Chapter Twenty One

677 27 0
                                    

Chapter Twenty One

LUSH,

Hindi na naman ako naka-attend ng klase dahil halos maghapon na naman kaming nag-practice ng sayaw para sa anniversary ng school na gaganapin na sa susunod na tatlong araw. Sinabi naman ni Clau na wala rin namang masyadong ginagawa dahil abala na sa paghahanda sa darating na anibersaryo. Nagkakabit na sila ng bandiritas sa bawat sulok ng school at abala na sa pag-iisip at pagsasagawa ng booths at programs. May mga taong matataas ang katungkulan dito sa aming bayan ang darating kaya kailangang handa ang lahat.

Nag-aagaw na ang dilim at liwanag ng matapos kami sa pag-eensayo. Napuno na naman ng pawis ang aking katawan at malagkit iyon sa pakiramdam kaya naisipan kung maligo muna bago umuwi. Nang maghiwa-hiwalay kami ay dumeritso ako sa locker at pumasok sa banyo. Hindi ko pa man nasasaraduhan ang pinto ay may tumulak doon. Muntik pa akong matumba. Nagmamadaling pumasok sa loob si Sean kung nasaan ako at agad na sinunggaban ng halik ang labi ko.

Our bodies pressed together against the sink, he hold my nape to deepen the kiss. Ramdam ko ang mainit n'yang hininga sa pagitan ng ilong at labi ko, ramdam ko ang mabilis at malakas na pagtambol ng dibdib ko dala na rin ng gulat sa biglaan n'yang ginawa. Hindi naman ako tumutol at hinayaan lang s'ya sa ginagawa n'ya. Hindi ko namalayan na sumasabay na rin ako sa bawat galaw ng kan'yang labi, pero pinanatili kung nakahawak sa gilid ng lababo ang aking kamay para supurtahan ang nanghihina kung mga tuhod. He signaled me to open my mouth and I obeyed him like I was under his spell. I can smell his green scented skin.

Humiwalay s'ya sa 'kin, pero nanatiling magkadikit ang aming mga katawan. Dinig ko ang malalim at malakas naming paghinga. Hindi ko magawang tumingin sa kan'yang mata kaya iginala ko na lang ang aking paningin sa kabuuan ng banyo.

"Lush, look at me," marahan at malamyos na saad ni Sean.

Hinawakan n'ya ang baba ko at pinilit na iniharap sa kan'ya. Matapang kung sinalubong ang mga tingin n'ya. Hinaplos n'ya ang kanan kung pisngi at parang nahipnotismo n'ya ako nang ako na mismo ang lumapit sa kan'ya at ipinagpatuloy ang halik na naudlot kanina.

Agad kung itinulak si Sean palayo sa akin at humarap sa sink ng biglang bumukas ang pinto ng banyo at tumambad doon ang kunot-noong mukha ng isa sa kasama namin sa club. Binuksan ko ang gripo at naghugas ng kamay na parang walang nangyari kanina. Si Sean naman ay nanatiling nakatayo at nakasandal sa sink habang nakatingin sa lalaking kadarating.

"Are you . . .guys doing something?" Kunot noong tanong n'ya. Bahagya pang kumikiling ang kan'yang ulo habang palipat lipat ang tingin sa aming dalawa ni Sean.
Halos sabay kaming lumingon ni Sean sa isa't isa.

"What something? I'm washing my hands," kibit balikat kung sagot kahit pa pakiramdam ko'y umaangat na ang aking puso dahil sa kaba. Did he saw us?

"No, not that," tipid s'yang umiling at dahan-dahang lumakad palapit sa isang cubicle. "I thought you're doing something else," dagdag pa n'ya. Bago tuluyang pumasok sa cubicle ay narinig ko pa ang huli n'yang sinabi, "nevermind."

Pinakawalan ko ang hangin na na-stuck sa baga ko ng tuluyan ng makalabas ang lalaki sa banyo. Pinatay ko na ang gripo at pinunasan ang kamay ko.

"He nearly caught us," nanghihinang turan ko.

"It's okay." Hinawakan ni Sean ang braso ko at marahang hinila paharap sa kan'ya. Muli n'ya sana akong hahalikan ng ako na mismo ang lumayo.

"Anong okay do'n?" May bakas ng pagkairita ang boses na tanong ko, "he almost caught us and you're gonna say it's okay?"

Unbelievable.

Halo-halong emosyon na ang nararamdaman ko. I feel nervous and irritated at the same time. They all know that we're not in good terms at baka atakihin sila sa gulat kapag nakita kaming ginagawa ang mga bagay na 'yon. We're being careless with our actions.

"Galit ka na naman?"

"Hindi!" Padabog kung itinapon ang basang tissue sa trashbin at malalakas ang yabag na lumabas ng banyo. Naramdaman ko naman ang pagsunod n'ya sa 'kin.

Inakbayan n'ya ako. "Galit ka, e." Pinilit n'yang sinilip ang mukha ko kaya mas lalo akong nairita sa kan'ya.

"Hindi ako galit."

"Galit ka, e. Sorry na." He said in a baby voice. Tinusok n'ya ang pisngi ko gamit ang daliri n'ya at sa pagkakataon na 'yon parang umakyat lahat ng dugo sa ulo ko.
Malakas ko s'yang itinulak palayo sa 'kin dahilan upang muntik na s'yang matumba. Mabuti na lang at mabilis n'yang na-balance ang kan'yang sarili.

"Tangina look, I'm not mad but you're making me mad and now I'm totally mad. I don't have time to play with you right now, okay? Can you please stop? I'm tired, I want to go home." Mataas ang boses na litanya ko. Halos malagutan ako ng hininga sa sobrang bilis ko magsalita.

Kita ko naman ang biglang pagbabago ng ekspresyon ng mukha n'ya. I noticed his jaw hardened. He looked down and slowly walked away. Bigla naman akong na-konsensya dahil sa mga sinabi ko. Hindi ko alam bakit ang init talaga ng dugo ko kapag kaharap ko s'ya, I can't help it. Sobrang clingy n'ya and it irks me.

I comb my hair using my fingers and frustratedly followed him. Wala kaming imikan sa loob ng kan'yang sasakyan hanggang sa makarating kami sa tapat ng bahay, ni hindi ko s'ya nilingon ng makababa ako.

Matapos kung maligo ay naka-receive ako ng text mula kay Sean saying 'sorry' and 'goodnight'. I can't help, but suppressed a smile while reading his message, but I choose not to reply.

I typed a message saying 'goodnight' and send it to Ashley. After a couple of minutes she replied saying 'goodnight, too' with a red heart at the end.

Pabagsak akong nahiga sa kama ko at pumikit pero agad din akong napamulat ng bigla na lang mag-flash ang nakangiting mukha ni Sean sa isip ko and the way he kissed me.

Shit!

KISS BUDDY (completed)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang