Chapter 13

5 1 1
                                    

Next week pasukan na namin kaya nandito kami ngayon sa school para i-check kung ano ang section namin. Kinakabahan nga mga kasama ko dahil baka hindi raw kami mag kakalase at hindi nila tinignan ang student portal kaya mas lalo silang kabado. May pasok na sina Ate kaya kami na lang walo ang magkakasama. Si Eros ay nasa bahay, kami na lang titingin ng section niya.

Hindi na namin sinama dahil medyo maulan, baka magkasakit pa siya. Dahil maulan, naka hoodie ako ngayon tapos pants at slip-on slippers. Sinita pa nga ako bakit daw ako naka slippers eh sinabi ko maulan, mabuti na lang pinapasok ako. Sa aming walo, ako lang ang naka slippers, lahat sila naka sapatos. Malala, naka white shoes pa ang iba kaya ingat sila sa mga putik.

Agad ako pumunta kung saan nakapaskil mga list of sections and students. Nakita ko na sa portal kagabi section ko, clarify ko lang para sure. Kaklase ko ulit 'yong tatlo. Bumalik na ako kung nasaan sila, hindi sila makatingin dahil medyo maraming tao. Nakipagsiksikan lang ako kanina para makita section ko.

"Ano section mo?" Tanong sa akin ni Lilac na halatang gusto na tignan ang section niya.

"Maya ko na sabihin kapag nalaman n'yo na section n'yo." Iniwan ko sila saglit doon dahil pumunta muna ako sa canteen just to buy refreshments. Mabuti na lang may creamy ube na drink at 'yon na lang binili ko. Pina large size ko na dahil panigurado ako na makiki-inom sila.

Bumalik ako sa pwesto namin kanina at wala akong nadatnan doon, baka tinignan na siguro section nila kaya dito na lang ako nag hintay.

Nauna kong nakita na pabalik si Kuya Ethan sa pwesto kung nasaan kami kanina. Agad naka lahad ang kamay niya at alam ko na ibig sabihin niyan, gusto niya maki-inom. Binigay ko naman agad at kinuha niya rin naman at tumabi siya sa akin.

Binigay niya rin agad ang binili ko katapos niyang uminom at sinabi na kaklase ko raw sina Lilac, so nalaman na nila. "Sina Kuya kaklase mo?"

"Oo, kaming apat magkakasama ulit." Sabi na niya na nakatingin sa akin. Matunaw ako sige! Joke.

"Sa college lang talaga kayo magkakahiwalay."

"Ayos na rin 'yon, medyo nagsasawa na ako sa mga mukha nila."

"Marinig ka nila niyan."

"Joke lang! Siyempre mamimiss ko rin kasi madalas sila lagi ka group ko atsaka sila rin madalas kasama ko kahit na kaclose ko 'yong iba sa mga kaklase namin. Iba pa rin kapag sila ang mga kasama ko."

May point naman siya kasi mahirap mawalay sa mga kaibigan mo simula bata ka pa lang at magkakasama na kayo simula bata pa. Kaya hirap na hirap kami nina Kuya iwan ang mga kaibigan namin.

Bumalik na rin ang iba naming kasama at tuwang-tuwa naman sina Lilac dahil magkakasama kami ulit. Medyo malungkot ng kaunti si Ara dahil iba ang section ni Rad pero ka building naman namin. Si Lilac naman ay natuwa dahil katabi lang na room nina Kuya si Archer kaya parang mapapadalas kami sa room nina Kuya. Si Louise ay medyo dismayado dahil hindi same ng floor sina Kuya at Tyron.

Si Ram (tanging ka-edad ko sa mga pinsan ko na kasama namin sa iisang school), hindi ko rin kaklase dahil ibang strand ang kinuha niya pero napag-usapan namin na swap kami ng libro kapag 2nd semester na. Pumunta naman kami sa may building nina Eros para tignan ang section niya. Paniguradong matutuwa siya dahil kaklase niya ulit si Pysche!

Namili ulit kami ng school supplies sa may malapit school pero hindi na namin kasama sina Lilac at Ara dahil may 'friendly date' sila. Kaunti lang ang mga binili ko dahil hihintayin ko na lang muna mga iba pang requirements sa amin ng mga teachers namin. Bibili sana kami ng mga pads namin sa school kanina kaso madaming nakapila kaya tinext na lang namin mga kapatid namin, mabuti naman at pumayag sila. Mas marami pa silang nabili, akala mo hindi nag shopping sa nbs noong minsan.

One More ChanceWhere stories live. Discover now