Clau ang naririnig kung nagrereklamo kundi pati na rin ang iba ko pang kaklase. Mukhang section lang namin ang wala sa gym ngayon para manood.

"Nakakainis naman! Ang kj naman ng teacher na 'to! Gusto kong manood, e," reklamo ni Clau sa tabi ko.

Nakasandal s'ya sa balikat ko at kahit hindi ko kita ang mukha n'ya paniguradong hindi na iyon maipinta. Paniguradong nakasimangot na si Clau. Hindi naman ako nagsasalita at pinapakinggan ko lang ang mga pabulong n'yang rant tungkol sa kj naming subject teacher na ngayon ay pasyahang nag-didiscuss sa unahan na siyang i-qu-quiz namin mamaya. Dinig na namin dito ang malakas na sigawan ng mga estudyante mula sa gym. Mukhang nagsisimula na ang laban. Hindi ako mapakali. Kinakabahan ako na ewan at sa mga oras na 'yon parang gusto ko ng tumakbo sa gym at tingnan ang nangyayari. I just can't lose to Sean. Hindi ko alam kung anong p'wede n'yang ipagawa sa 'kin kapag nanalo s'ya sa deal namin. Baka gawin n'ya akong slave or worse than that. I can't.

"Okay, that's all for today. You can now go to the gym and cheer for your crushes na naglalaro ngayon." Biglang saad ng teacher namin as soon as she close the book in her hands. Dahil sa narinig ay agad na nabuhayan ang mukha ng aking mga kaklase at nagsigawan dahil sa tuwa.

"Just make sure na sa gym ang punta ha." Natatawang pahabol pa ng aming teacher bago ito sumabay sa mga kaklase ko sa paglabas. Tuwang tuwa naman si Clau kaya agad n'ya akong hinila palabas ng room. Halos tumakbo na kami dahil sa sobrang pagmamadali n'ya. Maraming tao sa gym. Puno ang loob at siksikan pa. Nanatiling nakahawak si Clau sa palapulsuhan ko habang palinga-linga  at naghahanap ng bakante pang upuan. Maingay at magulo ang paligid. Bigla ko namang natanaw si Ash na kumakaway. Agad akong hinila ni Clau palapit sa pwesto n'ya. Sa kalapit n'ya ay may dalawang bakanteng upuan na mukhang ipinaglaban n'ya pa sa ibang mga estudyante para lang magkaroon kami ng mauupuan. I smiled at her as soon as makalapit kami sa kan'ya.

"Ang tagal nyo," bungad n'ya sa amin.

"Nag discuss pa kasi teacher namin, akala namin 'di kami papayagan na manood." Sagot ni Clau na agad naupo sa tabi ni Ash.

Nagsisimula na ang laro. 2-7 ang score. Lamang ang kabilang school kaya medyo napapangiti ako sa sarili ko. Hindi ako magaling mag-describe ng laro because I'm not really into sports pero isa lang ang masasabi ko. Magaling ang kalaban pero hindi muna dapat ako magsaya. Umpisa pa lang naman baka biglang makabawi ang team ni Sean, speaking of the devil of devils kanina ko pa hindi nakikita si Sean. Wala s'ya sa mga naglalaro. Kahit sa ibabang bleachers wala din s'ya. Mukhang nagtago na si Sean dahil alam n'yang matatalo ang team n'ya.

Pero imbes na sa laro ako mag-focus natagpuan ko na lang ang sarili ko na palinga-linga at hinahanap kung nasaang sulok ng gym si Sean.

"Looking for me, babe?" Saad ng lalaking nakaupo sa kanan ko.

Agad akong napalingon doon at nakita si Sean. Nakasuot ito ng shade habang hawak ang isang box ng popcorn. Naka-dekwatro pa ito na akala mo ay nasa sariling bahay at sa tv lang nanonood.

"Ako?" Itinuro ko ang sarili ko. "Imaginations mo." 

Pinaikot ko ang mata ko at muling ibinalik ang atensyon sa laro. Bakit hindi ko agad napansin na si Sean pala 'tong katabi ko? Nakakainis naman. Gusto kung makipagpalit ng upuan kay Clau pero baka kung anong isipin n'ya. Sayang-saya at energetic na energetic pa naman silang dalawa ni Ash sa pag-chicheer kina Calyx na akala mo mga batang nakainom ng gatas. Ash is cheering for Ryle, medyo nakaramdam ako ng inis dahil doon. Nagseselos ba ako? Ewan ko. Basta.

KISS BUDDY (completed)Where stories live. Discover now