Chapter Twenty Eight

557 22 0
                                    

Chapter Twenty Eight

THIRD PERSON'S POINT OF VIEW

Alas syete na ng gabi ng mapagpasyahan nilang umuwi dahil halos magpabuhat na si Josh kay Sean sa sobrang pagkaantok na akala mo nakainom ng alak. Sa labas na rin sila kumain para hindi na raw hassle. Naunang umuwi si Ryle dahil tinawagan na ito ng kan'yang Ina. Sinundo naman si Clau ng kanilang driver. Magkasabay na umuwi si Xyler at Ashley dahil sa iisang lugar lang pala sila nakatira.

Apat na lang silang natitira. Iniwan ni Sean ang kan'yang kotse sa school kaya wala s'yang choice kundi ang mag-commute pauwi. Nakatayo lang s'ya roon kalapit si Josh na mukhang nakatulog na mula sa pagkakatayo nito sa may bandang likuran niya. Balak n'ya pa sanang kausapin si Lush at itanong kung anong meron sa kanila ni Calyx, pero hindi s'ya makahanap ng tyempo para makuha ang atensyon ni Lush na napunta na lahat kay Calyx.

"Mukhang hindi na ako makakasama sa'yo, Alex." Panimula ni Calyx habang nakayuko sa screen ng kan'yang cellphone. May mga unread text na doon na mula sa kan'yang panganay na kapatid.

"Okay lang, gabi na rin naman saka may next time pa naman." Tinapik ni Lush ang braso ni Calyx at bahagyang ngumiti. Mas lalong nangunot ang noo ni Sean ng marinig ang sinabi ni Calyx na sasama s'ya sa bahay nina Lush. Anong gagawin n'ya roon?

"May kasama ka ba sa pag-uwi? Gusto mo ihatid na kita?"

"Gago, hindi na." Natatawang sagot ni Lush dahil sa sinabi ni Calyx.

"Una na ako." Paalam ni Calyx kay Lush. Naalala naman nito na hindi pa nga rin pala nakakaalis si Sean kaya humarap din s'ya rito at nagpaalam na tinanguan lang ni Sean.

"Sige, ingat ka."

Sumaludo pa si Calyx kay Lush bago ito tuluyang naglakad palayo.

Sa wakas, magkakaroon na ng pagkakataon na makausap ni Sean si Lush kaya mahinahon n'yang sinambit ang pangalan nito.

"Lush . . . "

Humarap naman sa kan'ya si Lush. Ang maaliwalas na mukha nito kanina ay napalitan ng pagsimangot. Visible sa mata nito ang pagod at antok.

"Ihatid mo na si Josh. Bukas na lang tayo mag-usap. Pagod na ako." Malamig na turan ni Lush bago ito humakbang palayo at iniwan ang dalawa roon.

Hindi maintindihan ni Sean ang mararamdaman dahil sa pakikitungo ni Lush sa kan'ya. Nahihirapan s'yang intindihin ang ugali na meron si Lush. Hindi n'ya mahuli ang pattern nito. Huminga si Sean ng malalim at napayuko na lang. He hate this kind of feeling. He hate being ignored. Like he was just an air to him. Hindi s'ya sanay na napupunta ang atensyon ni Lush sa iba lalo na at nagagawa nitong gawin ang mga bagay na hindi n'ya magawa kay Lush—ang patawanin ito.

Halos tumalon naman si Sean sa gulat ng bigla na lang may malamig na palad ang dumampi sa kan'yang braso. Muntik na niyang masuntok si Josh dahil sa ginawa nito. Nakasimangot itong tumingala kay Sean. Babagsak na ang mga mata nito dahil sa antok. Nakalimutan na ni Sean na s'ya nga pala ang maghahatid sa isip-batang ito.

"Josh, alam kung kaya mong umuwi mag-isa." Matigas na turan niya saka inalis ang pagkakahawak ni Josh sa kan'ya.

