Chapter 15

34 3 0
                                    

Eugen Pov

Sungit..... Halos gusto ko siyang batukan dahil sa inaasal niya. Dahil sa pagkainis ay nakalimutan niyang ako ang ate.....at siya 'yong bunso!

"Ate bilisan mo!" Umirap ako sa kawalan at dali-daling kumuha ng pambayad kay manong.

Nagpasalamat ako kay manong at nakangusong sumunod kay Phanter. Buset....hindi porque badtrip siya ay gagantuhin na niya ako.

"Pumasok ka na sa kwarto mo at magpahinga. Dahil kapag inatake ka na naman ng hika mo ay talagang walang ate! ate!" Halos mapatalon pa ako sa gulat dahil sa biglaang pagharap niyang 'yon mula sa pagkakandado sa gate namin.

"Ang sungit mo.....pero seryoso ba talagang nagconfe-----"

"Ate! Don't you dare teasing me, and please......don't tell kuya about it," he said with his warning voice.

Halos kunot na kunot ang noo pati mata niya ay matalim kung tumitig pati panga niya ay paulit-ulit na umiigting.

Cindy, look at what you did to my brother.

I chuckled but pursed my lips when he look at me sharply. Lagi na lang highblood, akala mo naman babae kung makaakto.

Mabilis na hinawakan niya 'yong braso ko at inalalayan papasok sa bahay. Mukhang tulog na ang mga tao dahil tahimik na ang buong bahay.

"Hatid na kita sa kwart----"

"Hatid mo ako kay kuya.....I don't think I can sleep alone." Mabilis na nag-iwas ako ng tingin at nanatili na lamang nakayuko para hindi niya mabasa ang takot at kaba sa mga mata ko.

Hindi nila kailangang malaman lahat nang nangyari sa buhay ko. Kahit na minsan ay tinatanong ko sa sarili ko, bakit ako naiwan pero sila kuya ay isinama?

Siguro kung sinama rin nila ako that time ay hindi mangyayari 'yong mga bagay na nagsisilbing bangungot ko gabi-gabi.

"Alright.....doon na rin ako matutulog," Kalmadong sabi niya.

Tahimik na tinahak namin ang kwarto ni kuya at mabilis niyang binuksan ito. Bumungad kaagad ang blue na kwarto ni kuya at talagang asul-na asul.....

Maingat ang bawat hakbang namin dahil baka magising namin si kuya. Kung si Phanter nga ay nagsusungit ay nai-stress na ako paano pa kaya kapag dalawa na sila? Hayyyts....baka maglagas na niyan ang buhok ko!

Nakita namin si kuya na nakadapa sa kama niya habang nakasuot lang ng puting padjama at natutulog. Mabilis na hiniga ko ang ulo ko sa likod ni kuya at tahimik na ipinikit ang mga mata ko.

I felt tired. Lahat ng nangyari kanina ay masyadong mabigat para sa isang araw. Tsk.....

Narinig ko ang pagdaing ni kuya dahilan para umayos ako ng higa at nakadapang humiga habang nakaharap sa kaniya.

"Palit lang ako ng damit ate." Tumango ako at narinig ko ang pagsara ng pinto ng kwarto ni kuya.

Bumuntong-hininga ako at pinilit na alisin ang mga agam-agam sa aking isipan. Hindi pwede.......dahil nasa harapan ko sila. Ayokong malaman nila ang mga nangyari sa akin sa kamay niya. Because I don't want ending up blaming them for everything that'd happened in my life.

"Prinsesa ko?" Nalipat ko ang tingin sa mukha ni kuya dahil sa pag tawag niya sa akin.

Mabilis ang pagpikit-pikit niya ng mga mata na parang sinusuri kung totoo ba na nandito ako sa harapan niya.

"Teka.....tama, nanaginip lang ako dahil nasa party pa si prinsesa ko....tsk." Halos gusto ko siyang tawanan dahil sa ilang beses ng pag-iling niya sa ulo niya.

Along the Way (Completed)Where stories live. Discover now