Chapter 7

5 1 1
                                    

Nag hihintay na lang kami nina Kuya rito sa bahay dahil dadaanan na lang kami nina Kuya Luther. Nag-bigay pa ng pera si Mama pambili ng mga seafods, etc. sa Zambales para raw sa pang handa namin sa Christmas Eve at Christmas Day. Sa bahay nina Lola kami mag Cchristmas Eve, kasama niya roon ang pamilya nina Tito Roel at Tita Roseanne na kapatid ni Mama kaya roon kami tapos Christmas Day doon sa bahay nina Tito Richard, siya ang panganay nina Mama na namamahala ng business ng mga ninuno namin. Malaki kasi bahay noon kaya roon kami, malaki rin naman ang kina Lola pero nakasanayan na namin na roon kapag Christmas Day.

"Mag-iingat kayo roon ah?" Bilin sa amin ni Mama na kakalabas lang ng bahay, aalis din siya eh. Doon muna siya kina Lola dahil wala siyang kasama rito.

"Opo, Mama"

"Yes, Mama."

"Opo."

"Sige na mauuna na ako sa inyo dahil bibilhan ko pa ng almusal sina Lola n'yo." Sumakay na siya sa kotse niya at binuksan naman ni Kuya ang gate.

"Teka lang, kung sa Raptor tayong lahat, kakasya ba tayo nina Louise?" Tanong sa akin ni Ate Annie. Oo nga ano?

"Hala! Isa sa atin dapat sa Fortuner nila Ara!" Sabi ko.

"Ares! Tawag mo sina Lucas! Tatawagan ko si Andrea."

"Bakit?" Tanong ni Kuya na kakabalik lang.

"Hindi tayo kakasya sa Raptor, lima lang dapat ang nasa Raptor. Sino sa atin sa Fortuner?"

"Ako na lang sa Fortuner sige. Inform na natin sila." Nako Kuya Ares hmmm.

Mabuti agad nilang sinagot ang mga tawag ng mga kapatid ko kaya lahat sila nandito sa bahay namin. Nailagay na rin namin sa sasakyan mga dadalhin namin.

"Si Ares ang sa amin? Sige sige. Pasok na dali! Mahaba ang biyahe." Sumunod na kami sa sinabi ni Ate Andrea. Ako ang naupo sa gitna kaya nag patugtog na lang ako sa stereo ng Raptor nila Kuya Luther.

"Saan tayo papasok, Kuya?" Tanong ni Kuya Luther kay Kuya Lucas.

"Porac na lang." Sagot ni Kuya Lucas. He has a point, mas malapit pa.

"Lucas, kailangan ko after Christmas 'yong mga inassign ko sa inyo." Sabi ni Ate Annie kay Kuya Lucas. Same course kasi sila na Business Management tapos classmate pa.

"Yea yea I will. Chill ka lang muna. We need this vacation." Sagot ni Kuya Lucas.

"Fine. You know our prof, he is a perfectionist jeez."

"I know that, Annie. Just chill and relax. Kakabigay mo pa lang kagabi ng mga 'yon." Napatango na lang si Ate kay Kuya Lucas.

"Hoy pabuhat ka ata Kuya?" Tanong ni Louise sa nakakatandang kapatid.

"Ako? Pabuhat? I'm not! May Dean Lister bang pabuhat?"

"Meron. Ikaw, Kuya." Sabat ni Kuya Luther kaya natawa kaming lahat.

"Huwag mo akong igaya sa'yo!"

"Hala! Uy! Nag-aaral ako! Siyempre kapag kailangan lang!"

"Sana all madali agad mamemorize ang mga nirereview!" Si Louise.

"Basic!" Nag '🤙' pa si Kuya Luther kaya napa-iling na lang kami.

"Patugtog ka naman 'yong Pop Danthology!" Biglang sabi ni Kuya Luther.

"Hindi naka download sa Spotify ko." Sagot ko naman kaya binigay ko na sa kaniya ang phone ko para siya na ang pumili ng mga kanta. Nakita ko na inopen niya ang Hotspot niya at cinonnect niya ang phone ko sa Hotspot niya. Ayon, nag patugtog siya ng gusto niya. Well I like it though, para kaming nag throwback.

One More ChanceWhere stories live. Discover now