Chapter 16

40 2 0
                                    

Eugen Pov

Alam mo 'yong pinakamasakit na nararansan ng isang tao ay 'yong hawak mo na nga pero binitiwan mo pa. Tapos kapag nakita mo nang hawak ng iba at saka doon mo lang marerealize na sana pala.........mas hinigpitan ko pa ang kapit ko sa kaniya o sana pala sumubok ako.

Kaya kapag nawala na, ang tanging choice mo na lang ay tanggapin ang lahat. Mahirap tanggapin 'yong bagay na wala na sa'yo pero mas mahirap tanggapin 'yong bagay na alam mong meron pa pero hindi na pwede.

"Are you okay, ate?" Bakas ang pag-aalala sa boses niya.

Sinandal ko na lang ang ulo ko sa balikat niya habang umaandar 'yong tricycle. Si kuya ay nasa likuran ng driver at dalawa naman kami ni Phanter sa loob.

Medyo napangiti ako nang itinapat niya ang bag niya sa hita ko. Dahil nakauniform kami ngayon at konting upo lang ay halos kita na lahat. Mabuti na lang required and stocking kaya medyo comfortable naman pero may mga ibang lalaki lang talaga na bastos.

"Bakit ba kase ang iksi ng skirt niyo ate!? Pwede bang pagawa ka ulit at hanggang below the knee ang haba?" Mabilis na pinalo ko ang braso niya at natawa.

"Below the knee? Seryoso ka diyan, Phanter? Anong gusto mo pagtawanan ako at tawaging manang?" Bakas ang panunuya sa boses ko.

"Okay lang na tawagin kang manang at least mahaba namam ang palda mo." Hindi na talaga siya papatalo kapag sa ganitong bagay ang pinag-uusapan namin.

"Kung gusto mo, ikaw na lang ang magpatahi ng gusto mo para naman sumaya ka.......tapos isuot mo na rin para mas sumaya ka ulit, hahahahaha." Patuloy ako sa pagtawa pero tanging pagsinghal lang niya ang narinig ko.

"Ang funny grabe...........Ang saya-saya pero mamaya kapag nakita na si bebe boy niya ay tatahimik na, ano kaya 'yon...."

Mabilis na umalis ako sa pagkakasandal sa kaniya at umupo ng maayos, "Eww.....sa'n mo naman nakuha 'yang bebe boy na 'yan?" I gave him a disgusted look.

"Bebe.....in short ng baby, o bakit hindi ba baby pa naman 'yon?" Wala na 'to....malala na ang tama! Hindi ko alam kung matatawa ba ako o mabubuset sa pinagsasabi niya.

Mukhang napuruhan talaga kay Cindy. Hindi pa nga rin ako makapaniwala na nag-confess na siya kay Cindy! Grave talaga nagagawa ng galit....hindi mo namamalayan ay nasasabi mo na pala 'yong mga bagay na sikreto lang dapat.

"I know what your thinking, don't make it awkward for the both us." He said while playing with my palm, "Damn, why did I even confess anyway?" Bulong niya sa sarili at paulit-ulit na iginuhit ang tanong na 'why?' sa palad ko.

"So anong plano mo ngayon?" Mahinang tanong ko habang tumitingin sa kalsada.

Ilang minuto na lang ay nasa school na kami. Dahil maagang nagising sila kuya ay hindi kami late.

"Wala ate. Kailangan pa ba 'yon?"

Napanguso ako at natahimik dahil aminin ko man o hindi ay bagay sila ni Cindy. Masyadong opposite ang personality nila kaya rin siguro nagustuhan o minamahal niya si Cindy.

"Hayyts....kung wala lang talagang boyfriend si Cindy ay ako na sana ang kusang tutulong sayo na ligawan siya,"

Napahinto siya sa pagguhit sa palad ko kaya mabilis na tumingin ako sa kaniya. Inabot ko ang buhok niya at marahang inayos 'yon.

Along the Way (Completed)Kde žijí příběhy. Začni objevovat