Chapter 35

5 0 0
                                    

I opened my eyes and the first thing that I saw was the man that I loved, peacefully sleeping. Hindi pa rin ako makapaniwala na ayos na kaming dalawa. Isa pa ay kasama ko siya na ngayon ulit, kami na ulit. I just stared at his face, he didn't change that much but his jawline got sexier than before. Kung dati ay medyo kahalata pa ang baby fats niya, ngayon halos wala na pero nakukurot ko pa rin.

Napagod kasi kami kahapon kaya tulog pa siya ngayon. Halos pinuntahan na namin ang mga magagandang lugar dito sa Amsterdam tapos pupunta kami ngayon sa Keukenkof.

"Stop staring."

Gising na pala ang loko.

I rolled my eyes as if he will see it, "Kung gising ka na, tumayo ka na dahil may pupuntahan pa tayo ngayong araw."

Dahil ayaw niya pang tumayo, ako na ang naunang naligo sa kaniya. Tagal tumayo eh, nauna na pa lang nagising sa akin.

Last day na rin namin dito sa the Netherlands kaya susulitin ko na. Worth it naman ang mga pinuntahan namin dito sa Amsterdam. Nakaka satisfy ang mga nakikita mo rito. Pati tiyan mo ay massatisfy sa mga pagkain dito.

Nag breakfast na muna kaming lahat bago pumunta sa Lisse. Mag bubus lang kami papunta roon, dapat taxi kaso magastos daw kaya bus na lang ang pinili.

Halatang excited ang mga kasama namin dahil parang binibilisan na nila ang pagkain nila. Maaga pa naman pero mukhang nagmamadali na sila.

"Finish your food, Althea."

Agad ko na itinuloy ang pagkain ko dahil napansin na ako ni Mama.

"Someone's excited." Bulong ng katabi ko.

"Shut up, Ethan. Kumain ka na lang diyan."

He just chuckled, mang-aasar pa eh.

Para akong maiiyak sa nakikita ko rito sa Keukenkof. Puro bulaklak ang mga nakikita ko, halos tulips. Nakita ko na tumakbo na si Lumiere papunta sa mga tulips at hinabol na siya ng kaniyang nanay.

"Another checkmark on your bucket list.."

Napalingon ako sa katabi ko, "Yeah, nakita ko na rin ang mga tulips dito."

He held my hand, "Let's go and walk."

Hiwa-hiwalay kaming lahat dahil masyado kaming crowded kung sama-sama kami.

Ethan found a good spot for me to take some pictures. Siya na ang nag insist na kuhanan ako ng pictures and it's all good. Sabagay, phone niya ang gamit niya.

Pinicture ko rin siya para may ma-post siya ulit sa IG niya. Napadaan sa amin si Ara at Louise kaya nag insist sila na kuhanan kaming dalawa ni Ethan. Una sa phone ni Ethan tapos sa instax nang dalawa. Dapat isa lang kaso mas maganda raw kung may kopya kaming dalawa.

Tinawag na rin kami ng mga kasama namin dahil nasa medyo malayo na sina Kuya Lucas at Ate Andrea. Papunta ata sila sa isa pang field ng tulips which is 'yon na ang cue namin.

Sinundan na namin sila at handa na rin ang camera ni Kuya Rios. Pati ang mga kapatid ng dalawa ay naka handa na rin.

"Damn, hindi ako makapaniwala na may dalawang proposal sa trip natin." Saad ni Ethan

"Yeah, hindi rin ako makapaniwala na nagkaayos tayo sa trip natin."

"Didn't expect that either. Akala ko wala na talaga eh dahil feel ko hindi mo na ako tatanggapin dahil sa sinabi ko sa'yo last time."

Tinignan ko si Ethan, "Tatanggapin pa rin naman kita, alam ko na nasabi mo lang 'yon dahil sa emosyon mo. Ganoon din ako, nasabi ko sa'yo na mag break na tayo dahil sa emosyon na nararamdaman ko rin."

One More ChanceWhere stories live. Discover now