Chapter 5

5 1 0
                                    

Past 12am na, pero wala pa rin sila balak matulog. Hapon pa naman daw next game nila kaya balak nilang pumasok sa school ng 8am tapos uuwi pa kami mamayang 5am para maligo. Mabuti na lang hindi masyadong maselan mga guard namin.

Habang busy sila nanood ng movie, niligpit ko na 'yong mga pinagkainan namin dahil pupunta naman ako sa kusina para mag refill ng tubig. Medyo gutom pa ako dahil sila halos kumain kanina. Nag check ako kung ano pwedeng mailuto pa. Boiled egg na lang iluluto ko. Iniwan pa nila mga pinaglutuan nila kanina kaya 'yon na lang ginamit ko.

May narinig akong naglalakad kaya napatingin ako sa likod ko, si Kuya Ethan pala. He's wearing jersey shorts and a muscle tee. Kita mga muscles niya dahil naka muscle tee siya. Bagay naman sa katawan niya dahil sakto lang siya, hindi sobrang taba at hindi sobrang payat.

"What are you cooking?" Tanong niya sa akin at umupo siya sa counter table.

"Just boiled egg." Sagot ko naman.

"Add one for me." Sabi niya kaya kumuha pa ako ng isang itlog sa ref at nilagay ko na sa pot na may tubig, buti na lang hindi pa kumukulo at sobrang init ng tubig.

Umupo ako sa counter table pero nakaharap ako sa kanya. Busy siya sa phone niya.

"Mabuti at lumabas ka?" Out of nowhere kong tanong sa kanya. Binaba niya phone niya at tinignan ako, oh those almond eyes.

"Ulit-ulit na lang 'yong mga pinapanood nila." Sabi na eh, ako rin nag sawa na dahil palaging Taken ang pinapanood nila. Naaamaze raw sila kay Liam Neeson.

"Can't blame them, they're too amazed at Liam Neeson." Sagot ko sa kanya.

"Yeah, right. By the way, manonood ba kayo mamaya?"

"Yes, you guys need our support. Sasabay kami sa inyo papasok ng school."

"Baka mainip kayo dahil mamaya pang hapon ang laban namin." Well, he has a point.

"Kausapin ko muna sina Lilac kung ano ang balak nila. For me, okay lang kahit 11am or 12pm na kami pumunta ng school." Sabi ko sa kaniya tapos tumayo na ako para tignan 'yong mga niluluto ko. Chineck ko time, three minutes pa lang ang nakakalipas, ganoon ba kami kabilis mag-usap? 'Yun na 'yon? Gumawa na lang ako ng ice bath para sa mga itlog.

Noong natapos na ako gumawa ng ice bath, inaantay ko na lang maluto 'tong mga itlog na 'to pero siyempre sumusulyap ako kay Kuya Ethan, focus ulit siya sa phone niya. Nag phone na lang din ako, tamang check lang kung may kailangan gawin. Ayon, nag send ka group ko sa isang subject kung ano gagawin namin sa sabado pero pwede na raw gumawa ng concept. Nag seen na lang ako, mamayang gabi na lang ako mag-iisip. Kung balak nila mag overnight ulit, pass na muna ako.

Noong naluto na 'yong mga itlog, nilagay ko sila agad sa ice bath at kumuha ako ng dalawang maliit na plato at isang pinakamaliit na plato para sa asin. Binalatan ko na rin 'yong kaniya noong okay na balatan kaya dinala ko lahat sa counter table.

Binigay ko sa kaniya 'yong kaniya, "Thank you!" Sabi niya pero naka focus pa rin siya sa phone niya kaya hinayaan ko na lang at nag start na ako kumain. Minadali ko na lang dahil huhugasin ko pa ang mga iniwan nilang pinaglutuan tas skin care pa ako.

Natapos na ako kumain kaya nag simula na ako mag linis ng mga pinaglutuan at pinag-kainin namin.

"Tulungan na kita!" Biglang sabi ni Kuya Ethan kaya nilingon ko siya.

"Hindi na! Asaan na 'yong plato mo?" Ayaw niya pa bigay eh. Hays.

"Ako na mag huhugas!"

"Ako na! Ikaw na mag banlaw nito. Nasaan na?" Mabuti at binigay niya na plato niya. Tapos ko na sabunin lahat kaya siya na bahala mag banlaw.

One More ChanceWhere stories live. Discover now