Chapter 33

6 0 0
                                    

January the following year ko pa lang naka-usap si Felicity dahil busy rin siya. Sa Hinton na kasi siya nag ttrabaho. Mga pasalubong ko sa kaniya noong galing kaming Pilipinas ay naibigay ko na, pinasuyo ko kina Serena at Dom.

Sinabi niya na siya 'yong may mali dahil agad agad na siyang nag conclude. Kahit na gusto niya ako mag explain, hindi pa rin niya ako pinaniniwalaan. Hindi niya lang daw kasi inaasahan na ganoon pala si Harper.

Sinabi ko naman sa kaniya na kaya ako agad umaalis kapag nakikita ko sila o umiiwas dahil naiilang ako kay Harper. Akala niya gusto ko si Harper pero inisip niya rin na mahirap palitan si Ethan.

"I'm so sorry for what I did last time. Ang sakit lang kasi dahil may tao nanaman na nanloko sa akin. Palagi na lang ganito, nakakasawa na."

Niyakap ko ng mahigpit si Fely, "Shh, everything will be okay.. Nandito lang ako, okay? Those boys, you don't deserve them. Darating din ang lalaking para sa'yo. Just wait, Fely. God knows when."

"Thank you. Hindi ko alam kung deserve pa ba kitang kaibigan dahil sa ginawa ko sa'yo."

"Ano ka ba, deserve mo ako siyempre. I understand your feelings even though I doubt you. Kasi alam mo naman kung sino pa rin ang mahal ko pero pinagpipilit mo na nilalandi ko si Harper."

"I'm sorry... Sa totoo lang, gusto na kita maka-usap after nang nangyari kaso ayaw ko naman guluhin ang vacation niyo sa Philippines. Kaya sinabi ko na lang kina Serena na kakausapin kita kabalik mo rito."

"Pwede mo naman ako kausapin eh."

"Mas maganda kung pag-uusapan natin ito sa personal."

Kung sabagay, may point siya.

Kinwento ko rin sa kaniya ang mga nangyari noong nasa Pilipinas kami. Pinakita ko rin sa kaniya ang mga pictures ng kambal. Tuwa nga siya dahil ang cute raw, which is true.

"May picture ka ba ng Tatay nila? Baka sakaling makita ko. Tapos ma-inform kita."

Pinakita ko ang picture ni Archer at minemorize na niya ang features ni Archer. Nasabi pa nga niya na kamukha raw ni Archer si Lumiere.

Nag bonding lang kami ni Felicity dahil ang tagal na rin naming hindi magkasama. Nag-aaya nga siya mag bar pero sinabi ko na hindi ako pwede dahil nag-iipon ako. Sinabi naman niya na bili na lang siya ng wine tapos inom daw kami sa amin. Pumayag naman ako dahil walang tao sa bahay, nasa work pa sila.

Sumunod din sina Dom at Serena na may dala ring wine at iba pang mga pagkain. After ilang months, kompleto na kami ulit at ayos na kami ni Felicity.

Ang gaan sa pakiramdam kapag ayos na kayo ng kaibigan mo dahil mas pinili niyo na ayusin ang isang problema kaysa pabayaan ang friendship niyo. Natagalan man pero naayos din namin. Ang sa amin ni Ethan, hindi ko na alam anong mangyayari roon. Masyadong magulo na hindi ko na alam kung kailangan ko pa ba siyang kausapin. Hindi man lang siya nag sorry sa akin dahil sa pagpapakilala niya sa akin kay Engineer Tan.

Pwede naman niyang sabihin na 'kaibigan namin' o baka ayaw niya lang ako na ipakilala bilang kaibigan niya kasi ex niya ako?

Nakakagulo na ng utak, ang ayos namin mag-usap bago mangyari 'yon eh. Masakit din sa pakiramdam kasi parang wala kaming pinagsamahan. Parang hindi rin kami naging mag kaibigan bago naging kami as official boyfriend-girlfriend. Ngayon lang ako sobrang nasaktan ng ganito at siya ulit ang dahilan. Palaging siya ang dahilan kung bakit ako nasasaktan, pero ito na ata ang parusa ko sa ginawa ko sa kaniya...

Napa-iling na lang ako at nag focus na sa work. Kailangan kong ayusin ito para ma-promote na ako. Joke.

Lunch time, dito lang ako kumain dahil nagbaon naman ako ng lunch ko. Off ni Ate kaya wala siya ngayon.

One More ChanceWhere stories live. Discover now