Chapter 47

59 2 0
                                    

Eugen Pov



Bawat hakbang na ginagawa ko ay unti-unting nagpapahina sa mga tuhod ko. Gusto kong lumingon at bumalik sa kaniya para magmakaawa na ako na lang ulit pero laging pumapasok sa utak ko ang mga sinabi ni Phanter sa akin noon.

Na merong pagmamahal na pinapalaya at may pagmamahal na hindi na pwedeng ipaglaban dahil 'yong taong 'yon ay may mahal ng iba.

"Mama...." umiiyak na bulong ko habang paulit-ulit na tinatapik ang dibdib ko at nagbabakasakali na maiibsan ang bigat at kirot na nararamdaman nito.

Ang swerte ng mga taong kapag umiiyak at nasasaktan sila ay meron silang natatakbuhan. Dahil 'yong family nila ay laging nakasuporta sa kanila samantalang ako matagal ng nawala sa akin ang bagay na 'yon.

Gustong-gusto ko na silang makita. Gusto ko silang mayakap kahit sandali lang dahil alam kong kahit ilang tao pa ang yumakap sa akin ay wala pa ring tatalo sa yakap na nanggagaling sa pamilya mo.

Mabilis akong sumakay sa kotse ko bago pinaharurot ito papunta sa lugar kung saan alam kong may kakampi ako. He was always there when I needed someone and I know he was still there to hear my sentiments in life.

I love Trevor so much. Masyado yata akong dumepende sa mga story na binabasa ko. Halos kase lahat doon ay umaalis si girl pero pagbalik ay nandoon pa rin si boy at konting suyo lang ay okay na.

I just remember that those story was just a fictional scene for a love story not the reality because in a real world, once you leave those chances that you have with him will slowly dissappeared.

Huminga ako ng malalim bago pinunasan ang luha ko at inihinto ang sasakyan sa gilid. Tahimik na bumaba ako at umikot para buksan ang backseat para kunin ang bulaklak na binili ko para sa kaniya.

I saw how my hands trembled because this is the first time that I will going to visit him and it might be the last.

Umihip ang malakas na hangin pero patuloy pa rin ako sa paglakad. Sobrang tahimik ng paligid na mas lalong nakakapagpatindi sa pangungulila na nararamdaman ko. Hindi lang kay Trevor, kay Phanter kundi sa mga magulang at iba ko pang mahal sa buhay.

Huminto ako sa lugar kung saan nakita ko ang pangalan niya. Napangiti ako ng mapait at marahang nag-squat sa harapan para alisin ang mga tuyong dahon na nakatakip sa lapida ng kapatid ko.

Hinaplos ko ang mga letrang nakaukit r'on bago inilapag ang bulaklak sa gilid nito. Nangilid ang luha ko nang maalala na aalis na naman pala ako.

"K-amusta ka na?" puno ng lungkot na tanong ko.

Yumuko ako nang bahagyang nanginig ang labi ko sa nagbabadyang paghikbi. Ramdam ko ang paninikip ng aking dibdib dahil para akong paulit-ulit na sinasaksak sa bawat letrang bumubo ng pangalan niya sa lapida.

"I'm s-sorry," kumawala ang mga luha sa mata ko at marahang hinaplos ang lapida niya, "p-patawarin mo ang ate, huh. Hindi kita naprotektahan sa k-kaniya." Napahikbi na ako dahil ngayon na lang ulit ako maglalakas ng loob na mag-open up sa lahat ng nangyari fiver years ago.

I started to feel the pain that I am always hiding from other people even from myself. Ang hirap pala na alam mo sa sarili mo na okay ka na pero 'yong sakit ay hindi pa rin nawawala o kung mawawala pa nga ba.

"Meron na akong Phoenyx, Phanter. T-tito ka n-na at saka pala magaling na ang ate. Okay na siya," mahinang sabi ko habang patuloy sa paghikbi. Hindi ko alintana ang pagihip ng malakas na hangin sa paligid ko.

Hindi ko na kayang ikuwento lahat ng nangyari sa akin dahil alam kong those 5 years of hell, he was there watching and guiding me. He was always there along the way of my happiness in life and miserable days of my life.

Along the Way (Completed)Where stories live. Discover now