Chapter 23

3 0 0
                                    

Nagising ako sa alarm ko, first day of school na namin. Kinakabahan ako dahil new school, new environment, pero sana may maka-close ako agad. Mabuti na lang nag ring na alarm ko dahil hindi ako natuwa sa panaginip ko.

Napaginipan ko lang naman si Ethan. Umiiyak siya sa harapan ko, nagmamakaawa na huwag daw ako umalis. Huwag ko raw siyang iwan. Huwag daw ako makipag-hiwalay sa kaniya. Tapos biglang transition na nasa isang restaurant sila ni Grace....

Si Grace ang kasama niya. Sinundan ko raw silang dalawa dahil hinahabol habol ko pa rin si Ethan tapos lumuhod si Ethan sa harap ni Grace tapos ayon nag ring na alarm ko. Saved by the bell I guess.

Nag suot lang ako ng black high-waisted jeans tapos white oversized shirt na tinali ko. Kay Ethan 'to talaga eh, pinahiram niya sa akin noong nag overnight kami sa kanila eh tamad na ako umuwi.

Nag black and white sneakers na lang ako, delikado pag white shoes lalo na first day ngayon. Maraming tao sa school. Hinayaan ko na nakalugay ang buhok ko dahil basa pa. Nagdala na rin ako ng hoodie kasi medyo malamig na, malapit na fall. Napatingin ako sa full size mirror sa may hagdanan namin. Suot ko pa pala ang binigay na necklace sa akin ni Ethan. Tinago ko na lang ito sa loob ng damit ko.

Hinatid lang kami ni Papa sa school tapos dumiretso na sila ni Mama sa work. Naghiwalay din kami ni Kuya dahil iba kami ng building. Dumiretso na ako sa room na nakalagay sa binigay na schedule sa akin. Kapasok ko sa room, kokonti pa lang ang tao. Sa may bandang side ako nag pwesto, sa tabi ng pader. Ever since high school, nahihilig na ako umupo sa may pader. Para hindi na nahihirapan kamay ko kakasuporta sa ulo ko kapag inaantok ako. Parang mas maganda sa gitna para kita ang screen, pero ayos na rin ako rito. Lipat na lang ako kapag hindi ko na talaga nakikita.

May tumabi sa akin na babae na naka boots or Dr. Martens ata tapos naka ripped skinny jeans tapos naka crop top siya at may dalang jacket at bag siyempre. Well, she's pretty though. Mukhang pinay dahil sa morena siya, medyo bilog ang kaniyang mga mata, manipis ang kaniyang labi, medyo matangos ang ilong niya, at ang kaniyang itim na buhok ay nakalugay lang. She's also wearing light makeup.

Napansin niya sigurong nakatingin ako sa kaniya kaya humarap siya sa akin.

"Hi! I'm Felicity, you are?" Naglahad pa siya ng kamay kaya tinanggap ko naman agad.

"Hello! I'm Althea."

"So, Althea, how long have you been here in Edmonton?"

"Uh, we just arrived last May."

Parang nabigla pa siya, "Oh really? We just also arrived here last May, oh by the way are you a Filipina? Because you look like one."

Tumango ako, "Yeah I am a Filipina."

"Ako rin! Don't tell me you don't speak Tagalog?"

"Nagsasalita ako siyempre!"

"Oh yes! Akala ko wala akong makikilala na Pinay or Pinoy rito kaya nag-aalala ako pero mabuti na lang tumabi ako sa'yo!"

"Ako rin eh, medyo kinakabahan ako dahil bago ako sa school na ito-"

"Ako rin! Bago lang din ako! Siyempre friends na tayo ah?"

Parang naiiwan ako bigla ah, ang hyper niya tapos ang tahimik ko lang, pero ayos na 'yon.

"Oo naman!"

Nag-usap lang kami kung ano mga gusto namin sa buhay, kung bakit kami nag migrate rito, at usapang lovelife.

"May naging boyfriend ka na ba?" Tanong niya sa akin.

Tumango ako.

"Ilan?" Tanong niya ulit.

"Isa lang,"

One More ChanceWhere stories live. Discover now