Chapter 10

5 1 0
                                    

Kakauwi ko lang galing sa bahay ng kaklase ko dahil may mga ginawa kami para sa project namin sa Science. Ako lang ang nasa bahay dahil may trabaho si Mama, si Ate ay nasa school dahil kailangan sila doon tapos si Kuya ay pauwi pa lang dahil nag shooting daw sila. 7pm ang balak nila pumunta sa school kaya magpapahinga muna ako dahil 2pm pa lang naman. Nag text na rin ako kay Kuya na gisingin na lang ako mamaya kapag kailangan ng mag-ayos.

Agad na ako nagising noong ginising na ako ni Kuya dahil 5pm na pala. Agad na ako naligo dahil oras na rin at maliligo rin si Kuya. Nag suot na lang ako ng white loose t-shirt tapos high waisted short, ginawa ko na lang na knot 'yung t-shirt ko tapos strap sandals na lang ako dahil medyo maselan eh, kailangan alisin din ang mga sapatos kasi open gate.

Maliit na belt bag na lang ang dinala ko para paglagyan ng wallet at phone. Nag dala rin ako ng hoodie na tinali ko muna sa waist ko. Tinaggal ko muna mga nakasaksak dito sa kwarto ko at sa mga ibang kwarto dahil aalis kami tapos bumaba na ako para alisin na rin ang mga nakasaksak sa baba. Wala pa kasi si Mama, baka na traffic.

Kinuha ko muna sa cabinet dito sa labas 'yong sandals na isusuot ko. Kapasok kasi sa front door ay bubungad ang dalawang malaking cabinet, isa ay puro sapatos tapos isa ay mga panglinis etc. Lumabas na ako sa front door tapos sakto nandiyan na si Mama kaya pinagbuksan ko siya ng gate.

Bumaba siya sa kotse , "Aalis kayo?"

"Opo Mama." Nag mano ako sa kaniya.

"Ay sige hindi ko na ipapasok itong sasakyan, kina Lola n'yo na lang ako mag didinner." Sinarado namin ulit 'yong gate tapos pumasok kami sa loob.

"Bakit po Mama?"

"Alam mo naman na ayaw ko mag-isa rito hindi ba? Masyadong malungkot." Umupo kami sa mga upuan dito sa garahe.

"Mama!" Si Kuya pala, tapos na ata siya dahil naka ripped jeans siya tapos white t-shirt atsaka strap sandals din. Wala nanaman dalang bag.

Nag mano siya kay Mama "Hindi n'yo po ipapasok ang sasakyan n'yo?"

"Kina Lola n'yo na muna ako." Sagot ni Mama kaya tumango lang si Kuya.

"Paano pala kayo pupunta sa school?" Tanong ni Mama.

"Dadaanan po kami ni Luther." Sagot ni Kuya.

Tumayo na si Mama, "Tara na, hatid ko na kayo kina Lincoln tapos deretso na ako kina Mama."

Ni-lock muna namin ang mga kailangan i-lock tapos sumakay na kami sa sasakyan ni Mama. Yep, kay Mama 'yon dahil ang sasakyan ni Papa ay nasa isang kapatid ni Papa para raw may gamitin sila.

Hinatid kami ni Mama kina Louise, mabuti na lang at hindi pa sila nakakaalis. Si Mama ay nag stay muna saglit para kausapin muna raw sina Tito Lincoln. Tagal na kasi silang hindi masyadong nagkakausap dahil busy pareho kahit na may gc sila, iba pa rin ang personal. Hindi ko nga alam kung dederetso pa siya kina Lola dahil kapag kasama niya na mga parents ng mga kaibigan namin, hirap na nilang paghiwalay-hiwalayin.

"Let's go?" Aya ni Kuya Luther.

"Sina Ethan ba? Naka alis na?" Tanong ni Kuya.

"Otw na raw sila sa bahay nina Ara." Si Louise ang sumagot habang nakatingin sa phone niya, baka may chat sina Lilac doon.

"Sabihin mo mag kita na lang sa parking." Sabi ni Kuya Luther. Pumasok na kami sa kotse niya at umalis na sa bahay nila.

Karating namin sa parking ay agad na kami lumabas sa kotse dahil kasunod lang namin sina Lilac. Dumiretso na kami agad sa gate pero dahil maselan, nakapila pa kami.

"Dapat pala nag sandals na lang ako! Kailangan pala alisin 'yong sapatos." Reklamo ni Ara, siya lang kasi naka sapatos sa amin.

"Sinabi ko naman kasi sa'yo na mag sandals ka na eh." Si Ate Alliah. Napanguso na lang si Ara.

One More ChanceWhere stories live. Discover now