Chapter 14

6 1 0
                                    

Parang tumigil ang mundo ko sa sinabi niya, so ako ang tinutukoy niya? Paano? Bakit? Bakit ako?

Bwisit naman itong puso ko, sobrang lakas ng tibok, konti na lang lalabas na siya sa rib cage ko.

"A-anong hindi mo alam?" Nauutal na tanong ko sa kaniya.

"Hindi pa ba halata na ikaw ang gusto ko?"

There! He just said it! Feel ko sobrang pula na ng mukha ko dahil sa mga sinasabi niya. Nakakagulat ang mga sinasabi niya, promise I swear. Kakabalik pa lang namin sa pagiging close tapos ganito na agad?

"Ha? Bakit ako?"

"Bakit ikaw? Hindi ko rin alam, na-aamaze ako sa ugali mo kung paano ka makisalamuha sa iba, na-aamaze ako sa mga kilos mo. Ang hilig mong tumulong, sobrang simple mo sa buhay at hindi mo na kailangan ng kung ano pa sa katawan mo. In short, I like the real you." Did he just confess? It is so sudden! Gusto ko rin umamin kaso hindi ako makahanap ng tiyempo.

"Seryoso ka ba?"

"Oo naman! Atsaka dagdag na rin ang galing mo sa volleyball atsaka sa pag-aalaga mo kay Eros. Ewan hindi ko ma-explain ng sobra basta ang alam ko gusto kita." Ang bilis niya grabe habang ako nag sisink-in pa sa akin lahat.

"Paano? Kailan?"

"Hindi ko alam, last year? Alam ko nag start 'yon noong tumutulong ka kina Ate Linda." Really? Dahil doon lang? Hindi talaga ako makapaniwala.

"So ako 'yong tinutukoy mo na gusto mong ligawan?"

"Oo pero hindi pa ngayon, hindi pa ako nagpapaalam eh."

"Grabe, taas ng confidence ah?"

"Ngayon lang ako nagkaroon, dati kasi takot pa ako dahil baka hindi pa pala ako totally move on kay Grace tapos nakakatawa lang isipin na nagseselos na pala ako sa inyo ni Eros." Luh? Kaya pala minsan badtrip kapag kami ang magkasama ni Eros.

"Seryoso ka ba talaga sa nararamdaman mo para sa akin?"

"Oo, aamin ba ako kung hindi."

Inirapan ko lang siya at inubos ko na ang kape ko. Naging tahimik na kaming dalawa, nawalan ako ng sasabihin dahil ito ang unang beses na may umamin sa akin ng ganito talaga. May mga nag balak naman na ligawan ako dati kaso agad kong sinasabi na ayaw ko pa dahil hindi ko pa iniisip ang mga ganoong bagay. Ngayon parang kakainin ko na ang mga sinabi ko.

Nag paalam muna ako sa kaniya na baba na muna ako saglit para mahugasan ko na ang coffee mug na ginamit ko at iniwan ko na rin siya sa may veranda para bumaba sa kusina. Napatingin ako sa entertainment room, busy na busy sila nanonood ng movie kaya ang tahimik nila. Hinugasan at nilinis ko na muna ang ginamit ko na coffee mug tapos bumalik ako sa taas, ang rude naman kung hindi ko siya babalikan sa taas.

"Anong ginagawa nila sa baba?" Tanong niya sa akin noong kabalik ko sa veranda.

"The usual." Tanging sagot ko, gets naman na niya 'yon. Hindi na ulit kami kumibo, tanging ulan at hangin lang ang naririnig namin. Hindi ko rin alam sasabihin ko.

"Wala ka bang gagawin na ibang schoolwork?" Tanong niya kaya umiling ako, "Halos natapos ko na ang mga part ko atsaka Saturday is my rest day kaya tama na muna school work."

"Bukas? May gagawin ka?" Nilingon ko siya, "Wala naman sa tingin ko maliban sa magsisimba kami nina Mama bukas."

"After that?"

"It's either uwi na kami agad or punta kina Lola. Why?" Iling lang ang sagot niya pero alam ko na may gusto pa siyang sabihin eh.

For the past few weeks, mas lalo kaming naging close as in close na physical, nadadala rin kasi ako minsan sa kilos niya tulad nang pag guide niya minsan sa akin kapag naglalakad o minsan ay siya na bumibili ng lunch ko tapos stay na lang daw ako sa table. Nahahalata na rin ng mga kasama namin eh kaya lagi kaming inaasar, wala pa ata silang alam eh.

One More Chanceजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें