Chapter 22

4 0 0
                                    

Magkasama kami ngayon ni Ethan, nag-aya siya na mag Tagaytay kaming dalawa. Matagal na rin kasi kaming hindi nag d-date kaya napag-isipan din namin. Balikan din plano namin dahil wala rin sa bahay mga magulang namin, nasa Baguio naman sila kaya kailangan si Ethan sa bahay nila. Wala rin kasi mga kasama nila sa bahay dahil umuwi muna sila sa mga bahay nila.

"Check natin 'yong outlet sa may papuntang Tagaytay." Aya ni Ethan.

Napatingin ako sa kaniya, "Check lang ba? Baka bibili ka niyan ah."

He chuckled, "You just give me an idea, baby."

Napa-irap ako, "Pagalitan ka nanaman niyan ni Tita,"

"Hindi 'yan! Atsaka titingin muna ako, baka bigla wala akong magustuhan."

"Baka meron nga eh, I know you. Hindi mo tatanggihan ang mga sapatos. Dami dami mo ng mga sapatos eh."

Napakamot siya sa ulo, "Sabi ko nga pero bibili ako kahit isa lang, medyo hindi ko na kasya mga iba kong sapatos."

"Isa lang ah? Sinabi mo 'yan." Tinaas niya pa ang kanang kamay niya para maniwala ako sa kaniya.

Hindi na kami umabot ng Tagaytay dahil dito pa lang sa outlet ay ubos na oras namin. Sabi niya isa lang bibilhin niya pero meron na siyang apat na napili na sapatos. Naghahanap pa niyan siya.

"Akala ko ba isa lang?"

Niyakap niya ako gamit ang isa niyang braso, "Joke lang 'yon."

Kinurot ko siya sa tagiliran niya, "Kapag naubusan ka nanaman ng pera, Ethan Leandro."

"Last gastos ko na ito, pangako. Baka hindi na ako bigyan nina Mommy eh." Humiwalay na siya sa yakap at nagsimula nang pumunta sa counter para magbayad at sumusunod lang ako sa kaniya.

"Siguraduhin mo lang,"

"Ikaw, wala kang gusto?"

Umiling ako, "Wala naman, dalian mo para makapag Tagaytay pa tayo pero mukhang malabo na. Anong oras na oh." Pinakita ko pa sa kaniya 'yong relo ko.

"Hala 4pm na, ayos lang kung hindi tayo nakapag Tagaytay?"

"Ayos lang, kasama naman kita."

"Sayang hindi tayo nakapag bulalo."

"Oo nga eh, take out na lang natin?"

"Tignan natin ang oras niyan."

Katapos namin sa outlet, deretso na kami sa Tagaytay. Kumain na kami ng Bulalo at 'yon na ang dinner namin. Tahimik lang kaming kumakain dahil pareho kaming gutom. Nag Mcdo lang kami kanina kaya gutom na gutom kami.

"Did you already checked your messenger?" Tanong niya sa akin.

Umiling ako, "Hindi pa, bakit?"

"Nasa bahay n'yo pala si Eros, hinatid daw ni Lilac tapos buti na lang nandoon daw si Ares at siyempre alam mo na sino kasama ni Kuya mo."

Napatigil ako sa pagkuha ng kanin, "Teka, magkasama silang dalawa?"

Tumango siya, "Pumunta raw si Alliah sa inyo eh, wala nanaman ata si Ara kaya ganoon. Atsaka wala sina Louise at Luther kaya sila lang dalawa."

"Oh, at least may kasama pa rin si Eros, teka bakit umalis si Lilac?"

"Date with Archer siyempre."

Tumango na lang ako sa kaniya at kumain na lang ulit.

After namin magpahinga katapos kumain, umalis na kami agad dahil oras na rin. Nagpalit din kami sa pagmamaneho dahil napansin ko na pagod na siya at mabuti na lang marunong na ako magmaneho.

One More ChanceWhere stories live. Discover now