Chapter 29

4 0 0
                                    

We just spend the night drinking and talking, naka-ilang wine bottle na kami. Nagrereklamo nga sila na sana nag whiskey na lang kami. Hindi kasi pinayagan dahil kay Kuya Luther, nag lasing daw kasi noong minsan kaya ayon.

Kailangan lang uminom kapag nandiyan na mga magulang namin. Speaking of parents, hindi naman pala sila pauwi na talaga. Nag decide na sila na bukas na umuwi noong kakatext lang nila sa amin na pauwi na raw sila. Minsan, hindi ko na alam ano trip ng mga magulang namin. Ang bilis mag bago mga desisyon.

Nag-aya sila na mag truth or dare, pumayag naman ang lahat. Si Eros ay nasa bahay na nila, hinatid kanina ni Ethan dahil may pasok pa siya bukas. Sinabi ko naman na maabutan niya pa ako dahil gabi pa naman ang flight ko.

Si Kuya Luther na ang nagpa-ikot at agad tumama sa akin.

"Truth or Dare?"

"Truth na lang." Bigla ako kinakabahan noong nag smirk siya. Ano nanaman itatanong nito?

"Did you regret what you did 4 years ago?"

'Yan pa talaga ang tinanong, pero sasagutin ko. "Oo naman, marami akong nasaktan dahil sa ginawa ko."

Tumango lang si Kuya Luther at sinenyasan ako na ikot ko na ang bote at tumapat kay Lilac. Tinanong ko lang kung ano na ang plano niya sa buhay niya. Amaze kaming lahat sa sagot niya, then may mga sinabi kami sa kaniya na ikina-iyak niya. Tears of joy lang naman.

After ni Lilac ay si Ara, nag truth lang din at nag tanong about sa lovelife. Ayon balak na raw sagutin 'yong manliligaw niya. Ganda nga ng love story ni Ara, puro kaklase nagugustuhan. Sumunod si Ate Alliah na nag dare at ang pinagawa ba naman ni Ara ay halikan sa pisngi si Kuya. Ginawa naman ni Ate Alliah at namumula ngayon si Kuya. Hindi sa wine, kung hindi sa halik ni Ate Alliah.

Tumapat na susunod kay Ethan, dito na ako kinabahan. "Truth," Sagot niya.

"Nagsisi ka ba na minahal mo si Althea?"

Natahimik ang lahat sa tanong ni Ate Alliah, kinakabahan ako na nanlalamig kamay ko. Bakit 'yon pa ang tanong?

"Yes, I regret that I loved her..." Deretsahang sagot niya.

Ang sakit lang, sabagay sinaktan ko eh. Ano pa ang aasahan ko? Hindi siya magsisisi?

"What?!?" Si Lilac.

"Seryoso ka?" Tanong ni Kuya.

"I just answered the question honestly. If you are pissed, then it is not my fault anymore. I'm going home, Eros needs me." Kinuha na niya ang mga gamit niya at tumayo na para umuwi.

Hindi ko alam bakit ako tumayo para sundan siya. "Ethan!" Tawag ko sa kaniya. Tumakbo pa ako para lang mahabol siya. Umabot na kami sa labas ng bahay nina Louise.

Tumigil ako noong nilingon niya ako, "What do you want?" Malamig na tanong niya.

"Did you really regret loving me?"

"Hindi mo ba narinig ang sagot ko?"

Natahimik ako sa sinabi niya, namumuo na sa mga mata ko ang mga luha ko pero hindi ko alam anong pumasok sa isipan ko bakit ko ito tinanong sa kaniya, "W-wala na ba talaga tayong chance na magkaayos?"

Tumawa siya ng mapakla, "Chance? Huwag ka ng umasa pa, Althea dahil hindi na rin kita mahal! Iniwan mo na ako hindi ba? Bakit ka pa bumalik?"

Yumuko na ako dahil tumulo na ang mga luha ko pero pinunasan ko agad, "Hindi ko ginustong iwan ka. Gustong-gusto kong sabihin sa'yo na aalis na kami pero ang hirap! Ayaw kitang iwan at ayaw kitang masaktan! Pero, nasaktan pa rin kita! Tatlo ang binigay kong sakit sa'yo kaya hindi na dapat pala ako humihingi ng chance."

One More ChanceWhere stories live. Discover now