Umiwas siya ng tingin sa kaibigan at nakatulalang napatingin sa puting pader na nasa kan'yang harapan. Nang maalala ang senaryong nakita niya sa penthouse ni Zairus ay tila sinasaksak nanaman ang puso niya nang makailang beses. Patunay lamang iyon na kahit wala na si Lena ay hindi pa rin siya magagawang mahalin ng lalaki. Marami pa ring babae ang papalit sa kan'yang kaibigan. At wala siya sa option nito.

"Eya, nakapagpasya na ako." Muli niyang ibinalik ang tingin sa kaibigan. "Walang ibang makakaalam na buhay pa ang anak ko. If ever Zairus will know about my baby, gusto kong ang alam niya ay nakunan ako. I know it may sounds selfish, but I want to leave this country. I want to forget everything I did and live with my baby. Gagawin ko ang lahat maalagaan lamang siya, bagay na hindi ko nagawa kay Anzelm."

Tumango-tango ito. "Asahan mong karamay mo ako sa lahat ng plano mo sa buhay, L.A."

"Thank you," madamdamin niyang sagot.

Nag-stay pa siya ng isang araw sa General Hospital. The last advice of Dr. Suarez to her is to be extra careful. Sa paglabas niya sa nasabing hospital ay sinamahan siya ni Eya para dalawin ang isa sa importante sa buhay niya, matagal na niya itong hindi nadadalaw. Ang huling punta niya pa roon ay nang iburol ito.

Tila may bumara sa lalamunan ni Louisse. Kung hindi pa siya humugot ng malalim na hininga ay tiyak niyang kakapusin siya ng hininga. Kinagat niya ang ibabang labi at pigil niya ang pagtulo ng kan'yang luha.

Lumuhod siya sa harapan ng lapida at inilagay doon ang fresh na bulaklak na binili niya. Malinis ang lapida nang haplusin iyon ni Louisse, senyales na hindi iyon pinapabayaan. Natitiyak niyang si Eya ang nagpupunta roon para dalawin ito, bagay na hindi niya magawa dahil sa isang pangako. Ipinantirik niya ito ng kandila at taimtim na dinasalan.

Anzelm Alejo

Tuluyang pumatak ang kan'yang masaganang luha nang basahin ang pangalan ng panganay niyang anak.

"I'm sorry, baby. I'm sorry if it almost took me six years to visit you here. Alam ko naman kasing imposible na mahanap ko pa noon ang daddy mo pero sumugal pa rin ako. I promised you the day of your funeral that I'll bring him to you because I want you to know that we didn't make you out of mistake."

Tila tubig sa gripong sunod-sunod na pumatak ang kan'yang luha. Nag-uumpisa na ring gumaralgal ang kan'yang boses at nagtataas-baba na pati ang kan'yang balikat.

"Baby, I already found out who's your daddy. But I'm sorry if I can't bring him to you. I'm sorry if your mommy is being selfish again. This time, gusto kong mas protektahan ang kapatid mo. I promise you na hindi ko siya pababayaan. Kaya baby, guide us, okay? Sana habang nandyan ka sa itaas ay binabantayan mo kami. Always remember that mommy loves you so much."

Matapos niyang haplusin ang kan'yang tiyan ay inilapat niya sa kan'yang labi ang isang kamay at inihaplos iyon sa lapida ng unang anghel sa kan'yang buhay.

Tuluyan na siyang tumayo at nilisan ang lugar na iyon. Si Eya pa rin ang nag-drive ng sasakyan na pagmamay-ari ni Tonyo sa isang lugar na nais niya pang puntahan. Kahit gustuhin niya na sila lamang ni Eya ang makaalam tungkol sa kan'yang anak ay wala na siyang nagawa dahil bukod sa kanila ay alam na rin ni Tonyo ang kan'yang kalagayan. At kahit hindi ito magtanong sa kan'ya ay tila alam na ng lalaki kung sino ang ama ng kan'yang pinagbubuntis.

Nang huminto ang sasakyan sa harapan ng bilibid prison ay makailang beses pang humugot ng malalim na hininga si Louisse bago bumaba ng sasakyan. Eya was about to lowered down the passenger side front window, when she stopped her. "Ako na lang ang papasok sa loob."

"Are you sure? Sasamahan na kita."

Mabilis siyang umiling. Bago pa ito makababa ng sasakyan ay naglakad na siya papasok ng bilibid. Saglit lang siyang binati ng guwardiya na nakatoka sa front door at hinayaan na siyang dumiretso sa front desk. Binanggit niya sa pulis na naroroon kung sino ang kan'yang pakay sa lugar na iyon. Matapos tingnan nito ang mga kasama at ang logbook na hawak nito ay pinadiretso na rin siya ng mga ito sa visiting area. Ilang minuto pa ang hinintay niya bago nakita ang taong kan'yang pakay. Hawak ito ng dalawang pulis habang nakaposas ang dalawang kamay.

