Chapter 38

3 0 0
                                    

"Tagal mo naman!"

Kanina pa kasi hindi makapili ng isusuot na coat si Kuya, coat lang 'yan ah. Susunduin lang naman namin sina Ramesses sa airport.

"Mag black coat ka na lang kasi!"

Lumabas na rin siya agad at nag black coat na nga siya. Tagal eh, mabuti na lang pababa pa lang sina Mama.

Umalis na rin kami agad dahil malapit na sila mag landing. Kasama rin sina Kuya Rios para malaki ang space at hindi siksikan sa sasakyan.

"Sasabihin mo na ba niyan kay Tito na uuwi ka na?" Tanong sa akin ni Kuya na nakatingin sa daan.

Oo nga pala, iiwan ko na niyan ang trabaho ko rito.

"Baka oo, para alam na rin niya at makapag hire na nang ipapalit sa akin."

"Alam na ni Ethan na uuwi ka?"

Umiling ako, "Hindi pa,"

"Bakit? Baka mangyari nanaman ang dati ah?"

"Sasabihin ko kapag ayos na mga papers. Atsaka alam naman niya talagang uuwi tayo kasi may kasal sina Ate sa Pilipinas."

"Alam niya pero hindi niya alam na magsstay ka na for good."

"Sasabihin ko rin."

"You should be."

Sinisimula na rin namin mag ayos ng mga papers, sumasabay kami kina Ate na nag-aayos din para sa kasal nila next year.

"Wow, gumaganda na ah?" Bungad sa akin ni Ram.

"Tss."

"Blooming kasi may comeback–aray gago!"

Dami sinasabi, 'yan tuloy hinampas ko.

Inirapan ko siya, "Manahimik ka na lang, wala akong sinasabi tungkol sa inyo ng jowa mo."

Inakbayan niya ako, "Chill, may padala sa'yo si Ethan huwag kang mag-alala."

Oh yeah, regalo niya raw sa akin noong birthday ko. May regalo rin ako sa kaniya, ipapadala ko na lang kay Ram.

Natuwa naman ako dahil may birthday party siya noon pero sa bahay lang nila. Actually, pinag-sabay nila ang birthday nila nina Kuya Luther, Kuya, Ate Alliah, ang kambal, at Ethan. Naka video call pa kami noon sa kanila dahil may cake rin si Kuya, binili raw ni Ate Alliah.

Noong birthday ko naman, 12am dito ay tinawagan niya ako at may hawak pa siyang cake. Favorite cake ko pa ang hawak niya which is chocolate mousse ng Toll House.

"Talagang 'yan pa ang binili mo ah? Namiss ko na tuloy 'yan."

"Bilhan kita ulit kapag umuwi na kayo rito."

"Yeah, sa kasal nina Ate."

"Padala ko na lang kina Ara sa April?"

"As if pwede."

"Joke, kapag na lang nandito ka na para kasama na kita bumili. Date na rin tayo sa toll house kapag nandito ka na."

"Kakasabi mo ng toll house, gusto ko tuloy ng baked mac nila."

"Kapag umuwi ka, makakain mo na ang mga gusto mong kainin."

"But yeah, thank you for the cake. I really appreciate it."

"Kami lang kakain nina Lilac nito, itatago namin sa dalawa."

"Oh, yeah. Bawal pa pala sila."

May kinuha siya sa side niya, it's a specs then he wore it.

"Bagay ba?"

I bit my lower lip, damn he's so handsome with his specs. Dagdag mo na ang suot niyang muscle tee na halatang halata ang mga muscles niya.

One More ChanceWhere stories live. Discover now