Chapter Seven

671 41 3
                                    

Chapter Seven

LUSH,

Nakatitig lang ako sa ceiling ng kwarto ko. Kanina pa ako gising dahil sa alarm ko, pero parang ayoko pang bumangon. Kahapon, sinabi sa 'kin ni Clau na kumakalat 'yong video ng aksidenteng halik namin nung Astre na 'yon last week. Sa website ng school pinost pero agad din namang na-take down dahil isa si Clau sa mga may access ng website. Naalala ko pa na tumawag ang mokong na 'yon kay Clau kahapon at parang boss na ipina-take down ang video kay Clau. Mukhang sikat s'ya sa school dahil sa mga nabasa kung comments doon sa video, pero ngayon, dahil lang sa aksidenteng nangyari, mukhang mawawalan s'ya ng mga taga-hanga. Mukhang wala s'ya sa mood kahapon ng tumawag s'ya kay Clau. Hindi lang naman s'ya 'yong nando'n sa video, pati na rin ako. Wala pa akong 1 week sa school na nilipatan ko, pero may issue na agad ako.

Nakakainis kasi 'yong mga tao ngayon, aksidente na nga lang ini-issue pa. Mga judgemental. Ganito ba kapag magugunaw na ang mundo? Ka-badtrip. Umagang-umaga.

Nang kumatok si Mama sa kwarto ko para tanungin kung papasok ba ako, doon lang ako bumangon at naghanda. Naiinis pa rin ako dahil sa nangyari, pa'no kung layuan na ako ng mga babae dahil sa video na 'yon. Parang hindi ko yata kakayanin. Normalize blaming that guy Astre, kasalanan nya 'yon e. Kung hindi s'ya tanga maglaro at ma-ingat s'yang humawak ng bola hindi 'yon tatalbog kung saan saan. Pati ako nadamay.

Nang lumabas ako sa kwarto ko, sinabi ni mama na nakaalis na si Lyzee. Aga naman ng batang 'yon. Sabik ba s'ya sa school?
Maaga pa naman kaya naupo muna ako sa sofa at nanood ng cartoons. Itinaas ko pa ang dalawa kung paa sa sofa na agad ko rin namang naibaba ng bigla na lang akong batukan ni Mama.

"Aray!" Reklamo ko habang hawak ang batok ko.

"Wala ka bang balak pumasok? Late ka na oh," untag ni mama sa 'kin. Kinuha n'ya ang remote sa kamay ko at pinatay ang tv.

"Ma naman! Aga-aga pa e. 'Wag mo nga akong igaya kay Lyzee na mukhang madilim pa nasa school na s'ya," reklamo ko.

Muli naman akong binatukan ni mama. " Alas otso na oh, anong maaga pa. " Sigaw nito sa 'kin.

Napakunot naman ako ng noo dahil sa sinabi n'ya. Tumingin ako sa wristwatch ko at halos mahulog ang dalawa kung mata ng makitang alas otso na nga. Seven thirty ang simula ng klase kaya late na ako ng 30 minutes. Muntik ko pang mabangga si Mama ng tumayo ako sa sofa at agad na tumakbo palabas ng bahay. Tumakbo lang ako hanggang sa makarating ako sa tapat ng gate ng school. Parang kakapusin ako ng hininga dahil sa ginawa kung pagtakbo. Huminto ako at itinuon ang dalawa kung palad sa tuhod ko. Mabibilis at mabibigat ang bawat paghinga ko. Mabuti na lamang at hindi pa nasasaraduhan ang gate dahil may mga teacher pang pumapasok. Agad akong naglakad papasok ng gate. Natanaw ko naman si kuya guard sa kan'yang bahay na iba ang tingin sa 'kin. Kalahating oras na kasing nag-uumpisa ang klase tapos ako eto bago pa lang papasok. Mukha pang kagigising lang dahil sa ginawa kung pagtakbo. Habang naglalakad, ramdam ko ang init sa katawan ko. Pinagpapawisan din ako. Naalala ko naman na nasa sulok pa pala ang building kung saan naroon ang room ko at matatagalan pa ako kung sa main hallway ako dadaan saka baka pagtinginan lang ako dahil ako na lang yata ang pinaka-late kaya naisip kung dumaan na lang sa short cut na itinuro ni Clau sa 'kin, sa may lumang building, wala na raw dumadaan do'n dahil ayon sa sabi-sabi ng iba may nagmumulto raw do'n, pero hindi naman ako naniniwala sa multo at isa pa malapit dito ang building namin. Hindi na ako pwedeng magpatagal pa, hindi ko alam kung anong irarason ko kapag tinanong ako ng teacher bakit ako late.

