Eugen Pov
Warning: harassment
It happened when Eugen was 8 years old.
Flashback
"Tahan na, Eugen." Malambing na sabi ni nanay habang hinahaplos ang likod ko, "mabilis lang sila mama mo roon at babalik din sila, apo."
Mas lalo akong napahikbi at umiling kay nanay. Ramdam ko ang lamig sa buong katawan ko dahil sa kakahabol kila mama. Pagkagising ko kase ay nakita ko na pasakay na sila sa taxi tapos hinabol ko sila.....pero hindi man lang sila tumigil.
Mas lalo akong umiyak at niyakap ang sarili habang nakatitig sa paa ko na marumi.
Rinig ko ang buntong-hininga ni nanay at hinawakan ang baba ko para i-angat. Puno ng luha ang pisngi ko samantalang siya ay nakangiti sa akin.
"Ayaw mo ba kay nanay?"
Suminok-sinok ako at mabilis na umiling sa kaniya. "Gusto po."
Kita ko ang kulubot na mukha niya dahil matanda na si nanay. Hindi ko nga alam kung paano nakayanan ni nanay na habulin ako mula sa bahay hanggang sa mapunta ako sa isang parke.
Ang maliit kong kamay ay mabilis na inangat para haplusin ang pisngi niya. "Nanay, ba't kulubot po ito?" Inosenteng tanong ko at bahagya pang pinunasan ang luha ko ng isang kamay ko.
Nakalimutan ko na kung bakit ako umiiyak dahil ang tanging nasa isip ko na lamang ay ang kulubot na mukha ni nanay.
Hinaplos ko ang pisngi niya at biglang napabungisngis.
Tumawa naman si Lola at pinanggigilan ang dalawa kong pisngi.
DU LIEST GERADE
Along the Way (Completed)
RomantikAge doesn't matter? -Age is a matter for someone who doesn't have the capability to fight for someone they love. -Age is not a matter for someone who is willing to do everything just for love. I am a college student who's prefer to have a partne...