Chapter 41

44 2 0
                                    

Eugen Pov






Mabilis na tumakbo si kuya papunta sa kinaroroonan ng mama niya. Ni hindi man lang ako nagawang tignan. I know it was may fault why they became miserable. Ngayon ko na lang naisip na habang busy ako sa sakit na nararamdaman ko ay hindi ko napansin na nasasaktan rin pala 'yong mga taong nagmamahal sa gagong 'yon.

Napaubo ako ng sunod-sunod dahil halos sumikip na ang dibdib ko at halos wala ng hangin na pumapasok sa ilong ko para makahinga nang maayos. Umiiyak na pinunasan ni Phanter ang pisngi ko gamit ang dulo ng damit niya.

Nakahiga na ako sa sahig habang ang kalahati ng katawan ko ay nakasandal sa katawan ng kapatid ko. 'Yong kapatid kong laging nasa tabi ko at kahit may kasalanan ako ay nandiyan pa rin siya.....hindi niya ako iniwan.

"Hang on, ate, baka pauwi na sila m-mama...." paulit-ulit na bulong niya habang paulit-ulit ring pinupunasan ang pisngi ko at ang isang kamay niya ay nilalagyan ng pressure ang saksak sa tagiliran ko. "H-huwag mo akong iiwan, ate. Hindi ko k-kaya........"

Napapikit ako nang pakiramdam ko ay may tumutusok ng paulit-ulit sa tagiliran ko. Hindi ko maipaliwanag 'yong sakit, hindi man kaseng sakit sa mga masasakit na salita ni mama na tumatatak talaga sa isip at puso ko pero kakaibang sakit na unti-unting pumapatay at kinukuha  ang hininga ko.

"Kuya Haze! Si ate......" Natatarantang sigaw ni Phanter dahilan para imulat ko ang mga mata ko.

Mabilis na tumaas ang kamay ko para haplusin ang pisngi niya dahilan para maibaling niya sa akin ang paningin niya. Puno ng luha ang mukha niya at pati lahat ay namumula. Bigla akong natakot na baka hindi pwede sa kaniyang makaramdam ng extreme na emotion.

Ngumiti ako sa kaniya para pawiin kaunti ang nararamdaman niya, "'I'm okay, fi-----fighter a---ko," habol na hiningang sabi ko.

Umiling lang siya sa akin bago hinalikan ng matagal ang noo ko. I don't why I find it hearbreaking for me, my heart can't stop aching whenever I saw him crying like this.

"Dadalhin ka namin sa hospital, ate. Hindi ako papayag na mawala ka!" Bulalas niya bago mabilis na tumingin sa bandang gilid niya, "ano bang kasalanan sa'yo ng ate ko at bakit mo siya sinasaktan huh!?"

"Ph-----anter......" mahinang bulong ko para pigilan siya.

"Mama! Why the hell are you here!?" Bakas ang galit, sakit at pait sa boses na 'yon ni kuya Haze.

"Para maningil ng utang," wala ng sin-lamig ng yelo ang boses niya na kahit pati batok mo ay kikilabutan.

"Stop it Ma! Alam mo ang dahilan kung bakit nagawa ni Eugen 'yon!" Sigaw ni kuya Haze, hindi ko sila makita dahil bahagyang nakatalikod ako sa gawi nila dahil nakasandal pa rin ang katawan ko kay Phanter.

"OO ALAM KO HAZE! KAYA 'YON ANG HINDI KO MATANGGAP! BAKIT KAILANGAN PANG IPARAMDAM SA AKIN NG ANIMAL MONG TATAY NA WALA AKONG KWENTA PARA LANG SA PAGNANASA NIYA SA BABAENG 'YAN! SABIHIN MO SA AKIN BAKIT KAILANGAN NIYA AKONG SAKTAN NG GANOON! SABIHIN MOOOOO!" Nagsipag-tuluan ang mga luha ko dahil ramdam na ramdam ko 'yong sakit, poot, galit, lungkot at pangungulila sa sigaw niyang 'yon.

Pinikit ko ang mga mata ko at hinayaan ang sariling umiyak ng tahimik sa balikat ng kapatid ko. I destroyed their family, pero kapag hindi ko ginawa ang bagay na 'yon ay baka ako naman ang tuluyang masira. I know that was a selfish action, but I was just young back then! But still, it was all my fault.

"Eomma...." Lumanghap ako ng maraming hangin nang marinig sa kung paanong paraan niya tawagin ang  mama niya.

Alam ko na half korean ang mama niya pero bakit ang sakit-sakit marinig ng tawag na 'yon. The pain is killing me, I think it is too much for me.

Along the Way (Completed)Where stories live. Discover now