Tahimik lang akong naglalakad. Hindi ko na magawang tumakbo dahil sumasakit na ang tagiliran ko. Nasa tapat na ako ng lumang building ng bigla akong mapatingin doon. Hindi ko alam, pero bigla na lang akong kinilabutan at akmang tatakbo na ng bigla na lang may humila sa 'kin.

Hindi ko na naituloy ang pagsigaw ko dahil may kamay na humarang sa bibig ko.

"Uhh . . . " I groaned when my back hit the hard wall.

Tumingin ako sa lalaking humatak sa 'kin at agad na namilog ang mga mata ko ng makita kung sino s'ya. Si Astre.

"What the fuck?!" Sigaw ko ng bitawan na n'ya ang bibig ko.

Galit ko s'yang tiningnan, "problema mo?"

Hindi s'ya nagsalita bagkus ay ngumisi lang s'ya habang pinapasadahan ng tingin ang buong mukha ko especially ang labi ko.

I was about to push him when he caught my both arms and pinned it on the wall above my head. Sinubukan kung kumawala, pero mas lalo n'ya lang hinigpitan ang pagkakahawak n'ya. Nasasaktan ako. Masyadong sensitive ang balat ko at sigurado akong babakat ang kamay n'ya sa balat ko. Fuck! What is wrong with this guy?

"Problema mo?" Ulit kung tanong, "inabangan mo ba ako rito dahil sa nangyari? Bakit ba big deal 'yon sa 'yo, aksidente 'yong nangyare o iniisip mo na ako ang nagpakalat ng lintik na video na 'yon?" Halos magdikit na ang mga ilong namin dahil sa sobrang lapit. Kung alam ko lang na mangyayari 'to sana 'di ako nag-toothbrush kanina para isang hinga ko pa lang ililibing na ang lalaking 'to.

"Alam kung big deal din 'yon sa 'yo kahit pa aksidente lang," saad n'ya.

Natawa ako. Inilayo ko sa kan'ya ang mukha ko at tumingin sa gilid ko. The fuck! Ano bang problema ng lalaking 'to. Late na late na ako. Wala bang klase ang lalaking 'to? Tyaga n'ya ha. Pero tama s'ya, big deal 'yon sa 'kin dahil alam kung i-jujudge kami ng mga tao kahit pa aksidente o hindi ang nangyari. I care what other people might say about me.

I tried to free myself pero hindi ko kaya. Mas lumapit pa s'ya sa 'kin. Hindi lang katawan ko ang nag-iinit dahil sa pagtakbo ko kanina, pero pati na rin ulo ko dahil sa lalaking 'to.  

"Ano bang gusto mo?" Tanong ko. Hindi n'ya naman siguro ako pag-aabalahan ng oras na hintayin dito kung wala s'yang kailangan sa 'kin. Saka pa'no n'ya nalaman na rito ako dadaan.

He smirked. "You stole a kiss from me, I'm just gonna take it back."

"Ano?" Hindi makapaniwalang saad ko dahil sa narinig. Pinapalabas n'ya ba na sinadya ko ang nangyari? Do I look like interested with men to him? Saka anong babawiin? Alin ang babawiin n'ya?

Nangyari ang hindi ko inaasahang mangyari. Sobrang bilis. Hindi ako nakagalaw ni hindi ko alam kung anong ire-react ko. Mahigpit n'yang hinawakan ang kamay ko at inilapit ang mukha n'ya sa mukha ko.

He stared at my lips for a second or two at saka inilapat ang labi n'ya sa labi ko. Sampung segundo marahil ang itinagal ng halik na 'yon bago s'ya humiwalay at titigan ako sa mga mata ko.

Hindi ko mabasa ang ekspresyon sa mukha n'ya. He's not smirking, but he don't look guilty either.

"Breathe . . . " He said in a low and soft voice. That is when I realized na kanina ko pa pala pinipigilan ang paghinga ko. Unti-unting lumuwag ang pagkakahawak n'ya sa kamay ko. Hindi ako makapagsalita ni makagalaw. Tanging nararamdaman ko lang ngayon ay ang mabilis na pagpintig ng puso ko, ang pang-iinit ng tenga ko, at ang galit na unti-unting umuusbong sa dibdib ko.

"You fucking gay!" Mura ko ng sa wakas ay nahanap ko na ang  tamang salita para sa kan'ya.

He raised one of his brow and shrugged. "You don't even look straight to me."

KISS BUDDY (completed)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt