Chapter 32

4 0 0
                                    

Karating namin dito sa resort, nakapag check-in na kami agad. Para makahiga na sina Lumiere. Kasama ko sila sa kwarto, kami nina Louise at Ara. Sa isang kwarto naman sina Ate Andrea at Ate kasama mga jowa nila. Sa isa pang kwarto ang mga boys na kasama si Ate Alliah. Dapat dito siya sa amin kaso mapilit si Kuya kaya nandoon siya.

Agad na rin ako nag palit ng damit. Rash guard lang atsaka denim shorts. Nag-aya na rin kasi sila mag volleyball kaya nagpalit na ako agad.

"Hindi ka na ba talaga naglalaro?! Bakit ang galing mo pa rin?!" Saad sa akin ni Kuya Luther.

Sinabi ko kasi na matagal na akong hindi nakakalaro. Last laro ko noong napilay ako, hindi na ako pinaglaro ulit nina Mama.

"Oo nga! Tanong mo pa kay Kuya!" Tinuro ko pa si Kuya na kasama si Ate Alliah na nagsusulat sa basang buhangin.

"Galing pa rin eh!"

Nambola pa. Nag decide rin kaming maglaro, sakto na 6 vs 6 kami. Hindi kasali si Lilac dahil hindi siya pwede. Si Eros muna ang sub niya. Bahala na kung paano ang scoring.

Namiss ko ang mga bonding namin na ganito. Puro laro lang ganiyan tapos gala, kain. Mga panahong masaya lang kaming lahat.

"Napilay ba talaga 'yang kapatid mo, Ares?" Tanong nanaman ni Kuya Luther. Kalaban ko siya eh, competitive nanaman.

"Oo nga! Nakita mo naman sa story ko eh."

Natawa na lang kami sa facial expression ni Kuya Luther. Pagbigyan ko na nga.

Katapos namin mag laro ay nag lunch na kami. Isa rin ito sa mga namiss ko, kumain ng seafood tapos kita mo pa ang dagat.

Bumalik muna kami sa mga kwarto namin para mag pahinga at hintayin na mag 3pm para maligo na sa dagat. Ang cute nga ng kambal eh, nakapag beach sila pero bawal pa sila maligo sa dagat. Kapag na lang daw 5months na sila, bilin ni Tita Lindsay.

Para kaming nasa theme park dito sa kwarto namin, nagpapatugtog lang naman sila ng mga pambatang kanta. Ayos lang din naman dahil nag-eenjoy ang kambal. Supportive Tita—Ninang kami.

Naging bata kami ulit dahil nag-aya lang naman sila mag laro ng patintero. Imbis na nag volleyball, nag patintero na lang kami. Pahirapan nga makadaan dahil kalaban namin mga lalaki. Mukhang mahihirapan ako sa last dahil si Ethan ang nandoon. Bahala na, ang kailangan manalo kaming girls.

Sa huli, nanalo ang boys. Nakadaan naman ako sa lahat pero nahirapan ang iba kong kasangga pero ayos lang. Naging masaya naman. Parang ito na ang pinakarelax naming lahat.

Sinulit ko na rin ang pagligo sa dagat, tagal ko na ring hindi nagagawa ito eh. Nakikipaglaro na lang kami sa mga alon dahil ang lakas nang hampas. Tapos sunset pa kaya nag enjoy kaming lahat.

After ng dinner namin ay balik na kami sa mga kwarto namin. Medyo pagod na lahat pero mamaya ay babalik kami ni Louise sa may restaurant. Heart to heart talk daw kami na may kasamang light drinks.

Niyakap ko lang si Louise dahil kanina pa siya umiiyak. Talagang nahihirapan siya sa buhay niya. Gusto niya na talaga makipag balikan sa ex niya. Payag naman mga magulang nila pero ang Lola niya palagi ang iniisip niya. Sinabi ko nga sa kaniya na isipin naman niya ang nararamdaman niya. Buhay niya naman eh, hindi buhay ng Lola niya. Sinabi ko rin na ipaglaban niya. Kagaya ng ginawa ni Kuya Lucas.

Natuwa naman ako na sinabi niya na susubukan niyang ipaglaban ang ex niya. Mag ttake na raw siya ng risk kesa masayang pa ang mga opportunities.

"Kayo ni Kuya Ethan, hindi pa rin ba kayo ayos?" Tanong niya sa akin.

Nagkibit balikat ako, "Hindi ko alam, pero nag-usap kami kahapon. Hindi ko nga inaasahan eh. Hindi maganda ang usapan namin last time, tapos biglang ganito usapan namin."

One More ChanceМесто, где живут истории. Откройте их для себя