Chapter 45

43 3 0
                                    

Eugen Pov

Going back to the place where I truly belong makes my heart beat so fast. Its been 5 years but the familliar feeling when my feet landed on the ground after the plane landed, I felt the comfort that I'm always wanted to feel everytime I'm in the California.

"Welcome back, ma'am," bulong ni yaya Fen sa akin habang hawak-hawak ang maleta namin.

Ngumiti ako at biglang napatingin sa anak kong pupungay-pungay ang mga mata habang inosenteng inililibot ang paningin sa buong paligid.

Marahan akong umupo sa harapan niya dahilan para matigil sa akin ang titig niya. Ngumiti ako bago hinaplos ang pisngi niya, "welcome to the Philippines, baby."

"Is daddy here?" hindi ko kung matatawa o malulungkot ba ako dahil sa tanong niyang 'yon. Mukhang excited na talaga siyang makita ang daddy niya.

"Don't worry Phoenyx, hindi matatapos ang araw na 'to na hindi mo makikita ang daddy mo." Ngumiti ako sa kaniya bago siya kinarga para makatayo na kami.

"I'll wait mommy," bulong niyang 'yon bago tuluyang niyakap ang batok ko at isinandal ang mukha sa balikat ko.

Pagkalabas namin ng airport ay ramdam ko agad ang init na pamilyar sa'kin bilang isang Pilipino.

"Mommy its hot!" mariing reklamo ng anak ko dahilan para matawa ako.

"Don't worry sasakay na tayo sa van at doon 'di na mainit," sakto namang may tumigil na van sa harapan namin at tinulungan si yaya na ilagay lahat ng gamit namin sa loob.

Pumasok kami sa loob at dahil medyo maaga pa ay hindi gaanong ka-traffic papuntang condo unit namin. Rinig ko na ang muntik hilik ng anak ko, kung sabagay halos 'di siya nakatulog sa eroplano sa sobrang excitement.

Alam ko naman kung gaano siya kaexcite mameet ang daddy niya. But of course before I do that, I need to make sure that he still into me. I know I became selfish five years ago, but right now I think, I am now ready to fight for him but the thing is, is he still love me?

That's the question that I need to find an answer and meeting him right now is the only solution. Hinaplos ko ang buhok ng anak ko bago humugot ng malalim na hininga.

Its now or never sabi nga nila, pero alam ko darating 'yong time na kailangang may masaktan ulit at kapag nangyari 'yon ay alam kong talo na ako.

"Manang, ikaw na po muna bahala kay Phoenyx, huh." mabilis kaming nakarating sa condo at maingat kong ibinaba ang anak ko sa kama.

Inayos ko ang kumot niya na hanggang baywang bago hinaplos ang pisngi. I will do everything just to make him happy and meeting his dad is one of them.

"Saan po ba kayo pupunta? Baka hanapin po kayo ni Phoenyx kapag nagising siya.'' sabi ni manang habang inaayos ang mga damit namin sa closet.

Tumingin ako sa kaniya bago ibinalik ang titig sa anak kong mahimbing ang pagkakatulog. Isang halik sa noo ang ginawad ko sa kaniya bago tuluyang tumayo.

"Just tell him I'm going to meet his dad," mahinang sabi ko na agad nakapagpatigil sa kaniya. "May problema ba?" takang tanong ko nang makitang palipat-lipat ang tingin niya sa amin ng anak ko.

Malungkot siyang umiling bago umiwas ng tingin sa akin at nagpatuloy sa paglalagay ng mga damit namin sa closet. Akala ko hindi na siya magsasalita pero bago pa ako humakbang patalikod sa kanila ay nagsalita na siya.

"You deserve to be happy too, ma'am." Ngumiti na lang ako bago lumabas ng kwarto.

Yes, I deserve to be happy but those true happiness, I can only find that to the person that I love.

Along the Way (Completed)Where stories live. Discover now