Chapter 4

7 1 1
                                    

For the past few weeks, naging busy kami halos dahil exam pa namin at kailangan pang maghabol ng mga lessons at maraming pinapagawa kaya hindi na kami nakakalabas. Minsan sabay-sabay kumakain pero madalas hindi na dahil iba-iba kami ng sched kapag kakain, minsan recess minsan lunch.

Noong exam hindi rin kami masyadong nagkakasama dahil after exam, doon namin ginagawa mga kailangan namin ipass. Kapag nagrereview, sa bahay kami nila Ara dahil may library sila at kailangan namin aralin ng maayos ang Math at Science. Sina Kuya naman doon sila bahay, tahimik din doon eh. Medyo stress sila sa Chemistry dahil Organic Chemistry ang topic tapos Calculus pa.

Nakapag paalam na rin kami ni Kuya, mabuti nakausap na nina Kuya Ethan 'yong Tita nila, may restaurant naman daw doon sa resort kaya bibili na lang daw kami ng mga pagkain sa palengke o grocery kung kinakailangan. Dalawang araw kami walang pasok dahil NCAE ng mga Grade 9 at sakto pa na Intramurals nina Kuya, hiwalay kasi intramurals nila sa amin pero same department kami.

"GO KUYA LUTHER!" Support ni Louise sa Kuya niya, kasali siya sa first five ng basketball boys ng team nila. Si Kuya Ethan mamaya pa ata. Sina Kuya Ares at Ate Alliah nag ppractice para sa laban nila mamaya. Wednesday ngayon, mabuti na lang half day kami at walang gagawin sa mga ibang kailangan ipass, sa Saturday na lang daw gawin dahil pahinga raw muna ng dalawang araw.

Medyo naging mainit ang laban dahil magaling din ang mga kalaban nila, may former varsity kasi kaya magaling din pero siyempre magaling team nila Kuya Luther. Siya nga ata pinakamatangkad sa kanila, 5'9ft. I think? Tapos 5'8 ata si Kuya Ethan? Basta medyo same height sila ni Kuya Ares eh. Halos kami rin matatangkad dahil mga parents namin matatangkad din kaya napasa sa amin.

Halos si Kuya Luter nakakapuntos kaya lamang sila ng lima. Pero humahabol 'yong kalaban nila. Hawak ni Kuya Luther 'yong bola tapos dinala niya sa court nila, ititira na niya sana kaso na foul pa siya kaya asar na asar si Louise.

"Ano ba 'yan!" Reklamo ni Louise.

"Hayaan mo na, Louise." Sabi ni Lilac kay Louise. Tinignan siya ni Louise, "Crush mo kasi 'yong naka foul kay Kuya eh." Saan na pupunta 'to.

Sumabat na ako, "Hayaan mo na Louise, part naman ng game 'yon atsaka tignan mo," tinuro ko 'yong court kung saan naka tayo si Kuya Luther, "May free-throw naman si Kuya Luther." Hindi na lang siya kumibo at nanood na lang. Alam ko protective siya sa Kuya niya pero part 'yon ng game. Nakapasok naman mga free-throws ni Kuya Luther kaya masaya ulit si Louise.

Kinuha ko phone ko dahil nag vibrate. May text si Kuya Ares, puntahan ko raw siya sa court ng volleyball. Hindi na ako nag reply dahil nag-ayos na ako, kinuha ko 'yong wallet ko sa bag. Phone at wallet lang dala ko.

"Punta lang ako volleyball court." Paalam ko sa kanila. Tumango na lang sila dahil busy sila nanonood. Bumaba na ako bleachers para puntahan si Kuya. Kaagad ko siya nakita sa volleyball court kalaban ko ng gym. Tapos na ata sila mag pratice, 3pm pa ata laban nila kaya wala nanaman 'tong magawa.

"Bakit?" Tanong ko sa kanya noong nakalapit na ako sa kanya. Inakbayan niya ako at pumunta kami ng canteen. Dala niya pa mga gamit niya. Umupo kami sa available na upuan.

"Oh bakit?" Tanong ko ulit sa kanya. "Ayaw ko mag laro ngayon." Sagot niya. Huh?

"Bakit naman?" Last week pa 'to excited mag laro tapos ngayon aayaw?

"Wala akong gana." Luh? Napapano naman 'to?

"Huh? Teka nasaan ba si Ate Alliah?" Hindi ko siya nakita noong pinuntahan ko si Kuya sa court.

"Nanood sa laro nila Luther." Okay, kaya pala nawalan ng gana manood. Selos siya

"Selos ka? Hayaan mo na muna si Ate Alliah, hindi mo naman kontrolado ang nararamdaman niya. Mabuti pa, impress her later sa game n'yo." Tumango na lang siya sa sinabi ko.

One More ChanceWhere stories live. Discover now