Prologue

11 1 1
                                    

"Are you sure you are leaving?" Ara asked me for the nth time. My other friends are just staring at me after they cry because I'm leaving. We are leaving.

"Yes, gusto ko man mag stay pero maganda na buhay ni Papa sa Canada kaya gusto niya na kami kunin."

It really hurts when you are leaving your beloved friends, family, country where you were born and especially your boyfriend.

"Ang hirap tanggapin na aalis ka, Althea. Sobrang hirap. Akala ko ba sabay-sabay tayo na magiging Doctor?" Si Lilac mas umiyak sa kanilang tatlo. Wala eh, she really treasures our friendship. Since kinder kasi magkakasama na kaming apat tapos same village pa.

"Pwede naman sabay-sabay kung babalik agad si Althea." Sana nga Louise, sana nga makabalik ako agad para sabay natin matupad ang mga pangarap natin na maging Doctor.

"Hindi ako sigurado kung makakabalik kami agad kasi roon na ako mag-aaral talaga at magttrabaho. Ayaw ko naman kasi sabihin na uuwi kami rito kapag tapos na trabaho ni Papa roon kasi hindi pa sigurado lahat. Gustong-gusto ko na matupad natin 'yong mga pangarap natin. Maipapangako ko lang ng sobra ay bibisita pa rin kami rito basta may budget na kami." Naluha nanaman sila.

Nagpipigil lang ako na umiyak kasi mas lalo silang iiyak. Ayaw ko noon lalo na't na sa labas lang kami ng classroom namin. Simula kinder hanggang ngayon na grade 12 magkakasama kami. Sabay kaming nag-grow up. Lahat sabay. Halos walang secrets sa isa't-isa. May mga away naman pero naaayos namin dahil kung hindi namin aayusin, paano na kami mag-ggrow up at paano ang pagkakaibigan namin.

"Basta tatawag ka ah! Messenger! Telegram! Instagram! Facetime! Basta walang mawawalan ng communication!"

"Oo naman Ara, parang wala akong phone ah? Parang mawawalan ako ng social media pagdating ko sa Canada?"

"Basta ah! Mag-uusap pa rin!"

"Oo na oo na Lilac wag ka na umiyak baka mag-taka mga kaklase natin bakit ka umiiyak." Salamat naman at tumahan na siya.

"Alam na ba ni Kuya Ethan ito?" Louise asked me.

"Hindi pa--" Ara cut me off.

"Ha?! Sabihin mo na! Boyfriend mo 'yon kaya dapat alam niya!" Chill Ara, sasabihin ko rin.

"Sasabihin ko naman pero hahanap ako ng oras. Hindi maganda lalo na busy siya." Sabi ko naman. Busy siya kasi 1st year college na, kaya I let him focus on his studies. College is really hard kaya minsan ang haggard na ni Ethan kasi minsan wala siyang tulog.

"Hindi naman busy si Kuya, mahal ka nun kaya maglalaan siya ng oras para sa'yo." Kapatid ni Lilac si Ethan kaya ayon. Childhood lover, joke may nauna pa kasi sa akin bago ako. For me he is my first love. Bata pa lang kami, crush ko na siya kaso may iba siyang crush noon. 'Yon din 'yong first girlfriend niya na si Grace. Same school pa kaming lahat.

"I'll talk to him once he's okay with his studies." Napatango nalang sila sa desisyon ko. It's really hard kasi iniisip ko na baka makipag break siya sa akin o baka nga makahanap siya ng iba o hindi niya ako paalisin.

Class is dismissed at na sa labas ako ng room namin habang inaantay ko sina Lilac dahil nag-aayos pa sila sa loob. Since it's Wednesday and half day kami, we plan to eat lunch outside of school. Since I'm leaving, medyo matagal pa naman pero sinabi nila na sinusulit na nila kasi alam nila medyo magiging busy ako kakaayos nang mga papers and the like.

Busy si Ethan kasi may mga afternoon schedule pa sila at may gagawin pa sila for some projects. Busy din sa mga studies sina Ate Alliah at Kuya Luther dahil college na rin sila kagaya ni Ethan kaso iba-iba sila ng course na kinuha. Si Kuya Ares nag stop na muna dahil sa Canada na lang siya mag ccollege pero ang pinalabas na dahilan ay may financial problem kami. Medyo chill pa kami kasi hindi pa nagpapaulan ng mga projects ang mga teachers namin.

One More ChanceWhere stories live. Discover now