Chapter 18

3 0 0
                                    

Nandito kami ngayon nina Louise sa canteen malapit sa theater, kung saan kasalukuyang ginaganap ang graduation ng mga kapatid namin. Kakarating lang namin eh, tapos hindi pa ata tapos ang program, may mga ibibigay kaming mga bouquet of flowers sa kanila kaya sabay-sabay kaming pumunta rito. Ang saya nga dahil naka-uwi si Papa kaya silang dalawa ni Mama ang kasama ni Kuya na aakyat sa stage, lahat sila magkakaroon ng medal. Nakaka-proud nga kasi sobrang worth it noong mga araw na halos hindi na sila matulog at ginagawa nila ang best nila to make us proud and to make our parents proud.

"Kakatext lang sa akin ni Ate, okay na raw ang set-up sa hotel." Si Ara.

"Nice! Deretso tayo roon hindi ba?" Tanong ni Louise.

Tumango si Ara, "Yeah, papalabasin lang na kakain lang sa labas."

Nag plano kasi kami na i-surprise ang mga kapatid namin dahil graduation nila, pinili na lang namin sa Hotel nina Ara. Nag invite rin kami sa mga kamag-anak namin kaya sobrang dami ng tao pero sagot naman ng mga parents namin kaya ayos lang. Dami pera eh, joke. May mga nag share rin naman sa mga Tito at Tita namin kaya ayos na ayos lang.

"Anong oras matatapos ang graduation nila? I want to swim na!"

"Eros, kakaswimming mo pa lang kagabi ah? Gusto mo nanaman ulit? Pagalitan ka ni Mommy riyan." Ngumuso si Eros sa sinabi ng Ate niya.

Almost 11 am na ata natapos graduation nila, kalabas nila sa venue, agad na namin binigay ang mga regalo nila at nawala rin sila agad dahil may picture taking pa sila kasama ang mga kaklase nila, mga teachers nila, silang apat may picture, kaming walo meron siyempre kailangan 'yon, meron din kasama namin si Eros, picture with the proud parents, and picture with the family.

"Oh! Picture naman sina Ethan at Althea!" Sabi ni Tito Emmanuel.

Yakap agad ang isinalubong niya sa akin at tinanggap ko naman. "Congratulations, baby. I'm so proud of you.." Bulong ko sa kaniya.

"Thank you, baby. Thank you for being patient, thank you for understanding me. Thank you for always being there for me especially when I want to break down because of school works."

"I know that you can do it. Just do your best, baby. Road to Engineer!" Natawa siya sa sinabi ko at hinalikan ako sa pisngi.

"Ang tagal! Picture na!" Si Lilac kaya humarap na kami sa camera. Naka-ilang shots pa nga dahil masyado silang natutuwa sa sweetness namin. After namin, sina Kuya at Ate Alliah naman ang pinipicture, ang pasimuno lang naman itong katabi ko.

"Tignan mo ngiti ng Kuya mo, ngiting wala ng bukas." Tinignan ko naman ang Kuya ko, tama nga si Ethan. Ang saya ng Kuya ko, parang nanalo sa lotto.

"Sana umamin na siya kay Ate Alliah, they really look good together."

"Yeah.."

Binalik na muna nila ang mga toga nila dahil rent lang naman 'yon. Naalala ko nanaman kalokohan nila sa toga na 'yan. Katapos nila kunin mga toga nila noong first week of April, dinaanan nila kami tapos pumunta lang naman kami sa Baguio, overnight. Mabuti na lang tapos na ang klase namin kaya nakapag Baguio kami. Dahilan nila, kailangan daw sulitin ang binayad.

Ang tatalino talaga kaya silang apat may medal eh, wala lang loyalty awardee kasi hindi kami nag elementarya rito. Nag public muna kami kaya loko-loko kami eh, hindi naman totally as in 'yong loko-loko talaga na wala ng pakialam sa studies. Meron pa naman kaming pakialam kaso ineenjoy rin namin ang childhood namin kaso ayon napagalitan kami kaya nag seryoso na kami simula noong nag High School kami.

Deretso na kami agad sa hotel nina Ara dahil malapit na rin mag lunch.

"Saan po tayo niyan?" Tanong ni Kuya.

One More ChanceWhere stories live. Discover now