Chapter 9

5 1 0
                                    

Back to school ulit dahil tapos na ang Christmas break. Nasa room lang ako, may inaayos lang sa paper namin kasi ipapacheck namin mamaya. Mga kaibigan ko ay nasa canteen, kumakain na ng lunch kasama sina Kuya.

Hindi na ako sumabay dahil may baon naman ako na tinapay, ayos na sa akin 'yon atsaka wala akong oras mag lunch lalo na may inaayos pa ako sa laptop ni Lilac, ka group ko siya dahil alphabetical ang groupings. Kinuha ko na lang ang ginawa kong sandwich kanina sa bahay, kinakain ko 'yon habang inaayos ko ang chapter 3 ng paper namin.

"Hey." Isang pamilyar na boses ang narinig ko kaya lumingon ako. "Oh, Kuya Ethan." Napatingin ako sa dala niya, dalawang cup ng rice meal?

"Hindi ka raw kakain ng lunch?" Tanong niya at umupo siya sa tabi ko. "Hindi na eh, ayos na ako rito sa sandwich atsaka may tinatapos ako."

"Kain ka muna, ayan pinabili ng Kuya mo tapos ako pa ang inutusan na sabayan ka kumain." Sabi niya. Ano nanaman trip ng Kuya ko.

"Hala pasensiya na ikaw pa ang inutusan ni Kuya pero salamat ah." Sabi ko naman at inubos ko na ng tuluyan ang sandwich ko. Binigay niya sa akin ang rice meal na ang ulam ay sisig.

"Wala 'yon. Ano ba 'yang ginagawa mo?" Tanong niya sa akin.

"Inaayos ko lang chapter 3 namin kasi ipapacheck namin mamaya. Tinulugan ko kagabi, hindi ko tuloy natapos." Paano ba naman ay 11pm na kami nakauwi kagabi dahil kakauwi lang nina Ara galing LA tapos pinapunta niya na agad kami sa kanila para makuha agad mga pasalubong namin.

"Oo nga pala late na nakauwi kagabi. Nasaan pala 'yong crush ni Ara?"

"Ang chismoso ah?"

"Uy hindi! Curious lang!" Tinuro ko sa kaniya si Rad na nasa may pinto, kausap mga kaibigan niya. "Hmm okay okay approved."

"Anong approved naman?" Tanong ko sa kaniya.

"Wala wala." Sagot niya at kumain na lang siya.

"Approved approved ka diyan eh friends pa lang naman sila ni Ara." Sagot ko. Nakalahati ko na pagkain ko kaya huminto na muna ako at nag-ayos ulit.

"Friends pero nag ddate?"

"Friendly date kasi." Sagot ko habang nakatingin sa screen ng laptop. "Fine fine." Binaba niya na ang cup ng rice meal niya, naubos na niya ata.

"Ano pala balak n'yo sa University days?" Tanong niya sa akin kaya nilingon ko siya tapos kinuha ko na rin 'yong pagkain ko at kumain ulit. Tinapos ko muna ang kinakain ko bago sumagot, "Depende pa kung may kailangan gawin pero kung wala naman baka mag attend kami nina Louise, kayo ba?"

"Ganoon din pero kung wala, sama-sama na lang tayo tapos attend tayo ng medyo maaga."

"Lagi naman tayong sama-sama eh pero sige sabihin na lang natin sa kanila." Tumango na lang siya sa sinabi ko tapos kinuha niya 'yong laptop sa table ko tapos nilagay niya sa table ko 'yong cup ng rice meal niya tapos nilagay niya ang laptop sa table niya.

"Ano gagawin mo riyan?" Tanong ko sa kaniya. "Kay Lilac naman 'to hindi ba? Palaro lang kamo." Nag laro siya ng Solitaire kaya hinayaan ko na lang at nag focus na lang ako sa pagkain ko. Katapos ko kumain ay tinapon ko na ang cup ko sa basura, sinabay ko na rin ang kaniya.

Bumalik ako sa pwesto namin at focus pa rin siya sa paglalaro. Uminom na lang ako ng tubig tapos nag offer din ako sa kaniya.

"Kuya, water?" Kinuha niya na lang ang water bottle ko na hindi ako tinitignan tapos uminom na siya at uminom pa niya kung saan ako uminom! Okay walang malisya pero crush ko eh! Indent kiss! Joke.

Binalik niya na sa akin pero this time naka tingin na siya sa akin, "Thank you." Tinanguan ko na lang siya at kinuha na ang water bottle ko tapos nilagay ko na sa bag ko.

One More Chanceजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें