Chapter Sixty Three

301 15 1
                                    

Chapter Sixty Three

Halos magkandarapa si Lush sa pagtakbo habang papasok ng hospital. Hindi na siya nag-aksaya ng oras upang magpalit ng damit kaya tanging pantulog ang suot niya pagdating sa hospital. Habang tumatakbo ay ramdam na ramdam niya ang mabilis na pagpintig ng kan'yang puso. Hindi siya makapag-isip ng maayos dahil sa ibinalita ni Aliyah kanina.

Nakasunod lang sa kan'ya si Claudia na nataranta rin ng marinig ang masamang balita.

"Tita!" Humahangos na saad ni Lush ng makita ang Ina ng dating nobyo na nakabantay sa harap ng nakasarang pinto.

"Lush, hijo!" Agad na lumapit ang ginang kay Lush at niyakap ito.

"Ano pong nangyari?" Halos bulong na lamang na tanong ni Lush. Alam niya kung anong nangyari dahil sinabi na ito ni Aliyah kanina sa phone call, pero nagbabaka-sakali pa rin siyang iba ang isasagot ng Ina. Baka prank lamang ang lahat.

Humiwalay na si Mrs. Astatine kay Lush at nanghihinang naupo sa naroong plastic bench. Sumunod naman si Lush at Claudia.

"Tumawag si Sean kanina, pero hindi s'ya ang may gamit ng phone, it was a rescuer at sinabi n'ya sa 'kin na nakuha n'ya ang telepono ng Anak ko sa kotse nito. Na-aksidente raw si Sean. Bago ako dumating dito nasa loob na ng ER si Sean." Mangiyak-ngiyak na pagkukwento ng Ginang dahil sa sinapit ng Anak.

"Nagtanong ako sa pulis kung anong dahilan ng aksidente. Bumangga raw ang sinasakyan ni Sean sa isang dump truck. Narito rin sa hospital ang driver ng truck." Pagsingit ni Aliyah na kanina pa rin tulala sa kawalan at halos maubos na ang balat sa daliri nito kakangatngat doon dala ng labis na stress.

Naihilamos na lamang ni Lush ang kan'yang dalawang palad sa kan'yang mukha. Nawala ng tuluyan ang antok niya dahil sa nangyari. Kanina pa rin siya nakapahinga mula sa pagtakbo papasok sa hospital ngunit ang puso niya'y wala pa ring tigil sa pagpintig ng mabilis marahil ay dala ng halo-halong emosyon na nararamdaman sa kan'yang loob.

Takot at kaba ang yumayakap sa kan'ya. Waring tinakasan ng emosyon ang kan'yang mata at mukha at kitang-kita ang pamumutla niya.

Napausal na lang si Lush ng panalangin sa kan'yang isip na sana ay hindi masama ang lagay ng binata na nasa loob ng ER.

Sobra s'yang nag-aalala para rito.

Samantala, nag-paalam naman si Claudia na lalabas muna. Wala sa sariling tumango si Lush. Nang makarating sa first floor ay doon inilabas ni Claudia ang hangin na naipon sa kan'yang baga na waring kanina pa niya pinipigilan sa paglabas. Parang kinulang sa oxygen ang loob ng hospital at nahihirapan siyang huminga.

Muli siyang lumingon sa pinanggalingan. Ayaw niyang mag-isip ng masama, pero hindi pa rin niya maiwasang hindi matakot at mag-alala para sa kaibigan lalo nang maalalang ito rin ang hospital kung saan na-confine ang isa nilang kaibigan na si Ashley at ang huli nilang pasok doon ay nawalan sila ng kaibigan.

Nanlalambot ang kan'yang mga tuhod na nagpunta sa canteen ng hospital at bumili ng maiinom. Naupo siya sa isang bakanteng upuan at hinintay munang maubos ang inumin niya bago bumili ng kape at bumalik kung saan siya nanggaling kanina. Tahimik niyang iniabot ang isang kape kay Lush na tinanggap naman nito.

Inabutan n'ya rin si Aliyah at ang Ina ni Sean.

"Salamat, hija." Mahinang saad ng Ginang at bahagya itong ngumiti kay Clau. Tumango lang naman ang huli.

Naramdaman ni Lush ang pag-upong muli ni Clau sa kan'yang tabi. Nanatili siyang nakayuko sa sahig. Ang bigat ng pakiramdam niya na kahit paggalaw man lang ng kan'yang ulo ay nahihirapan s'yang gawin. Wala siyang ibang magagawa ngayon kundi ang manalangin na maging maayos ang lahat at hintayin ang paglabas ng doctor, na umaasikaso kay Sean, sa double door na nasa gilid lang nila.

KISS BUDDY (completed)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant