Chapter Twenty Seven

496 18 0
                                    

Chapter Twenty Seven

THIRD PERSON'S POINT OF VIEW

Tumingin si Lush sa relo na nakakabit sa kan'yang palapulsuhan pagkatapos ay muli niyang itinuon ang atensyon sa papel na kaharap. Sinagutan niya ang panghuling tanong at nakangiting nag-unat ng braso na agad namang napansin ng kanilang guro.

"Are you done, Mr. Hamilton?" Umalingawngaw ang malambot at mahinhin na boses ng kanilang guro sa buong silid. Tumango si Lush kasabay ng pagtayo niya mula sa kan'yang upuan at naglakad papunta sa unahan. Ipinasa niya ang test paper at kinuha ang kan'yang bag. Ilan na lamang ang natitira niyang kaklase sa loob na nagsasagot pa rin. He exited the room and heave a relief sigh.

"Tagal mo. Nagugutom na ako." Reklamo ni Clau ng makita ang kalalabas na kaibigan.

"Wow ha! Wala pa ngang limang minuto simula ng makalabas ka." Rebutt niya sa kaibigan. Ilang minuto pa lang ang nakakalipas simula ng matapos sa pagsasagot si Clau at naunang lumabas ngunit heto at nagrereklamo na siya agad na matagal ang huli.

Umikot ang mata ni Clau saka naglakad pababa ng hagdan. Sumunod naman sa kan'ya si Lush at sumabay na rin sa kan'yang paglalakad. Nararamdaman na niya ang paghapdi ng kan'yang sikmura. Masyadong mahirap ang naging pagsusulit nila ngayong araw kaya pakiramdam niya ay madaling na-digest ang kinain niya kaninang umaga.

"Muntik na akong maubusan ng brain cells." Saad ni Clau ng makababa sila sa kanilang building at naglalakad na papunta sa canteen.

"Pa'no naman ako? Mukha ngang naubos na braincells ko kakaisip sa mga lintik na numbers na 'yon." Stress na litanya ni Lush habang hinihilot ang sumasakit na sintido. Problema kasi talaga n'ya ang math. Mahina s'ya sa mga numbers at hindi s'ya pinanganak na fan ng numero. Ayaw na ayaw n'yang nag-sosolve ng math problems, pero kung pera naman ang kukwentahin, bigla s'yang tumatalino at hindi nadadaya.

Nang makarating sila sa canteen, agad silang pumila sa counter para bumili ng kanilang makakain. Naabutan na nila sa kanilang usual spot sa canteen ang lima pa nilang kaibigan na lalaki na animo'y tatlong araw na hindi pinakain. Mukhang nahirapan din sila sa kanilang exam ngayong araw.

"Nasa'n si Ash?" Biglang tanong ni Josh na kalapit ni Ryle. Doon lang na-realize ni Clau at Lush na hindi nila nadaanan si Ash. Nagkatinginan na lang silang dalawa at awkward na ngumiti sa isa't isa.

"Speaking of the angel." Bulong ni Xyler ng makitang papasok na ng canteen si Ash. Mukha namang hindi ito nahirapan sa kanilang exam dahil nagawa pa nitong makangiti. Lumapit s'ya sa table kung saan nakapwesto sina Lush at binati sila na agad namang tinugunan ng mga lalaki.

"Sorry, Ash hindi ka na namin nadaanan. Gutom na gutom na kasi kami." Lumingon si Clau kay Lush bago muling ibinalik ang tingin nitong humihingi ng pasensya sa kadarating.

"It's fine, katatapos lang din naman ng exam namin, e." May pagkumpas pa nitong sagot. Mukha namang wala lang sa kan'ya iyon. Naiintindihan niya ang nararamdaman ng kan'yang mga kaibigan dahil kahit siya ay lubhang nagutom sa kanilang pagsusulit.

"Bili lang ako ng pagkain." Paalam ni Ash at akmang aalis na ng pigilan s'ya ni Lush.

"Ako na." Natigil ang lahat sa pagsubo ng pagkain, lalo na ang tahimik na si Sean, ng marinig ang sinabi ni Lush. Lumingon sa kan'ya ang lahat, pero hindi niya iyon pinansin dahil tanging kay Ash lang nakatutok ang kan'yang paningin. Nahihiyang sinabi ni Ash ang gusto n'yang kainin at bahagyang yumuko. Palagi iyong ginagawa ni Ash kaya nagtataka si Lush kung may lahi bang Chinese itong si Ashley. Bow kasi ito nang bow.

"Samahan na kita." Muli na namang natigil ang lahat sa pagsubo ng pagkain ng biglang tumayo si Calyx at nagprisintang sasamahan na si Lush sa counter. Umangat ang tingin ng lahat sa kan'ya, lalo na si Sean.

KISS BUDDY (completed)Where stories live. Discover now