Chapter 10

41 3 0
                                    

Eugen Pov



"Ouch...." My head hurts when I woke up in the morning. Shit.

Takte! Mukhang naparami yata inom ko kagabi! Napakunot ang noo ko nang makitang ganito pa rin ang suot ko.

Hindi ba muna ako nagbihis bago ako natulog? Pero teka! Paano pala ako nakauwi!?

Umupo ako sa kama habang sapo-sapo pa rin ang ulo. Sa susunod hindi na talaga ako iinom ng marami! Baka mamaya masira atay ko!

"Naman kase Eugenia Dominga! Lasinggera ka na!" Singhal na bulong ko sa sarili at dahan-dahang pumuntang banyo.

Hinubad ko isa-isa ang mga damit ko, "Bat ba ang hirap mong tanggalin!?" Inis na sabi ko dahil medyo nahirapan ako sa pagtanggal ng aking damit.

Mabilis na kinuha ko ang tabo at nagbuhos. Damn it's cold! Tabo at timba gamit ko dahil wala naman akong shower. Minsan nga gumawa kami nila kuya ng alternative na shower, e.

Alam niyo ba 'yong lata ng Nido tapos binutas-butas namin 'yon gamit ng pako then boom! Meron na kaming shower!

Dahil malamig ay mabilis lang akong natapos at mabuti na lang Saturday at wala kaming pasok ngayon. Nagsuot lang ako ng black maong shorts and a blue v-neck shirt.

Mabilis na bumaba ako sa sala at nadatnan ko sila kuya na parang lantang gulay na nakaupo sa sofa habang nanonood ng TV.

Mabilis na umupo ako sa gitna nila at sumandal rin sa backrest. Napaawang ang bibig ko nang makita ang pinapanood nila. What the.... seriously!?

"Dora?" I asked in disbelief.

"Shhhhh...." Sabay nilang suway sa akin dahilan para manahimik na lang ako at nakinood sa kanila.

Napangiwi ako dahil sa pinapanood namin. Pambata masyado dapat 'yong Tom and Jerry na lang!

"Pasandal ate," Phanter said softly but in a lazily tone.

He lean his head on my shoulder while still watching Dora. Marahan kong inabot ang pisngi niya at hinaplos ito.

My poor baby.

"How's your heart?" I asked.

"It's hurt, ate." He answered.

I closed my eyes then smiled sadly. This is how fate play with us. Bakit kaya hindi na lang nito hayaan na mahalin rin tayo ng mahal natin? Bakit kailangang meron pang hadlang?

Hindi ba pwedeng kapag nagmahal ka, mahal ka na rin? Pero hindi.....dahil merong mga nagmamahal na nasasaktan dahil hindi kayang suklian ang kanilang nararamdaman.

"Why her?" I asked then open my eyes.

I saw kuya pouted then lean his head also on my right shoulder. Hmp! Seloso. Kapag kase nakita na niyang nagpapalambing na si Phanter sa akin ay nagtatampo rin siya....dahil dapat siya rin ganoon.

"I don't know, ate. It's there a reason for that? Kapag ba nagmahal ka, kailangang may rason?" Mahinang tanong niya
dahilan para matahimik ako.

Meron nga ba? Lahat ba ng taong nagmamahal ay may rason kung bakit minahal mo sila?

"May boyfriend na siya, Phanter. Alam mong una pa lang ay pinagtritripan ka lang niya."

"Iyon na nga ate, e, hindi ko akalain na sa pangtritrip niyang 'yon ay nahulog ako. Basta paggising ko na lang.....iba na ang nararamdaman ko sa kaniya. Pinilit kong kalimutan at pigilan 'yon ate......pero mas lalong naging malalim, kaya tignan mo ako ngayon.......lunod na." Napatawa ako ng mahina at tinagilid ang ulo para mahalikan ang tuktok ng ulo niya.

Along the Way (Completed)Where stories live. Discover now