Chapter 21

4 0 0
                                    

"Congratulations, baby!" Yakap agad ang binigay sa akin ni Ethan noong lumapit siya sa akin.

Kakatapos lang ng graduation namin at kakatapos lang ng pictorial namin as class kasama ang mga teachers namin. Grabe mamimiss ko sila ng sobra, pati mga teachers namin dahil ang sarap nila kasama. Marunong silang makisama sa amin pero siyempre alam pa rin nila ang boundaries nila, nakakachika namin sila minsan eh tapos puro kalokohan lang dahil sa mga kaklase namin.

"Thank you, baby!" Niyakap ko rin siya ng mahigpit. Naramdaman ko na hinalikan niya ako sa temple ko.

Natagalan pa rin kami dahil picture muna kasama ang family, friends tapos mga jowa namin. Nabigla ako na nandito sina Ate eh may duty sila, tapos may binigay pa si Ate kay Louise na isang bouquet of flowers. Alam ko na kanino galing ito, siguro nahihiya siya na lumapit dito sa amin kaya pinaabot na lang kay Ate.

Umuwi na muna kami dahil may pasok pa mga magulang at mga kapatid namin. Sinamahan ako ni Ethan dito sa bahay para raw may kasama ako kapag pupunta sa bahay nina Louise.

"Gawin mo na lang ang gusto mong gawin, palit lang ako ng damit."

Hindi ko na siya hinintay na sumagot at umakyat na sa taas para mag palit ng damit, inalis ko na rin ang make-up ko. Mag lalagay na lang ako ulit mamaya para sa celebration namin, kakain lang kami sa Bale Capampangan. First time ko kakain doon, recommend lang 'yon ni Lilac dahil doon sila minsan kumain ni Archer kasama ang family ni Archer. Sabagay sa San Fernando naman nakatira sina Archer kaya malapit lang.

Nag loose shirt na lang ako atsaka leggings dahil panigurado mababa ang temperatura ng aircon mamaya sa entertainment room nina Louise. Dinala ko na lang ang tote bag ko na may laman na phone, charger, wallet, at earphones. Bumaba na ako agad para makapunta na kami sa bahay nina Louise.

Noong nakita na ako ni Ethan, tumayo na siya at pinatay na ang TV. "Tara na?"

Tumango lang ako sa kaniya at tinaggal na ang mga nakasaksak tapos nauna na ako pumunta sa kaniya sa may pinto para kunin ang tsinelas ko.

Dala niya ang sasakyan niya kaya roon na kami sumakay papunta sa bahay nina Louise, bago niya paandarin ang sasakyan niya. Siyempre nanghingi nanaman ng halik pero smack lang, pinagbigyan ko na.

"Hilig mo na manghingi ng kiss ah?" Tanong ko sa kaniya.

"Siyempre, isa sa mga source of energy ko 'yon.."

Napa-iling na lang ako sa sinabi niya. Mas nagiging malambing na siya, nagsimula 'yon noong nasa Boracay kami. Pati rin ako nagiging malambing na rin pero siyempre kapag kami lang dalawa, nahihiya ako minsan kapag may mga kasama kaming iba.

Umuwi na rin kami noong mga 4pm na para makapag ready na, deretso na lang daw mga magulang at mga kapatid namin galing sa work. Nanood lang kami ng mga movies kanina sa bahay nila Louise dahil wala naman kaming magawa, gusto nila mag swimming kaso aalis kami.

Black puff sleeve dress na lang ang isinuot ko, regalo sa akin noong debut ko tapos strap sandals lang. Suot ko rin ang binigay na necklace ni Ethan, madalang ko lang isuot dahil burara ako sa gamit pagdating sa mga ganiyan tapos lip tint lang. Balak ko sana na hindi na dahil mabubura rin naman pero makikihiram na lang ako kay Lilac mamaya, paniguradong may dala 'yon na liptint or lipstick. Black sling bag na lang ang dinala ko na may laman na phone, wallet, charger (makikicharge ako sa sasakyan ni Ethan), at handkerchief. Bumaba na rin ako agad at nag hintay na lang sa labas ng bahay para kapag karating nina Ethan ay papasok na lang ako sa kotse niya.

Sa likod ako umupo dahil sa harap naka-upo si Lilac, dapat daw doon ako kaso gusto raw ako makatabi ni Eros kaya pinagbigyan na nila.

"Dapat pala maaga na lang tayo umalis." Sabi ni Ethan sa amin.

One More ChanceOnde histórias criam vida. Descubra agora