Chapter 40

5 0 0
                                    

"Nag new year lang, hindi ko na alam anong nangyari sa'yo." Saad ko kay Kuya. Hindi ako makapaniwala sa plano na naisip niya.

"Ganda kaya!"

Nagpipigil lang ako na hampasin siya, "Anong maganda roon? Aawayin natin mga jowa natin?"

"Ilang araw bago ang flight natin, doon natin aawayin tapos susurprise natin sila sa kwarto nila."

"Teka, pag-isipan ko muna."

"Huwag mo na!"

"Eto naman! Alam mo naman na malala kapag nag-aaway kami ni Ethan."

"Sa tingin mo matitiis ka ni Ethan kapag nakita niya na nasa kwarto ka niya?"

"Tss." I rolled my eyes at him.

"Pareho lang naman tayo eh! Malala rin kapag nag-aaway kami ni Alliah, panigurado hindi rin ako matitiis."

Sa huli, pumayag na rin ako. Hindi ko alam kung bakit pero na-excite ako sa reaksiyon ni Ethan. Kami lang ang nakakaalam ng plano namin, mabuti na lang 2am ang dating namin sa Manila kaya sakto karating sa bahay ay makakapaglinis pa kami tapos deretso na sa bahay nila.

Bumili lang kami ng dalawa box ni Kuya dahil 'yon ang gagamitin namin para sa mga damit na i-uuwi namin next next week . Maleta sana kaso narealize namin na hindi kasya. Katapos ay dumiretso na kami sa Walmart para mamili ng iilang pasalubong namin. Nagpapahila nanaman sa Nike si Kuya dahil may titignan daw, pinagbigyan ko na. Wala naman siyang binili. Mapapabili lang naman siya kapag nandiyan sina Kuya Luther at Ethan.

Karating namin sa bahay ay nagluto na kami ng dinner namin dahil pauwi na rin ang mga kasama namin sa bahay.

"Aalis ka bukas?" Tanong niya sa akin at umupo sa harap ko. Hinihintay na lang namin matapos ang kaldereta.

"Baka, hindi pa sigurado sina Fely eh."

Nag-aya kasi sina Fely na umalis bukas dahil malapit na rin ang alis namin. Fifth wheel nanaman ako dahil jowa na niya si Zarred, naging sila raw last month. Mabilis man, pero nakikita ko na masaya na silang dalawa sa isa't-isa. Nagkakaintindi pa, minsan nag-uusap sila ng bisaya kaya may kaniya kaniyang buhay kami kapag magkakasama kami. For the past few months, nagkikita rin kami. Catching up through coffee ganiyan, pampawala raw ng stress nila sa work.

Para akong lantang gulay kahiga ko sa kama dahil nag resign na ako sa trabaho ko. Hirap nga dahil ilang taon din akong nagttrabaho sa business nina Tito Benedict.

Two days na lang flight namin at hindi pa ako nakakapag impake. 'Yon na lang ang kailangan dahil nabili ko na ang mga pasalubong.

Pero tumayo na ako agad at bumaba na papunta sa closet namin para mag impake. Iniwan ko na muna ang mga pang winter ko dahil mas makapal ang mga 'yon. Nilagay ko lang sa box ang mga mas kakailanganin ko. Bibisita pa naman ako kaya hindi na ako masyadong magdadala atsaka nakikihiram ng damit sa akin si Ate kaya mag-iiwan ako.

Medyo hindi napuno ang box dahil malapit na sumobra sa required na timbang. Maganda rin para hindi punong-puno ang box. Hindi ko na muna sinara dahil hindi pa sinara ni Kuya ang kaniya. Lumabas na ako ng closet namin at pumunta na sa sala para tumabi na kay Kuya dahil mang-aaway na raw kami.

"Ready ka na?" Tanong niya sa akin.

"Teka, hindi ko alam paano ko aawayin si Ethan."

"Kaya mo na 'yan, basta kailangan mapikon siya."

Ang hirap naman ng gusto nito, madalang lang mapikon si Ethan eh. Magagalit lang siya sa personal, lalo na kapag sapatos niya inaaway mo.

Sakto! May message siya.

One More ChanceWhere stories live. Discover now