Umiling naman si Josh na parang bata habang papikit-pikit ang mata. Marahas na napabuga ng hangin si Sean dahil sa kunsomisyon kay Josh bago ito hinila para maghanap ng taxi na masasakyan pauwi.

Gusto n'ya na lang iwanan si Josh sa tabi ng kalsada, pero naaawa naman siya. Baka ma-kidnap pa ang batang 'to. Napatanong tuloy si Sean kung bakit n'ya nga ba naging kaibigan si Josh. Sana pala ay hindi na s'ya tumanggap ng 16 years old na paalaga sa kan'yang grupo. Dahil doon ay nakalimutan na niya ang inis na nararamdaman para kay Calyx dahil napunta na iyon lahat kay Josh na ngayon ay nakasandal sa kan'yang balikat at waring tarsier na nakakapit sa braso ni Sean.

"Nagseselos ka, Kuya?" Biglang sambit ni Josh.

"Hindi ah. Bakit ako magseselos kay Calyx?" Defensive na sagot ni Sean.

Agad namang lumayo si Josh sa kan'ya at ngumisi. "Wala naman akong sinabi na si Lyx ang pinagseselosan mo. Wala rin akong sinabi na ikaw ang kausap ko."

Napapikit ng mariin si Sean at pinigilan ang sarili na huwag suntukin si Josh. Sumu-sobra na kasi ang batang ito. Pikon na pikon na s'ya. Sasabog na s'ya sa sama ng loob tapos dumagdag pa ang batang 'to.

"Pero seryoso, nagseselos ka kay Lyx? Umamin ka nga, Kuya, may gusto ka ba kay Lush? " Hindi mawarian ang mukha ni Josh ng itanong n'ya iyon. Hindi na nagreklamo pa si Sean sa pagtawag nito ng Kuya sa kan'ya dahil iyon naman palagi ang tawag ni Josh sa kan'ya kapag sila lang dalawa. Nag-papractice na raw kasi s'ya na Kuya ang itawag sa kan'ya kapag ikinasal na s'ya sa kapatid nitong si Eli.

Dahil sa tinanong ni Josh ay agad na napatingin ang taxi driver sa kanilang dalawa sa pamamagitan ng rear view mirror.

"Wala akong gusto kay Lush." Matigas niyang usal. Wala nga ba?

"Kung hindi kay Lush don't tell me kay Lyx ka may gusto, Kuya?" Umayos na ng upo si Josh. Waring nawala na rin ang antok nito o palabas lang iyon dahil alam n'yang walang choice si Sean kundi ihatid siya. Way n'ya lang siguro 'yon para makausap si Sean.

"Tangina, Josh." Madiing itinikom ni Sean ang bibig. Nagpipigil na baka masundan pa ang sinabi n'ya. Pakiramdam niya ay mauubusan na siya ng dugo dahil kay Josh.

Napahagikhik naman ang bata sa isang sulok pagdaka ay agad ding nag-seryoso.

"Okay lang naman umamin, e. I won't judge you." He shrugged. "Malay mo ako rin."

Natigilan si Sean at muntik ng mabulunan sa sariling laway, if that's possible, dahil sa inamin ni Josh. Ilang minuto bago nag-sink sa kan'yang utak ang impormasyon. Nang ma-realize niya kung anong gustong iparating ni Josh sa huling sinabi ay agad niyang binuksan ang pinto ng taxi, ng huminto ito, at agad na lumabas.

"S'ya ho ang singilin n'yo." Turo ni Sean kay Josh na nasa loob pa rin ng taxi. Mabibilis ang hakbang na umalis si Sean doon.

"Hooy! Bumalik ka rito wala akong pera! kuya!"

Hindi niya inintindi ang sigaw ni Josh. Dire-diretso lang s'ya sa paglalakad. Dalawang bagay lang ang naglalaro sa kan'yang isipan ngayon; he's not jealous with Calyx, or he just can't admit it, and the other one is he doesn't like Lush.

KISS BUDDY (completed)Where stories live. Discover now