Chapter 16

4 1 0
                                    

"Tayo na riyan, Althea. Uuwi na tayo."

Kitang kakahiga ko pa lang sa bleachers eh. Hindi ko na kaya mag hilamos, bwisit na 'yan. Buong game kanina, naglalaro ako. Ayaw ako ipa-sub. Ang galing lang, pero nanalo naman kami, sina Grace kalaban kaso hindi naman siya ipinasok sa game kung hindi baka sa kaniya ko ibigay palagi ang bola. Nanood kasi sina Kuya Ethan kanina kaya enjoy na enjoy siya. Tsk.

Tinulungan naman ako maka-upo ni Kuya. "Bakit ba kasi hindi ka nag pa-sub?"

"Ayaw siya i-sub, Kuya tapos sa kaniya lagi binibigay ang bola." Si Lilac na ang sumagot para sa akin.

"Nandiyan naman kayo, magagaling naman kayong players bakit hindi kayo pinapasok? Tara na uwi na tayo." Mabuti na lang tapos na game ni Kuya kaso may game sina Kuya Ethan sa loob ng gym...

"May laban sina Kuya Ethan.."

"Mahihintindihan naman nina Kuya kung hindi ka makakanood."

"Tama si Louise, atsaka nakita naman nila na pagod na pagod ka na. Gusto ka pa lapitan ni Kuya kaso kailangan na nila mag drills."

"Sige na nood na kayo sa loob, ako na muna bahala kay Althea." Umalis na rin sina Louise at pumunta na sa loob ng gym.

"Humiga ka na muna riyan, kung ayaw mo umuwi. Kapag ayos ka na, uwi na tayo." Humiga ako ulit sa bleachers, ginawa ko na lang na unan 'yon bag ko. Pinapaypayan pa ako ni Kuya.

"Bukas sa laban n'yo, mag pa-sub ka na. Pinag-alala mo kaming lahat. Bakit naman kasi ganoon si coach. Pwede naman niyang ipasok sina Alliah."

Ang sweet naman ng Kuya ko, "Uy si Ate Alliah ang binaggit."

Tingnan ako ng masama, "Sa dami ng sinabi ko, 'yon pa talaga ang pinansin mo ah? Pero ang galing naman kasi ng iba sa inyo, bakit hindi sila papaglaro?"

"Naiintindihan ko naman si Coach, malakas mga kalaban namin kanina. Narinig ko na may former varsity pala roon sa kalaban namin kanina."

"Kaya naman pala pero bukas mag pa-sub ka na ah? Oh jowa mo nandito na." Nakita ko na papunta sa pwesto namin si Kuya Ethan, may laro 'to ah?

Bigla naman umalis si Kuya, bibili raw ng pagkain kaya si Kuya Ethan ang pumalit sa pwesto niya.

"May laban ka hindi ba?"

"3rd quarter pa ako ipapasok. Kakasimula pa lang ng 2nd quarter. Ayos ka na ba?"

"Medyo, pagod lang talaga."

"Hay, bukas mag pa-sub kana ah?"

"You sounds like Kuya."

"Lahat kami ganoon ang gustong sabihin sa'yo. Alam namin na nag eenjoy ka sa paglalaro pero bigyan mo ng pahinga muna ang sarili mo."

Kinuha ko ang kamay niya at pinisil-pisil. "I will and I'm sorry for making you guys worried."

"That will be the last time ah?" Tumango ako sa kaniya. Hinuli naman niya ang kamay ko na hawak ang kamay niya kaya ayon, holding hands kami. Mabuti na lang wala masyadong tao.

"Galingan mo mamaya ah?"

"Siyempre naman! Don't you trust me?"

"Alam ko paano ka mag laro at may tiwala ako sa'yo. Sa mga kalaban n'yo lang wala." Natawa pa siya sa sinabi ko at inalis niya sa pagkaka holding hands ang mga kamay namin. Nagtaka ako kung bakit dahil inilagay niya 'yon sa buhok ko, gusto niyang nilalaro ang buhok ko.

"I think you should stop calling my name with Kuya."

Napakunot ang ulo ko, "Why?" Eh doon ako sanay?

"Wala lang, mas gusto ko kasi na pangalan ko lang ang tawag mo sa akin."

One More ChanceWhere stories live. Discover now