Chapter 24

33 2 0
                                    

Eugen Pov





"Phanter, can you please open this door? Coz I wanna talk to you about what happened earlier." Sabi ko at inulit ang pagkatok sa pinto niya.

Tumayo ako ng tuwid nang marinig ang mga yabag niya. Biglang nag-click ang door knob kaya mabilis na binuksan ko ito.

Kumunot ang noo ko nang makitang bumalik siya sa paglalaro ng mobile legend sa computer niya. Lumapit ako sa kaniya at tumayo sa gilid niya.

"Let's talk." Seryosong sabi ko pero nanatiling tutok ang mata niya roon.

Sa inis ko ay mabilis kong hinugot ang headphone sa nga tainga niya dahilan para matigil siya sa kakasabi ng 'attack'.

"Can't you see that I'm playing, ate." Iritang sabi niya at nang akmang ilalagay ulit ang headphone sa tainga niya ay mabilis na pinatay ko ang computer niya dahilan ng malutong na pagmumura niya.

"Ate! Damn, bawas credits na naman!" Inis na bulong niya at padabog na tumayo at tumungo sa kama.

Inirapan ko siya at nakapamaywang na tumayo sa harapan niya. Ano bang nangyayari sa kaniya at parang iritang-irita siya? Tapos idadamay niya pa ako sa mood swing niya!

"Hoy!" Asik ko pero nanatiling nakapikit ang mata niya habang nakahiga sa kama at sa inis ko ay sinipa ko ang paa niya na nasa sahig na agad niyang ikinamulat.

"Napakasadista mo talaga, ate! Kanina 'yong paglalaro ko ang inistorbo mo tapos ngayon 'yong pagtulog ko na naman!" Salubong ang kilay na asik niya sa akin, "bakit hindi si Trevor mo ang istorbohin mo tutal siya naman ang mahal mo!"

"Ano bang nangyayari sayo at ang sungit-sungit mo!?" Inis na tanong ko at muling sinipa ang paa niya.

Umirap siya sa akin at bumulong-bulong ng kung anong hindi ko naman maintindihan. Gusto ko siyang kutusan sa totoo lang dahil nabubuset na ako sa inaakto niya! Kaya nga ako pumunta rito para pagalitan siya dahil sa eksena kanina pero kabaligtaran ang nangyari!

Napagakagaling na bata! Ako dapat ang galit ngayon hindi ikaw! Peste.

"Hmp! Wala kang pakialam! Doon ka na sa Trevor mo dahil iiwan mo rin naman kami." Nakangusong sabi niya at bahagya pa akong inirapan na akala mo naman ay ang laki ng kasalanang nagawa ko sa kaniya.

Natawa ako at napakagat sa labi habang iiling-iling na umupo sa gilid niya. Dumusog siya palayo sa akin at umirap ulit. Bakla.

"Don't tell me nagseselos ka?" Pigil ang tawang tanong ko.

Halos matutop ko ang labi ko ng bigyan niya ako ng nakakamatay na tingin. "Bakit naman ako magseselos!?"

"Bakit nga ba, li'l bro?" Bahagya kong itinukod ang siko ko sa tuhod ko at hinaplos ang baba na animoy nag-iisip. "Natatakot ka ba na mawalan ako ng oras sa inyo dahil kay Trevor?"

Tila bull's eye 'yon dahil bigla siyang natahimik. Kung hindi ko lang siya kilala ay baka nasapak ko na siya. Hindi naman porque may mahal na ako ay makakalimutan ko na sila, tsk.

"Aww....nagtatampo ang ading ko." Dumusog ako palapit sa kaniya at inabot ang buhok niya para guluhin.

"Si Trevor ay iba sa inyo. Dahil iba ang pagmamahal ko sa kaniya at iba rin ang pagmamahal ko sa inyo. Sabihin na natin na maliban sa inyong tatlo nila papa ay meron pang nadagdag na lalaki sa buhay at puso ko." Seryosong sabi ko at hinaplos-haplos ang buhok niya, "iba ang pagmamahal na naibibigay niyo sa akin sa pagmamahal na binibigay niya."

Along the Way (Completed)Where stories live. Discover now