Nakita niya ang rekognasyon sa mga mata nito. Ganoon na lang ang pag-usbong ng galit sa puso niya nang ngumisi ito sa kan'ya bago naupo sa kan'yang harapan. "The news spreads so fast. Nalaman mo na pala na napakulong na ako ng magaling mong amo."

Hindi niya na napigilang maikuyom ang kan'yang kamao. Nagpapasalamat siya sa tulong ni Tonyo. Nang dahil sa lalaki ay nasa kulungan na si Rita, sa lugar na nababagay para rito.

"Bakit mo ginawa sa amin 'to ni Lena? Bakit pinaglaruan mo ang buhay naming dalawa? Anong ginawa namin sa'yo para iparanas mo sa amin 'to?"

Naglaho ang ngisi sa labi nito. "Oh akala ko ba alam mo na ang lahat? May parte pa pala sa katotohanan na inaalam mo ang nanatiling tanong pa rin sa'yo, Louisse?" may pangungutya sa boses nito, pero hindi siya sumagot.

Dahil sa kan'yang pananahimik ay nakita niyang bumakas ang galit sa mga mata nito. "Ang mga magulang niyo ang dahilan kung bakit hindi namin naayos ang alitan sa pagitan namin ng anak ko. Namatay siya ng may sama ng loob sa akin, Louisse!"

"Kaya ba sa aming mga anak niya ibinubuntong mo ang galit mo?"

"Oo!" marahas nitong sagot. "Ang anak ko na lang ang mayroon ako, Louisse. Siya na lang ang mayroon ako."

"Pero hindi ka nagpaka-ina sa kan'ya. Hindi ba at napabayaan mo siya dahil nalulong ka sa droga?"

Nanlaki ang mga mata nito, hindi makapaniwalang alam niya ang bagay na itinatago nito. "P-paanong-"

"Thanks to Tonyo that I got to know this information about you, Rita. Atleast make an apology."

Tumawa ito ng pagak. "Hindi niyo deserve ng apology. Bagay lang sa inyong mag-kambal ang nangyari sa buhay niyo. Kabayaran iyon ng mga magulang niyo sa nangyari sa amin ng anak ko."

"No!" matigas niyang sagot. "Hindi ka diyos para sabihin kung anong deserve namin. Hindi ka diyos para paglaruan ang buhay namin. Mas lalong hindi ka diyos para diktahan ang mangyayari sa buhay namin. Rita, we don't need your apology. But atleast say sorry for your son. Sa tingin mo ba ay masaya siya sa kung anong ginawa mo? Hindi niya nga siguro deserve na namatay nang hindi naaayos ang naging misunderstanding sa pagitan niyong dalawa. But we don't also deserve your cruelty, Rita. Hindi kami ang kabayaran sa sinasabi mong ginawa ng magulang namin."

Tumayo na siya at sa huling sandali ay tiningnan niya ito sa mga mata. "You don't need to live with full of regrets and what if's. Hindi pa huli ang lahat, Rita. May panahon ka pa para pagsisisihan ang ginawa mo sa amin. I'm now also a mother, so I know what you feel. And one more thing, you also deprived me the opportunity to know that Lena is my twin." Sandali siyang tumigil dahil hindi niya gugustuhing maging emosyonal sa harapan nito. She's not worthy of her cries.

"Atleast for once make an apology to your son because you turn to be like this. Without you knowing that he died remembering that once in his life, he have a best mother like you. Before you decied to turn out to be the evil mother you are... right now."

Huling sulyap pa sa bakas ng mukha nito na natulala na lamang at walang naisagot sa kan'ya ay tuluyan na niya itong tinalikuran. Nang makalabas siya sa bilibid ay tila ro'n niya pa lang naramdaman ang panghihina ng kan'yang tuhod. Mabuti na lamang at nabalanse niya ang katawan.



MULA nang bumalik siya ng Manila ay hindi pa niya nagagawang mabisita man lamang ni isang beses ang Angel Eyes Orphanage. At sa mga sumunod naman na mga araw ay naging abala siya sa preparation niya papuntang New York. Doon niya na kasi binabalak mag-umpisa nang panibagong buhay sa tulong ni Tonyo.

Masyadong naging mabilis ang mga araw, namalayan na lang niya na sa huling tingin ay nilisan niya na ang dating apartment at lumipad patungong New York, sakay ng private airplane ni Tonyo. Ni hindi niya na nagawang makapagpaalam sa mga kasamahan sa trabaho.

"Are you okay?"

Bigla ay napalingon siya sa katabi, bakas ang pag-aalala sa boses nito. Kahit ilang beses na niyang sinabihan ang lalaki na kaya na niyang mag-isa ay nag-insist pa rin itong sasamahan sila nito.

Pagtango lamang ang kan'yang isinagot. Hindi na rin naman siya nito kinulit pa kaya malaya niyang ipinikit ang kan'yang mga mata at hinayaang tangayin ang kan'yang isip sa pagpaplano ng magiging buhay nila ng anak sa lugar na kanila nang magiging bagong tahanan.

The UnWanted Billionaire Where stories live. Discover now