Nang makuha ang tamang amount ng pera mula sa kan'yang wallet ay ibinigay na iyon ni Louisse sa babae. Binilang pa nito iyon bago iabot sa kan'ya ang susi.

"Tatlo kayong tenant diyan. Ayoko ng maingay lalo na sa gabi. At mas lalo na ang magdala ng lalaki."

Nang tumango siya ay saka pa lamang ito naglakad at tuluyan na siya nitong iniwan do'n. Bumungad sa kan'ya pagkapasok niya ng bahay ang babae na abala sa pagkutkot nito ng kuko. Bigla ay inangat nito ang ulo at sinalubong ang kan'yang mga mata. "Hi!" anito. "I'm Jannice."

Matipid naman siyang ngumiti, saka saglit niyang inilapag ang bag sa kamang itinuro nito at muling nilingon ang babae. "I'm Louisse."

"Mukhang bago ka lang dito ah," komento pa nito.

"Ah, oo. May dati akong apartment kaso napagbenta na."

Tumango-tango naman ito. "Anong pinunta mo rito?"

Sandali siyang natigilan. "Magbabagong buhay."

Napangisi naman ang babae saka na ulit pinagpatuloy ang ginagawa. "Hindi ka naman kriminal?"

"Hindi," naiiling niyang sagot. "Siya nga pala," muli niyang pagkuha sa atensyon nito, kinapalan na niya ang kan'yang mukha. "May alam ka bang mapapasukan?"

"Sakto iyang tanungan mo. Naghahanap kasi ng makakatulong ang tita ko sa flower shop niya. Keri mo ba?"

Lumiwanag naman ang kan'yang mga mata. "Oo. Kaya ko 'yan."

Sandali nitong hinipan ang kuko saka na tuluyang tumayo. "Tara! Ipapakilala kita sa kan'ya."

Kaagad naman siyang sumunod sa babae pagkatapos niyang tanggalin ang suot na rubber mask. Natigilan lang siya nang bigla itong sumigaw. "Tonyo!"

Nanigas ang katawan ni Louisse. Unti-unti ay nilingon niya ang likuran, nakahinga siya ng maluwag ng isang payat na lalaki ang papalapit sa kanila.

"Dalhin mo kami kay Tita Oswald. Dalhin mo motor mo, ha? Doon ka na namin hintayin sa kanto."

Nang tumango ang lalaki ay muling naglakad si Jannice. Nakita niya pang bahagya itong natigilan nang lingunin siya. Marahil ay nagtaka ito dahil iba ang hitsura niya kanina nang dahil sa suot na rubber mask. Ngunit nagpatuloy din naman ito sa paglalakad kaya mabilis siyang sumunod sa babae.

Kagaya ng sinabi ni Jannice kanina ay sa kanto nga nila hinintay si Tonyo. Kaagad silang sumakay nang inihinto nito ang tricycle sa kanilang harapan. Malayo-layo rin ang naging byahe nila bago narating ang isang flower shop.

Daily Flower Shop. Pagbasa ni Louisse kan'yang isipan sa pangalan ng shop na nasa kanilang harapan.

Muli lamang siyang sumunod kay Jannice nang dire-diretso itong naglakad at buksan ang sliding door. Sinalubong sila ng mababangong amoy ng bulaklak sa loob. Habang bumungad naman sa kanila ang isang ginang na abala sa pag-i-spray sa bulaklak na nasa paso.

Muntik pang mapaatras si Louisse nang tuluyang humarap sa kanila ang ginang. Nakakatakot ang mga mata nito dahil sa sobrang kapal ng eyeliner, pati ang eyebrow nito ay masyadong makapal na sa hinuha ni Louisse ay ginuhit lamang. Masyado ring masakit sa mata ang sobrang kapal at pulang-pula nitong lipstick.

"Louisse, this is Tita Oswald, ang may-ari nitong flower shop," pagpapakilala ni Jannice sa ginang.

Tipid namang ngumiti si Louisse. "Good afternoon po," magalang niyang pagbati rito.

Hindi niya maiwasang mailang nang pasadahan siya nito ng tingin, mula ulo hanggang paa.

"Tita, huwag niyong tinatakot ang bagong tenant. At isa pa, fit siya para maging assistant mo rito."

The UnWanted Billionaire Where stories live. Discover now