Chapter 19

36 2 0
                                    

Eugen Pov




Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko. Mabilis na napabangon ako at inilibot ang tingin. Bigla akong nakaramdam ng takot nang makitang ni isa sa kanila ay wala rito.

Did they leave me again?

Mabilis na umalis ako sa kama at nagmamadaling bumaba. Bawat hakbang ko sa hagdan ay mas lalong nananaig ang takot sa puso ko.

"Ma! Pa!" Sigaw ko, "Phanter, kuya!" Sa huling steps ng hagdan ay mabilis na lumitaw si kuya at sinakop ang baywang ko.

Mabilis na yumakap ako sa batok niya at hindi ko mapigilang hindi mapahikbi. Ramdam ko naman ang gulat at pagtataka dahil sa inakto ko.

"What happened?" Bakas ang pag-aalala sa boses niya.

"Akala ko iniwan niyo ulit ako!" Humihikbing sabi ko at mas lalong ibinaon ang mukha sa leeg niya.

Kuya sighed heavily then caress my hair softly. "Hindi na namin gagawin ang bagay na 'yan. Hindi ka na iiwan ni kuya, kaya tahan na."

Inilayo ko ang mukha ko sa leeg niya para tignan ang mukha niya. Ngumiti siya na parang sinasabing magiging okay ang lahat.

"Promise?" Mahinang bulong ko ba agad niyang ikinatango.

"Promise..." He said softly, "Pero huwag ka na ulit tatakbo sa hagdan ng ganoong kabilis. Aatakihin ako sa puso dahil sa ginawa mo at mabuti na lang narinig ko ang sigaw mo kundi baka nagtuloy-tuloy ka at maaksidente ka pa."

Napanguso ako at niyakap na lang ulit siya nang mahigpit. Mabilis namang humaplos ang kamay niya sa likuran ko para kalmahin ako.

"Anong nangyayari kuya?" Boses ni Phanter ang narinig ko mula sa likuran ni kuya.

"Hmm....wala naman, namiss lang ako ni Eugenia," Mabilis na humiwalay ako sa kaniya at bahagyang ngumiwi.

"See? Hahaha....I miss you too, princess," Lumambot ang tingin ko sa kuya ko dahil sa tinuran niya.

Feeling ko hindi siya nagbibiro. Dahil ito na yata ang pinakamalungkot na salitang narinig ko sa kaniya.

Ngumiti ng matamis si kuya pero 'yong mga mata niya ay napakaraming gustong sabihin. Sorry kuya, but not now. Hindi ko pa kayang sabihin ang nangyari sa buhay ko noong pinili niyong iwan ako.

"Okay ka na ate?" Alanganing tanong ni Phanter dahilan para maalis ang tingin ko kay kuya.

Ngumiti ako ng tipid at tumango sa kaniya. Humakbang ako palapit sa kaniya at dahan-dahang inilapat ang palad sa dibdib niya. Ramdam ko ang normal na pagtibok nito dahilan para makahinga ako ng maluwang.

"Masakit?" Mahinang tanong ko.

Natawa naman siya ng mahina, "Oo naman ate. Lalo na noong sariwa pa ang sugat neto. Kahit naman bata pa ako noon ay tandang-tanda ko pa dahil sa sugat na ito..........ay iniwan namin ang prinsesa namin," lumungkot ang boses niya dahilan para mag-angat ako ng tingin.

Mabilis na hinaplos ko ang pisngi niya at ngumiti. "Hindi mo kasalanan. Huwag mo ng isipin ang bagay na 'yan dahil nangyari naman na, e."

Masakit siyang tumitig sa akin dahilan para matahimik ako, "Pero nasaktan ka ate," no Phanter. Dahil until now ay nasasaktan pa rin ako pero naiintindihan ko na ngayon.

"Okay na Phanter....let just forget and move on." Hinalikan ko ang pisngi niya at inakbayan siya.

Bahagya pa akong natawa dahil nga sa mas matangkad siya sa akin ay bumaba ang katawan niya. Nakanguso lang siya at mukhang malalim ang iniisip.

Along the Way (Completed)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang