Chapter Fifty Five

209 13 0
                                    

Chapter Fifty Five

LUSH,

HINDI ako handa. Hindi ako handang makita s'ya. Hindi man lang pumasok sa isip ko na p'wede 'yong mangyari at nangyari na nga. Aksidente lang ba na nagkita kami ro'n? Pero bakit s'ya nando'n? Sa pagkakaalam ko naman hindi 'yon 'yong condominium kung saan s'ya nag-s-stay. May binisita kaya s'ya? May inihatid?

Bigla ko namang naalala ang naging tagpo namin. There's something in his eyes—I mean the way he look at me. I can't figure it out, but I know it's not sadness nor regret. Mukhang okay na s'ya. Nakakatingin s'ya ng straight sa mga mata ko without the hint—of him—hurting.

"Lush?" Agad akong natigilan ng marinig ang boses na 'yon. Matagal kong hindi naririnig ang boses na 'yon, pero kilalang kilala ko pa rin.

Dahan-dahan akong nag-angat ng ulo. Agad kung naramdaman ang malakas na pagkabog ng aking dibdib, kinakabahan sa maaaring makita ng mata ko.

When I look up we both had a shock expression on our faces na para bang nakakita kami ng multo.

"S-Sean!" Waring saglit na huminto ang oras sa pagtakbo ng banggitin ko ang pangalan n'ya. It feels so awkward.

Kitang-kita ko ang mabilis na pagbabago ng ekspresyon ni Sean.

Agad na napalitan ng ngiti ang gulat na kanina'y nakaguhit sa kan'yang mukha.

I immediately drift my eyes away from him. Hindi ko na kayang tumingin sa mata n'ya ng diretso.

I can feel his gaze piercing through my body.

"Hi!" He said those words while smiling from ear-to-ear. Sinabi n'ya 'yon na parang walang nakaraan sa 'min. Like he already moved on. He said those words like he wasn't hurting anymore. And I couldn't do anything, but to said those words back like it's nothing to me.

"Hi!"

"Kumusta? Kelan ka dumating?" Nanatili ang malapad na ngiti sa kan'yang mga labi at ramdam na ramdam ko ang energy n'ya. Wow! Wish I could move on that fast.
 
I heaved a deep sigh na para bang nabunutan ako ng tinik sa lalamunan. I tried my best to smile and look at him in the eyes and lie.

"Perfectly fine," sagot ko.

He bit his lip and nodded. "That's good."

Tumingin ako sa wristwatch ko. "Actually, kararating ko lang. 5 hours ago?" Patanong kung sagot.

Kararating ko lang, pero ikaw agad ang ibinungad sa 'kin. Hindi man lang ako hinayaang makapagpahinga muna. Hindi ko alam kung sinasadya ba 'to ng panahon, e.

"Nice!" Komento n'ya na may kasamang tango.

"Ikaw? Kumusta?" Balik tanong ko sa kan'ya.

Nagkibit balikat s'ya. Hindi pa rin naaalis ang ngiti at ang masigla n'yang aura.

"I'm . . . good."

"Hmm . . ." Tumango-tango ako. "Buti naman. Ayos 'yan."

Saglit kaming natahimik. Parehas lang kaming nakatayo roon na parang tanga. Hindi ko alam kung nararamdaman n'ya ba 'yong awkwardness sa paligid namin o ako lang ang nakakaramdam no'n.

KISS BUDDY (completed)Where stories live. Discover now