Chapter 24

3 0 0
                                    

May na nakarating dito sina Ate at pinagpahinga na muna namin sila. Kasama ko na matutulog sa kwarto ko si Bianca. Tapos kasama ni Kuya si Ramesses tapos kasama naman ni Ate si Ate Beatrice. May guest room naman kami kaso isa lang at doon sina Tita Roseanne mag sstay. Mabuti na lang kaya ko i-balance pag-aaral ko kasi nag-aaya sila na umalis. Ilibot daw namin sila sa Alberta kaya sa Banff kami punta at sa iba pang lugar na napuntahan na namin. Kumain kami sa mga kainan kung saan kami palagi kumakain dahil sa masarap nilang poutine.

Ganoon lang naging routine ko noong nandito sina Bianca, after class. Gala agad, wala naman silang magawa sa bahay namin kung hindi manood. Hindi sila sinasama sa business nina Tito Benedict dahil hindi pa tapos pero malapit na kaya pupunta kaming lahat. Mabuti na lang at Sabado 'yon kaya makakasama kami ni Kuya.

Kami ni Ate ang nag ggrocery ngayon para sa bahay, hindi sila sumama dahil pagod tapos si Kuya ay nag-aaral.

"Kumusta sila, Ate?" Ngayon ko lang ito natanong kay Ate simula noong nakarating siya rito.

Nilingon niya ako, "Okay naman sila, mas naging busy na dahil college na lahat tapos madalang na lang sila umaalis dahil maraming ginagawa."

Oh, kaya pala madalang ko na lang makita na magkakasama sila sa mga IG stories nila.

"Oh, kamusta naman siya?" Gets naman ni Ate kung sino ang tinutukoy ko.

"Bago ako umalis, ayos naman siya. I heard nag momove na siya, 'yon ang sabi sa akin ni Lucas. Nasabi raw ni Luther sa kaniya."

Oh, move on? Good for him, para hindi na siya nasasaktan sa mga nangyari sa amin. Kailangan niya 'yon, kailangan niya maging masaya.

"Bakit ka ba kasi nakipag-hiwalay?" Tanong sa akin ni Ate.

Hindi ko na lang siya sinagot at tinulak na ang cart papunta sa mga chips. Ayaw ko na sagutin 'yong mga tanong na ganoon, ayaw ko na ulit maalala 'yong katangahan ko. Gusto ko naman i-tama pero nag momove on na siya. Ayaw ko na siyang guluhin kahit gusto ko siyang maka-usap. Kailangan kong tiisin ang desisyon na ginawa ko.

Nag bus lang kami pa-uwi dahil ginamit ang mga sasakyan namin. Karating namin sa bahay, naabutan namin silang nanonood pa rin. Nag luto na lang kami ni Ate ng dinner namin. Hindi pa makakapag work si Ate, hinihintay niya 'yong business nina Tito Benedict. Alam ko nakapag send na siya ng resume.

May kumatok sa pinto namin at si Ate na ang tumingin kung sino dahil busy ako sa pag hiwa ng mga gulay.

"Uh, Althea ikaw ang hinahanap.." Sabi ni Ate sa akin noong kabalik niya.

Kumunot naman ang noo ko, sino naman ang maghahanap sa akin? Imposibleng sina Felicity dahil alam nilang hindi ako pwedeng umalis. Nag hugas na muna ako ng kamay bago tignan kung sino ang nasa labas.

"Parang may kamukha siya..." Si Ate.

Nilingon ko siya, "Sino?"

Agad na ako lumabas noong sinabi niya kung sino ang kamukha noong nag hahanap sa akin sa labas.

Binuksan ko ang pinto at nabigla ako sa nakita ko. Siya 'yong nasa picture sa bahay nina Tita! Naka-uwi na pala!

"Uh, hello." Bati ko sa kaniya.

Kamukha niya talaga si Tita Audrey pero tama rin si Mama na katindig niya si Tito Apollo. Clean cut, soft features kasi kamukha niya si Tita Audrey. Makapal ang kilay, oval shaped 'yong mga mata tapos matangos ang ilong at tama lang ang nipis ng kaniyang mga labi. Parang boy version ni Tita Audrey talaga pero nakuha niya ang shape ng mukha kay Tito Apollo na ngayon ko lang napansin dahil sa jawline niya.

"You must be Althea, right?" Oo nga pala matagal na ito sa Canada kaya hindi na nagtatagalog.

"Yes, my sister told me that you are looking for me?"

One More ChanceWhere stories live. Discover now