Chapter Twenty Two

551 22 1
                                    

Chapter Twenty Two

LUSH,

Anniversary na ng school. 53 years na itong nakatayo. Tagal na rin pala. Marami ng pinagdaanan ang school na 'to.

Walang klase ang lahat ng section at ibinigay na itong maghapon sa amin upang mapasyalan ang iba't ibang bahagi ng school. Subukan ang iba't ibang booths na itinayo ng bawat club. Kumain ng iba't ibang pagkain na niluto ng cooking club o manood ng programs at mag-relax.

Kasama ko si Sean at ang ibang members ng Dance club. Naka-pwesto kami sa backstage habang hinihintay na tawagin kami ng host. I feel a little bit nervous dahil sa tagal ng panahon, ngayon na lang ulit ako sasayaw sa harap ng maraming tao. Hindi audition, hindi trip lang kundi seryosohan. I'm kind of nervous, but I feel excited. This is what I wanted ever since though.

Huminga ako ng malalim at bahagyang tumingala. Napansin pala iyon ni Sean kaya lumapit s'ya sa 'kin at hinawakan ako sa kamay. Mabuti na lang at nasa pinakalikod kami at hindi nakikita ng mga kasama namin ang ginawa n'ya.

"Relax." Natatawa ngunit mahina n'yang saad. Pumunta s'ya sa harap ko at hinawakan ang pisngi ko, pilit n'ya akong pinaharap sa kan'ya saka mabilis na dinampian ng halik ang labi ko.

Nabigla naman ako sa ginawa n'ya kaya mabilis ko s'yang naitulak.

"Sean! Baka may makakita!" Madiing turan ko habang pinanlalakihan s'ya ng mata.

"Wala 'yan." Tumawa pa s'ya.

Pumunta s'ya sa harap ko at sumandal rin sa pader habang nanatiling nakahawak sa kamay ko. He's holding my hand tight and it makes me feel calm somehow, it's like, the way he hold my hand, he's saying that I shouldn't be nervous because he's always there for me, he's right beside me, watching me over.

Dinig na dinig ko ang malakas na sigawan ng mga tao sa labas. Hinila ko ang kamay ko kay Sean at inihanda ang sarili ko ng marinig ang pagtawag sa amin ng host. Mas lalong lumakas ang sigawan ng makalabas kaming lahat sa backstage at makaharap ang napakaraming tao. Na-doble ang dami ng mga tao dahil pinayagan ng nakatataas na pumasok ang mga outsider na gustong manood, pero hindi 'yon libre dahil may tickets silang ginawa at binibili 'yon ng outsiders para makapasok.

Pumunta na kami sa aming mga pwesto at ilang segundo lang ang aming pinaghintay ng tumunog na ang malaking speaker at magsimula kaming sumayaw. Bumabalot sa aking dalawang tenga ang ingay na nagmumula sa crowd. Kita ko ang ngiti sa mukha ng bawat nanonood at somehow I felt relieved. Nang mag-simulang gumalaw ang aking katawan kasabay ng tibok ng puso ko at ng malakas na musika ay parang bulang tinangay rin ng hangin ang kabang nararamdaman ko. I started to feel excitement and happiness. I dance away all my worries and pains. I gave my best.

Hindi ako makapag-isip ng maayos. Nablangko ang utak ko at tanging puso ko lang ang pinapakinggan ko ngayon, ang tibok ng puso ko na sumasabay sa bawat ritmo ng musika. Suddenly, I remember Sammy again, but unlike before hindi na ako nakaramdam ng sakit. Maybe, I'm ready to let her go, to let go my feelings for her.

Thank you, Sammy for bringing my passion back again. I will always remember you like you were still alive. I love you, always.

Muli kung narinig ang maingay na palakpakan at sigawan ng mga taong nanonood ng matapos kaming sumayaw. Sabay-sabay kaming yumuko at bumalik na sa backstage. Ang iba ay umalis na, pero nag-stay lang ako doon kasama si Sean.

"Hey, you okay?" Lumapit sa 'kin si Sean at naupo sa tabi ko.

"Yeah, just a little bit tired." Ngumiti ako sa kan'ya at tumayo na rin. Kinuha ko ang bote ng tubig at umalis na sa backstage. Napansin ko naman na hindi sumusunod si Sean sa 'kin kaya muli akong bumalik at tinawag s'ya. Nakatulala lang s'ya doon na parang nakakita s'ya ng multo.

KISS BUDDY (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon