Chapter Fourty Five

290 12 2
                                    

Chapter Fourty Five

LUSH,

"Yohooo!!" Malakas na sigaw ni Klyde ng simulan kung paharurutin ang kotse n'ya. Tumawa ako ng malakas ng buksan n'ya ang radyo at nagsimulang sabayan ang kanta.
Nangingibabaw ang tugtog sa loob ng sasakyan, pero rinig ko pa rin ang boses ni Klyde na animo'y pinupunit na yero. Hindi naman sa pagiging judgemental, pero pangit talaga ang boses n'ya, pero kahit gano'n hindi ako humadlang sa kasiyahan n'ya at hinayaan na lang s'yang kumanta nang kumanta.

Umakto rin s'yang naggigitara nag-dru-drums na may kasama pang pag-headbang habang nakataas ang dalawang paa sa dashboard.

Nakabukas din ang shield ng katabi n'yang bintana kaya napapatingin sa amin ang mga taong nadaraanan namin. Bihira ang traffic sa Camden, hindi katulad sa Pilipinas na halos abutan na ng magdamag sa kalsada dahil sa napakabigat na traffic, kaya naging smooth ang byahe namin.

Dalawang buwan na ang nakalilipas simula ng umalis kami sa Pilipinas at mag-desisyon si Mama na dito na lang sa London tumira. Hindi ko lang alam kung for good na ba ito o babalik pa rin kami sa Pilipinas kapag may time o bakasyon.

Sa bahay pa rin ni Tita Shaiara kami nakikituloy dahil inaasikaso pa ni Mama ang bahay na binili n'ya bago kami lumipat. Mabait naman ang British na asawa ni Tita. Mahilig magbiro kaya lang minsan ayoko s'yang kausapin dahil nahihirapan akong intindihin ang British accent n'ya, masyadong slang ang pagbigkas n'ya sa mga words at sa pandinig ko ay parang nagiging ibang lenggwahe na though Tita is teaching him some Tagalog words hirap pa rin s'ya.

And although, 2 months na kami rito hindi pa rin masyadong nakakapag-adjust ang body clock ko, pero sinasanay ko naman.

"Let's party!!" Malakas na sigaw ni Klyde ng ihinto ko ang sasakyan sa isang malawak na parking lot. Ako na ang nagpatay sa radyo bago kami bumaba ng sasakyan. May mga taong napatingin sa amin, pero hindi na lang namin 'yon pinansin.

I throw the car key at Klyde's direction, good thing attentive s'ya at agad n'ya iyong nasalo. Pasipol-sipol s'yang pumasok sa loob kasunod ako.
Mukhang hindi pa nagsisimula ang party dahil hindi pa naman gano'n karaming tao, pero may mga nag-iinom na. Inilibot ko ang aking paningin sa paligid at tumama iyon sa isang babae na nakatingin din sa 'kin, she was looking at me intently while holding a red cup. Sa palagay ko'y alak ang laman no'n.

"Thanks!" Masiglang saad ko ng dumaan sa gilid ko ang isang payat na lalaki, may dala s'yang isang tray na may lamang mga alak kaya agad akong kumuha ng isa at naglakad palapit sa babae.

"Hey!" Bati ko ng makalapit ako sa kinauupuan n'ya.

"You look familiar." Bahagyang naningkit ang kan'yang mga mata at ikiniling ang kan'yang ulo.

"Oh!"

"Are you with Klyde?"

"Yeah! You know him?" Nawala ang curiousity sa mukha n'ya dahil sa sinabi ko.

"We are going in the same university." She's not a British, I can tell it the way she pronounce words. It's clear unlike British accents. "I saw you two at Adele's party last week."

Kaya pala halos mabali na ang leeg n'ya kanina katitingin sa 'kin. Adele is Klyde's classmate. Birthday n'ya last week and Klyde invited me to come with him. Wala rin naman akong ginagawa that time at gusto kung malibang kaya sumama na ako. Hindi ko lang siguro s'ya napansin doon.

Magsasalita na sana ako ng maunahan n'ya ako.

"After this party, wanna hangout at my apartment?" She tucked some loose hair behind her ear and shyly bit her lip.

"Su—"  Naputol ang sasabihin ko ng bigla na lang may humila sa 'kin sa braso palayo sa babaeng kausap ko.

"What the heck, Klyde! Can't you see, I'm talking to her!" Hindi makapaniwalang reklamo ko ng huminto kami sa tapat ng swimming pool. Napansin ko naman na nandito pala ang karamihan ng tao.

KISS BUDDY (completed)Where stories live. Discover now